Chapter 4

305 12 0
                                    

"O, WHUT na? Success ba?"

Nagkibit-balikat ako sa itinanong ni Patring habang humihigop kami ng frap sa Starbucks. "Okay naman."

Okay lang kasi napansin naman ni Mr. Natividad ang pagbabago sa ayos ko. Sabi niya lang, "O, new look, ha." Atlis, napansin naman niya. Masagwa naman kasi kung sasabihan niya ako ng "Ang ganda mo sa new look mo." Hindi ganoon pumuri ang mga teacher sa estudyante nila. Kahit magandahan sila, sasarilinin na lang nila kasi bawal magpakita ng paghanga sa estudyante.

May nagsabi nga sa akin na maganda ako. Si Jake. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magpanggap na hindi kami nagkita sa corridor bago pa ako pumasok sa classroom at inasar pa ako sa new look ko. Malamang sinabi niya lang iyon dahil nagti-trip lang siya.

Ang lakas talaga ng trip ng taong 'yon. Tuloy naging tampulan kami ng tukso kanina sa classroom. Parang deadma lang naman siya sa tuksuhan. Ako ang panay ang "Heh! Shaddap!" sa mga kaklase kong nanunukso sa amin. Sigurado namang bukas, tapos na ang tuksuhan. Ganoon naman sa klase namin, eh. May ipa-pares silang isang babae at isang lalaki sa classroom at tutuksuhin, tapos kinabukasan deadma na.

Hindi ko nga lang alam kina Nadine at Sandy kung titigilan nila ako sa panunukso sa akin kay Jake. Choosy pa daw ba ako, sabi ni Sandy. Eh, ang cute daw ni Jake at rich kid pa. Sumegunda naman si Nadine na ang sabi, boto daw siya kay Jake para sa akin. Bagay daw kami blah blah blah. Ansarap nilang pag-untugin ni Sandy.

Cute at mayaman nga, nakakaasar naman. Kung alam lang ng mga kaklase namin ang naging engkuwentro namin ni Jake bago ako lait-laitin ni Kara, hindi nila ako tutuksuhin kay Jake.

Eh, bakit naman kasi kailangang sabihin ni Jake na maganda ako sa harap ng buong klase? Ibang klase talaga siya mag-trip.

"Why parang nagba-blush ka?" puna ni Patring.

Napahawak ako sa mga pisngi ko habang nanlalaki ang mga mata. "Ako? Bakit ako magba-blush?"

"I don't know to you."

Nagba-blush ba ako dahil naaalala ko ang pagsabi sa akin ni Jake na maganda ako at ang panunukso ng buong klase sa amin? "Ah, baka dahil dito sa frap. Masyadong malamig kasi."

Baka nga. Alangan namang kinikilig ako!

"Medyo nasa-shock pa ang mga tao sa paligid ko sa pagbabago ko."

"Dapat kasi when you enter dito sa SCHS, there ka nag-start na i-change ang image mo. Just like me. Look to me, wala silang ka-idi-idea na hindi naman ako conyo dati."

Oo, kung hindi lang siguro mas malala pa ng sa akin ang sitwasyon ng English mo. Pero hindi ko na lang kinontra si Patring. Hindi ko babasagin ang trip niya dahil kakampi ko na siya ngayon.

"Masasanay din sila when everyday ka nilang makitang mukhang conyo. Hanggang sa i-accept na nilang you're not jologs na tulad ng dati."

Ano namang mapapala ko sa pagiging mukhang conyo kung hindi ko naman makausap si Mr. Natividad? Gusto ko na siyang kausapin tungkol sa Prive, Valkyrie, Montemar, Balesin na puntahan ng mga mayayaman. Tungkol sa LV, Prada, Gucci, Fendi, et cetera. Tungkol sa mundo ng mga conyong tulad niya. Pero hindi naman ako marunong mag-English.

Gusto ko sanang ihinaing kay Patring iyon kaso baka mag-alok na naman siyang turuan akong mag-English at masaktan ko ang damdamin niya kapag inamin kong uta-uta siyang mag-English.

Biglang tumunog ang cellphone ni Patring at binasa niya ang text message. "OMG! I almost forget! Audition nga pala now ng mga like to make sali sa school play!"

St. Catherine High 2: Eh Di Sa Puso MoWhere stories live. Discover now