Chapter 8

232 12 5
                                    

NAKAPASA ako sa written exam na ibinigay ni Jake pero hindi pa pala doon natatapos iyon. Meron pa palang oral exam. Kaya todo-praktis akong magsalita ng English kina Nadine at Sandy na manghang-mangha sa mga pinagsasabi ko.

Sabi nila, nag-improve daw ako ang English ko. Akalain mo 'yon. Pinuri ako ng dalawa kong friend na sobrang honest sa pagsasabing bopol ako sa English dati? Nakapasa din ako sa quiz namin sa English noong isang araw. Mukhang nagbunga na ang pagkarir kong matuto talaga sa pagtuturo ni Jake. Sino ba naman kasing hindi mai-inspire na matuto kung magaling na ang tutor ko, cute pa.

"Describe me," sabi ni Jake nang magsimula ang oral exam ko.

Sa tagpuan namin sa hagdan sa annex building kami nagkita.

"Ha?" Kumurap-kurap ako sa kanya.

"Hindi mo narinig o hindi mo naintindihan?" kaswal na tanong niya habang nilalaro ng mga daliri ang strings ng gitarang kalong niya.

"Narinig at naintindihan ko. Kaya lang..." Bakit naman ganoon pa.

Sana pina-describe na lang ni Jake sa akin ang universe at ang solar system. Payag ako kahit alam kong magno-nosebleed ako. Kaysa ang ilarawan ko siya. Ayokong magsinungaling. Baka masabi ko kung gaano ka-tantalizing ang mga mata niya, kung gaano kaganda ang hugis ng ilong niya, kung gaano kabagay sa kanya ang hairstyle niya, kung gaano siya ka-cute at kabango...

"In at least five sentences."

"Five pa!"

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Mahirap ba akong i-describe?"

"Hindi naman. Pero kasi..."

"Start now." Inilapag niya sa sahig ang gitara niya.

Dumiretso ako ng upo. "You are... you have nice skin." Tumingin ako sa buhok niya. "Your hairstyle looks good in... looks good on you." Tumingin ako sa mga mata niya na nakatitig sa akin. "Your eyes... your eyes..." Bakit ba ganoon siya makatitig? Napasinghap ako nang ilapit ni Jake ang mukha niya sa akin.

"What's the color of my eyes?" tanong niya.

Ah, kaya pala niya inilapit ang mukha niya. Gusto lang pala niyang ipatingin ang kulay ng mga mata niya para maisama ko sa description. Akala ko pa naman, may balak siyang halikan ako.

Gising-gising ka din 'pag may time, Alex, no? Ba't naman niya ako pagkakainteresang halikan?

"Dark brown. Your eyes are color brown. No, I mean, you have brown eyes."

Tumangu-tango si Jake at inilayo na ang mukha niya. Buti na lang nagmumog ako ng mouthwash bago ako nagpunta doon.

"Say something about my personality."

"You are fun. A fun person. You are very helpful. At first, I think... I thought pala. I thought you are... were very annoying but I... I realize you are kind. And you are very nice."

Tumangu-tango si Jake na mukhang nasiyahan. Hindi ko alam kung dahil sa tamang grammar ko o dahil nagustuhan niya ang pag-describe ko sa kanya.

"You are down to earth and friendly with the poor people. And I admire you because of that." Nag-preno ako sa sinabi ko. Kailangan ko pa ba talagang sabihin 'yong huling sentence?

"Really? You admire me?" Nakita ko ang pagkalibang sa mga mata niya.

Napalunok ako. Bakit ko ba nasabi 'yon? Babawiin ko sana pero nagsalita ulit siya.

"You are really cute when you blush like that."

Ansabeh n'ya? Cute daw ako?!

Pinagtatampal ko ang mga pisngi ko. Kunwari ay tumawa na lang ako. "Rosy cheeks talaga ako, eh."

Nakangisi lang si Jake na para bang alam niyang nahiya akong bigla.

'Wag naman sana niyang mahalata na crush ko siya. Baka hindi na rosy cheeks lang ang kalabasan ng mga pisngi ko. Baka mag-"cheeks-bleed" na ako sa hiya kapag nangyari 'yon.

n

St. Catherine High 2: Eh Di Sa Puso MoWhere stories live. Discover now