Chapter 9

310 12 1
                                    

BINALINGAN ko si Jake na katabi ko sa bench sa park na malapit sa bahay namin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina sa restaurant. Ipinakilala ako ni Jake sa mga magulang niya bilang girlfriend niya!

Tandang-tanda ko pa ang eksena kanina bago kami napadpad sa park.

"Jake!" Halatang nagulat ang mommy ni Jake. Parang gusto niyang pagalitan si Jake sa sinabi ng anak pero mukhang pinigilan lang niya dahil nandoon ako.

"I think we need to talk in private," sabi ni Mr. Joaquin Junior kay Jake. Bumaling siya sa akin. "Can you excuse us for a minute, please?"

"No," si Jake ang sumagot. "I'm sorry, Dad, but we are rather busy now. We can talk some other time. Excuse us." Kinuha ni Jake ang bag niya at ang bag ko at hinila na niya ako paalis sa lugar na iyon.

"'Bye po," nasabi ko na lang sa mag-asawa bago kami tuluyang makalayo ni Jake.

"Wala ka bang balak magsalita diyan?" tanong ko kay Jake na tahimik lang hanggang makarating kami doon sakay ng taxi. Napansin ko kasi na wala siya sa mood kaya hinayaan ko lang siyang manahimik.

"I'm sorry," sabi ni Jake. "Sorry for the trouble."

"Ipinakilala mo akong girlfriend sa kanila dahil nagrerebelde ka, 'no?" Iyon ang naisip kong dahilan kung bakit niya nagawa iyon. "Galit ka ba sa mga magulang mo?"

"Hindi naman. Medyo masama lang ang loob ko sa kanila."

"Bakit naman?"

Bumuntonghininga si Jake. "Because my dad is bonehead. And my mom... she's not even my real mom."

"Ha? Hindi mo mommy 'yong kanina? Stepmother mo lang?"

Tumango si Jake.

"Kung gano'n, nasaan na ang tunay mong mommy? Hiwalay na ba sila ng daddy mo?"

"Patay na siya, Alex. At malaki ang kasalanan ni Daddy sa kanya."

"Anong kasalanan?" Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Jake.

Sumandal siya sa sandalan ng bench at tumingin sa malayo. "Noong nag-fourteen ako, doon ko lang nalaman na istorya ng parents ko. Doon nagsimulang bumaba ang respeto ko sa daddy ko. Lumaki kasi ako na bilib na bilib sa kanya. Sabi ko, paglaki ko, gusto kong maging katulad ng daddy ko. Pero all those times, para lang pala akong naloko, napaniwala, na dapat ko nga siyang hangaan. Nang malaman ko ang ginawa niya sa mommy ko, gumuho 'yong tingin ko sa kanya."

Na-curious ako pero hindi ako nagtanong. Naghintay lang ako na kusang magkuwento si Jake.

"Gusto mo bang marinig?" tanong niya.

"Kung gusto mong i-share."

"Gusto kong i-share sa 'yo."

Tumango ako.

"My real mom's name was Angie. Girlfriend ni Daddy si Mommy Angie bago pa niya nakilala si Mommy Jessica. Secret lang ang relasyon nila kasi mahirap lang si Mommy Angie. Hindi siya maipakilala ni Daddy sa parents niya dahil alam niyang tututol ang parents niya. Hindi kasi mayaman si Mommy Angie. Ordinaryong tao lang. Hanggang sa ipakilala ng parents ko si Mommy Jessica kay Daddy. Gusto nilang ipakasal si Daddy kay Mommy Jessica. Sumunod si Daddy sa gusto ng parents niya. Ang dahilan ni Daddy, unico hijo siya kaya hindi niya kayang biguin ang parents niya. Iniwan niya si Mommy Angie kahit alam niyang ipinagbubuntis na ako. Sinabihan na lang niya na susuportahan ako financially nang pasekreto. Sa sobrang sama ng loob ni Mommy Angie, lumayo siya at hindi na kinontak si Daddy kahit nang makapanganak na siya. Inalagaan niya ako at tinaguyod nang mag-isa.

St. Catherine High 2: Eh Di Sa Puso MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon