XV. His Promise

63.9K 1K 13
                                    

ito na muna,. start na sa conflict at gusto ko na talaganf matapos ito dahil dami kong ginagawa :)

HHmm,.. di pa ako masyado ready sa BS.. tsaka na lang siguro pag kay Apollo na ang kwento. hehehe plano kong magsulat nang matinding BS sa kanya kung kakayanin nng powers ko.

enjoy reading ...

***********************************************************************************

<ASIANA>

Two weeks after nung nangyari ramdam ko ang pagbabago sa samahan namin ni Argon. Palagi na lamang siyang busy sa trabaho. Lagi naman siyang busy sa trabaho dati pa pero hindi katulad ngayon na halos kalimutan na niya akong tawagan o itext kung hindi pa ako ang mauunang magparamdam. Ayaw ko man ay hindi ko maiwasang hindi mag freak-out. Ayaw din kasi niyang pag-usapan namin si Evelyn dahil wala naman daw kailangan pag-usapan tungkol sa kanila. Dahil sa pinatigil na rin ako sa pagtatrabaho ay sadyang na bored na ako sa bahay at kung anu-ano na ang pinag-iisip ko. Nagpasya na lamang ako na puntahan si Emerald.

“May problema ka ba Asiana?” tanong niya sa akin habang kalong ko ang kanyang anak.

“Wala naman. Why do you think na may problema ako?” balik tanong ko sa kanya na may ngiti sa labi. I don’t want to trouble her with my problems--- she already had enough of her own.

“Because we are friends and I know you too well.” Sabi niyang mataman na nakatingin sa akin.

Iniwasan ko ang kanyang tingin at ibinaling sa telebisyon ang aking mata. Ganun na lamang ang sakit na aking naramdaman. Awtomatikong naglandas ang luha sa aking mga mata. Kasalukuyang ibinabalita ang last night’s event sa Shangri-la Makati tungkol sa rotary club kung saan parehong member si Argon at Hitler. Kasama ni Argon si Evelyn at ang sweet ng dalawa. Hindi ko man lang  alam ang tungkol sa event na iyon. Dati naman niya akong isinasama at kung hindi man ay nagpapaalam siya sa akin. Pero kagabi naghintay ako sa aking asawa hanggang sa makatulugan ko ang paghihintay. Iyon pala ay nasa party ito kasama si Evelyn.

Ganun din ang reaksiyon ni Emerald nang ipakitang may ibang kasama din si Hitler. Parehong may luha sa mga mata nang magkatitigan kami. And I know right now I had to let her know sa pinagdadaanan ko kundi sasabog na ang dibdib ko sa sakit.

Ikinuwento ko kay Emerald ang lahat. Ang mga sinabi ni Evelyn sa akin at ang hindi pakikipag-usap ni Argon sa akin sa bagay na iyon. Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin lalo at nagagalit si Argon kapag pinilit ko siyang magsalita tungkol kay Evelyn.

Pagkatapos kong magkwento sa kanya ay ito naman ang nag-open sa problema nito kay Hitler. Namangha ako dahil sa hindi na rin ito nagdalawang isip na magsabi ng problema. Marahil sa mga sandaling ito ay nagkaintindihan talaga kami at kailangan namin ng mapaglabasan ng sama ng loob at karamay.

Nagkaiyakan pa kami ng biglang bumukas ang pinto ng penthouse. Sabay pa kaming nagpahid ng mga luha. Magkasalubong ang kilay ni Hitler na tumingin sa amin. Pagkatapos ay matiim itong tumingin kay Emerald na agad namang inirapan ang lalaki. I’m not sure if I saw amusement in his eyes dahil saglit lang naman iyon.

“I think your wife had a little drama here Argon.” Sabi nito na parang naiirita. Kung sa akin o kay Emerald dahil inirapan siya nito ay hindi ko alam.

Hindi ko naman alam na kasama nito si Argon. Napagsabihan ko siya sa text na pupuntahan ko si Emerald. Hindi ko naman akalaing darating ito dahil hindi naman siya nag text o tumawag.

“Why are you crying? May masakit ba iyo?” Nag-alala niyang tanong nang makalapit sa akin at hinawakan ang pisngi. Agad din niyang pinunasan ang mga luha ko. My heart sank dahil nag-aalala pa rin naman pala sa akin ang asawa ko.

Loving the Beast in You &lt;Completed (SPG)&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon