V. Dinner and Marriage?

71.8K 1.3K 58
                                    

Woowww.. always feels great everytime i sign in with new follower,.. thank you

trying to finish this story in July :)

********************************************************************************

Dala-dala ang damit na napili ko mula sa aking closet ay lumabas ako para magtungo sa kwarto nina mommy. Tatanong ko sa kanya kung okay na ba na iyon ang isuot ko. Hindi naman nakasarado iyong pintuan nila at alam kung mali ang makinig sa usapan ng may usapan ay hindi ko mapigilang mag eavesdrop.  

“Nasabihan mo na ba si Asiana na mag-umpisa nang mag empake ng mga gamit niya?” boses ni dad.

“hindi pa, bukas nalang siguro malay mo naman ay mapaki-usapan pa niya si Argon mamaya na bigyan pa tayo ng palugit ulit. Ako man ay hindi ko pa kayang iwan lahat ng kinagisnan ko.” Malungkot na boses ni mommy.

“hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin?” malumanay ngunit may pait sa tinig ni dad.

“Can you blame me Roman? This is not the life that I wanted. Hindi ganito at alam mong hindi ako sanay sa ganito. Iniisip ko ngang baka sumunod nalang sa kapatid ko sa Amerika. Hindi ko yata kaya ang mga panlilibak na matatanggap ko mula sa ating mga kakilala.” Sagot niya sa desperadong boses.

“Hanggang ngayon ba iyan pa rin ang iniisip mo? How could you? Magagawa mo kaming iwan ng anak mo dahil lang sa nahihiya ka sa iisipin ng iba.” Mataas na boses na sabi ni dad.

Napahagulgol naman si mommy ng iyak. Parang gusto kong pumasok at yakapin si mommy pero nagpigil ako. Kinabahan din ako paano kung talagang iwan niya kami? Bumalik na lamang ako sa aking silid. Dapat talaga ay mapaki-usapan ko si Shrek dapat ko siyang makumbinsi. Hindi dapat masira ang pamilya ko.

Ten minutes before seven ay tapos na akong magbihis. Sana lang ay talagang dumating si beast para sa sinasabi niyang dinner. Hindi ako masyadong nagpaganda dahil hindi naman gwapo ang ka-date ko kaya hindi ko kailangang mag effort at baka ma-out of place lang siya sa ganda ko.

 “Nasa baba na si Argon.” Sabi ni mommy na parang excited pa. First time ito, dahil noon pag may date ako kulang nalang ubusin niya ang oras ko sa do’s and dont’s.

“okay na ba ang ayos ko mommy?” tanong ko.

I am wearing a red spaghetti dress na hapit sa katawan ko at mga two inches ang taas mula sa aking tuhod. Pinarisan ko ng four inches black stiletto. Hinayaan ko lang ilugay ang tuwid at mahaba kong buhok. Naglagay rin ako ng light na blush-on at light lipstick. Simple lang ang ayos ko hindi trying hard mag pa-impress  pero headturner pa rin.

“You look perfect.” Sabi niya at hinawakan pa ang aking kamay.

“Mauna na ako sa baba. Sasabihin kong bababa ka na.” Bago pa ako makasagot ay umalis na siya.

Pinasadahan ko ng huling tingin ang aking sarili sa salamin bago nagpasyang bumaba. Naabutan kong nag kukwentuhan ang aking parents at si Argon. Mukhang okay na ulit ang mga magulang ko kaya napanatag na rin ako kahit paano. Agad naman itong tumayo nang makita ako at bakas ang paghanga sa mukha niya.

“Good evening Miss Ferrera.” Bati niya.

“Good evening Mr. Montefalcon. Shall we?”

“if your ready.” Sabi niya kaya nagpaalam na kami at umalis.

 Sa Shangri-la niya ako dinala at ensaktong papasok na kami ay hindi ko mapigilang kabahan. Paano kung may kakilala akong makakita sa akin ngayon at makitang itong si kulugo ang ka date ko? Arrgghhh nakakahiya na sa ganda kong ito ay itong pangit na ito ang kasama kong kumain. Pasimple kung ginala ang aking paningin. Nakahinga ako kahit paano ay wala naman akong kakilala na nandun. Iyon nga lang nakakairita ang ibang diner na nandun na halatang kami ang pinag titinginan. Nagbubulungan pa nga ang iba. Ohh Gosh alam ko na yatang iniisip nila sa ganda kung ito ay itong kulugong ito ang ka-date ko. Hindi ko na namalayan na napahigpit na pala ang hawak ko sa kanyang mga bisig.

Loving the Beast in You <Completed (SPG)>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon