I. Bankruptcy

147K 1.3K 44
                                    

another story galing sa nakakalokang utak ko,.. ^_^ di pa man natapos ang iba ay naisip ko na naman ang gawin itoh,. hanoveyy

************************************************************************************

Kringggggggggggggg…… ayan na naman ang bwisit na tunog na iyan tuwing umaga. Ilang beses ko na ba panay snooze sa alarm ng celphone ko. I really have to get up. Geezz in the count of five tatayo na ako. One, two, three, four, five ay katamad naman bumangon. Sige 5 more minutes pa at babangon na ako ang sarap ng lamig ng aircon at antok pa ako. Inabot ko ang aking si Ted at niyakap at siyempre ginawa ko ang aking paboritong gawin, ANG MATULOG ULIT.

“Asiana, aba’t naririto ka pa palang bata ka. Akala ko ay nakaalis ka na papunta sa skul nyo.” Boses ni manang Luz ang aming kasambahay.

Isinubsob ko ang mukha ko kay Ted. Nasisilaw kasi ako sa sinag ng araw ng hinawi ni Manang ang kurtina sa kwarto ko. “Inaantok pa po kasi ako Manang. Anung oras na ba?”

“Pasado alas nuebe na nang umaga.”

Nanlaki ang mata ko at bigla nalang akong napatayo. “bakit hindi niyo ako ginising? ayan hindi na ako makakapasok nito sa umagang klase ko.” Nagmamaktol kung wika.

“aba’y malay ko bang nandito ka pa sa kwarto mo. Ano ba kasi ang pinag-gagawa mo kagabi at puyat na puyat ka?” usisa niya.

“Nag-aral lang po.” sagot ko at nagmartsa na papunta sa aking sariling banyo para maligo. Hindi naman kasi ako talaga nag-aral. Busy ako sa pakikipag-usap sa napaka gwapo kong boyfriend. Ang aking Prinsipe. Nakangiti ako habang sinasariwa ko ang aming matatamis na pinag-usapan kagabi.

Pagkababa ko ay nakita ko si Mommy na always maganda like me. Dress with elegance kahit nasa bahay lang animoy laging may dadaluhang party.

“hi mom, good morning.”

“good morning baby, bakit andito ka pa? wala ka bang pasok? Hindi naman holiday ngayon di ba?”  nagtataka nitong tanong.

“Pasensiya na mom, ngayon lang ako nagising. Napuyat kasi ako kagabi.”

“whaaaattt??,.. bakit ka nagpapuyat? How many times I told you na dapat matulog ka sa tamang oras para maganda ang skin mo. My God, paano kung magka pimples ka anak? Malapit na ang audition para sa Bb. Pilipinas alam mo namang plano na kitang isali dun. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo.” Pagtatalak ni mom sa akin.

 “babawi nalang ako mommy.” Sagot ko para matigil lang siya.

“hay naku dapat lang anu. Wag ka ring uminon ng kape ngayon may fresh milk sa ref. Gulay at prutas lang pwede mong kainin ngayon hindi ka pwede sa mamantika para di matrigger ang pagkakaroon mo ng pimples. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo minsan at hindi mo sinusunod ang mga payo ko para rin naman sa ikakaganda mo iyon.” Gusto kong itirik ang aking mga mata. Bakit ko naman kasi sinabing napuyat ako. Ayan tuloy patuloy ang paglelecture sa akin ni Mommy ng kanyang Beauty Tips 101.

“Maam, pasensiya na po sa abala pero may nagpadala po nito.” Putol ng aming hardinero sa mga pagtatalak ng mommy ko.

Kinuha naman ni mommy ang sobre at halatang sulat ang laman. Saglit na nagkunot-noo ang mommy nang tingnan ang sobre tapos ay binuksan ito. “No..no.. no.. this is not true, this can’t be happening.” Umiiyak na wika ni mommy at kahit ganun I still admire kung paano niya na maintain ang kanyang poise.

Loving the Beast in You <Completed (SPG)>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon