XIV. His Present meets His Past

70.6K 1K 17
                                    

Super tired muna ang drama ko ngayon kasi galing palang ako sa isang community service at bago ako matulog gusto kong ipost ang UD na ito :)

************************************************

<ASIANA>

Kinakabahan ako ng pumasok ako sa banyo ng apartment namin ni Argon dito sa New York. Mahigit anim na buwan na kaming nanatili dito dahil sa iba’t-ibang klaseng fertility treatment na dinaanan ko para mabuntis. Ang huling suggestion sa amin ng aming OB-Gnye ay in vitro fertilization. Ito na rin ang ikalawang beses na pinagdaanan namin ni Argon ang IVF dahil nabigo kami sa unang try. Napaluha na lamang ako habang tinitingnan ang resulta ng aking pregnancy test. Negative na naman ulit at nandun na naman ang pamilyar na pait at sakit sa aking dibidb. We have the best doctor and the best hospital pero bakit ganun? Bakit hindi kami binibigyan ng gusto namin. Kahit isang anak lang kahit isa lang. Ang pagluha ay naging hikbi hanggang sa napahagulgol na ako ng iyak. It hurt so bad at lalo dahil alam kong masasaktan ko din si Argon.

“Asiana, baby open the door.” Nag-aalalang boses ni Argon habang kinakatok ang pinto ng cr ng banyo.

Nang buksan ko ang pinto ay ang nag-aalala niyang mukha ang nasilayan ko. Tumingin siya sa mga mata ko at malungkot akong umiling sabay ng pagtulo ng luha ko. Nakita ko rin ang sakit na nagdaan sa mga mata ng asawa ko.

“I’m sorry… I’m sorry… I’m sorry Argon.” humahagulgol kong iyak nang makita ko ang kabiguan sa kanyang mga mata.

“Hey it’s okay. Don’t be sorry. Stop crying…. we can try again.” Sabi niya habang kinabig ang aking mukha patungo sa kanyang dibdib. Niyakap niya ako habang sinusuklay ng isang kamay niya ang aking mahabang buhok.

 Napailing ako sabay yakap sa kanya ng mahigpit. “Ayaw ko na Argon. Nasasaktan ako sa tuwing nabibigo tayo. Mas lalo akong nasasaktan kasi alam kong nabibigo din kita. Ayaw ko nang umasa ng umasa sa isang bagay na hindi naman ipinagkakaloob sa atin. Pagod na pagod na akong umasa.” Patuloy kong pag-iyak.

“We can give it one more try. Mas malaki daw ang chance ng pangatlong IVF malay natin kung makabuo na rin tayo.” Alam kong sinasabi lamang iyon ng asawa ko para pagaanin ang loob ko. Pero alam ko ring siya man ay nasasaktan.

Lumayo ako sa kanya at tiningnan ko siya habang ako ay lumuluha. “Ang dami na nating fertility treatment na pinagdaanan Argon. And everytime na lang ay bigo pa rin tayo. Ilang milyon na ba ang nagastos mo pero hanggang ngayon wala pa rin? Ang sakit sakit na laging mabigo. Hindi ko na kaya. ” sabi kong hindi ko maitago ang pait na nararamdaman.

“It’s just money Asiana at handa akong ubusin lahat ng meron ako kung kinakailangan. Ang importante iyong sumaya ka. Ayaw kong nakikita kang ganito. It’s killing me.” Nahihirapan niyang sagot sa akin.

Parang gripong tumulo ang mga luha ko sa narinig ko mula sa kanya. Ano ba ang nagawa kong kabutihan para bigyan ako ng ganito kabait at mapagmahal na asawa? Hinawakan ko ang kanyang pisngi gamit ang dalawa kong mga palad.

“I love you Argon at gusto kong bigyan ka ng anak dahil iyon din ang gusto ko. Pero ayaw ko nang umasa at mabigo. Please I want to go home. Umuwi na tayo ng Pilipinas. Ayaw ko na dito ayaw ko nang umasam at pilitin ang isang bagay na hindi ipinagkakaloob sa atin ng Diyos.”

“Okay baby, if that is what you want then we will go home. Just stop crying please… it’s killing me.” Sabi niya at kinintalan ako ng masuyong halik sa mga labi bago niyakap ng mahigpit.

If there is one thing that make me strong ay si Argon iyon at ang kanyang pagmamahal. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung siya ay mawala siya sa akin. Siya ang aking lakas sa lahat ng ito.

Loving the Beast in You &lt;Completed (SPG)&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon