IX. I've Heard it all

74.9K 1.1K 68
                                    

continue pa rin tayo sa POV ni Argon,.. ^_^ ..

enjoy...........

*****************************************************************************************

 <ARGON>

Mahigit dalawang linggo na kaming kasal at sa loob ng mga araw na iyon ay mukhang nasasanay na rin naman siya sa akin. Madami na rin kaming mga social functions at charity events na pinuntahan na magkasama.  Katulad ngayon ay dinala ko siya dito sa ‘KALINGA MO FOUNDATION’. Isa itong home for the aged at isa sa mga tinutulungan ko.

“ano ang meron dito?” tanong niya ng makaparada na ang sinasakyan namin.

“Anniversary nila and they invited us to come bilang isa sa kanilang biggest benefactor.” Sagot ko at nagtaas siya ng kilay.

I sigh. She is always like that. Hindi magkokomento sa mga charity events na ginagawa or tinutulungan ko. Magtataas lang siya lagi ng kilay kaya hindi ko alam kung ano talaga ang iniisip niya maliban sa wala siyang interes sa ganitong gawain.

“let’s get inside then nang matapos na ito. Walang mangyayari kong mananatili lang tayo dito sa sasakyan mo.” sabi niya at naunang bumaba.

Napailing nalang akong sumunod. Atleast kahit ganun siya ay hindi naman niya ako pinahihirapan. Once na naisama ko siya ay pinapakita niyang okay lang ang lahat. She can be a great pretender. All smile and sweet sa harap ng marami pag magkasama kami. Laging sinasabi ng iba na maswerte daw ako at mabait ang asawa ko at malambing. Huh, if they only knew. But then, I still love her.

“Argon, I’m so glad na nakarating ka.” Nakangiting salubong sa amin ni Miss. Mariel Sebastian. Isa siya sa mga administrator ng foundation.

“hindi ko kayang tanggihan ang foundation Mariel. By the way, this is Asiana, my lovely wife. Asiana, this is Mariel, siya ang administrator dito.”

“Nice to meet you Asiana.” Bati niya sa asawa ko at ibinalik ang tingin sa akin.

“Same here. Kailan pa nag start itong foundation niyo?” tanong niya na mukhang interesado. Ganyan naman siya lagi. I really don’t know if she is faking it or not.

“It’s our fifth year anniversary now. Hopefully ay magustuhan mo dito at maging bukas ang palad mo sa kanila katulad ni Argon.”

Kita ko naman ang pagpigil ni Asiana sa pag-angat ng kanyang kilay. Ilang saglit pa ay nagbitaw ito ng isang ngiti. Her ‘killer smile”. The sweetest smile na laging nagpapatulala sa akin.

“oohhh I’m sure I well. I actually support Argon in all his endeavours.” Sagot niya and catch me offguard nang bigla nalang niyang iyakap sa aking beywang ang kanyang mga braso.

She is always sweet kapag kaharap ang ibang tao at parang bato sa tigas pag kaming dalawa lang. At hanggang ngayon lagi pa rin akong natutulala pag ganyan ang mga actions niya. Nang sulyapan ko si Mariel ay parang nakalulon siya ng pagkaing mapait.

“I’m glad to hear that Asiana.” Sabi niyang may pilit na ngiti sa labi.

“Do you mind if I look around Mariel?” nakangising wika niya. I don’t know what is going on with her.

“No, of course you can.” Dagling sagot nito.

“Great.” Sabi niya at humarap sa akin. “Argon honey, would you like to show me around?” nakangiting wika niya.

“Isasama mo siya?” kunot-noong tanong ni Mariel na para bang may mali sa hiling ng asawa ko.

 Nakangiting hinarap siya ni Asiana. “Of course hindi ko kabisado ang lugar baka maligaw ako dito.” Then she faces me again and holds my hands. It feels so good being touch by her. “Can you show me around?” she says sweetly.

Loving the Beast in You &lt;Completed (SPG)&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon