MPML Book 2 (22)

3.5K 92 4
                                    

Pagdating ko sa school, may kasabayan akong nagpark ng kotse sa parking lot. Yung kotse nya puti, at yung sakin naman ay pula. Nagmadali akong bumaba ng kotse ko dahil ayokong maunahan ako ni Yuji na dumating ng office. We both have our own keys to my office, I mean OUR office. Napaaga nga rin ang pasok ko dahil ayoko talagang maunahan o makasabay ko syang pumunta ng office. Pagbaba ko sa kotse ko, hinahanap ko pa sa bag ko yung phone ko ng biglang bumusina yung puting kotse na naging dahilan para magulat ako at mabitawan ko yung bag ko.

Agang aga bubwisitin ako diba? Nakapamewang akong lumapit sa kotse na yun at kinatok yung salamin nya.

"Get out of your damn car right now!"

Sa taas ng alta presyon ko ngayon hindi ko mapigilang ibuhos sa driver ng kotse na yon ang galit at inis ko ngayong katrabaho ko na si Yuji ngayon. Hindi lang yun, ka-share ko pa ng office. Nang magpaulan ng kamalasan si Lord, sinalo ko lahat. Tapos bebengga pa tong damuhong driver ng kotse nato at bubusinahan ako.

"Labas! Napakalaking harang ko ba sa dinadaanan mo?! Ang laki laki ng space don tapos kung bumusina ka dito akala mo pagmamayari mo tong parking lot?! For your information, matagal na kong nagpapark dito at naglalakad sa parking lot nato! Tapos darating ka?! Maghahari-harian ka?! Magtatrabaho ka ulit?! Hindi pa natuwa yung tadhana kaya magkashare pa tayo ng office?!"

Ok, that came out wrong.

Ilang sandali pa bumukas yung pinto at halos kainin ko lahat yung sinabi ko kanina ng makita ko yung driver. Tumalikod ako at patay malisyang naglakad palayo sakanya.

"Charlotte, are you ok?" Tawag pa nya pero nagwave lang ako sakanya at sinabing ok lang!

Halos takbuhin ko yung hagdan paakyat ng office ko at dali daling umupo sa desk ko. Iba na ang ayos ng office ko ngayon dahil nga share na kami ni Yuji, may dalawang desk dito isa sakanya, isa sakin. Tutal malaki naman yung office, we've decided na sa bandang dulo sya at sa bukana naman ako. That way hindi sya gaano malapit sakin at malayo sya sa paningin ko.

Humarap agad ako sa laptop ko at nagkunwaring busy sa ginagawa ko ng dumating naman si Yuji.

He's staring at me as he opened the door. May tumbler naman akong dala na naglalaman ng kape, at dahil sa kahihiyang ginawa ko kanina, halos mabulunan ako ng inumin yun.

"You alright, Charlotte?"

"Yes! Yes I'm fine!" Sinagot ko sya pero nakatingin ako sa laptop ko at hindi sakanya.

Wala na syang sunod na sinabi kaya naglakad nalang sya papunta sa desk nya. Pasimple ko syang sinisilip kung anong ginagawa nya at nakita kong may ilang paperworks nadin sya agad. No wonder, maraming iniwang trabaho sakanya si Ms. Lina kaya hindi na ako magtataka.

Bawat lingon, at type ko sa laptop ko napapatingin ako sakanya. For the last 2 hours, tahimik ang office. Walang nagsasalita, walang nagiimikan. How more awkward this could be?

*SIGHED*

Iniling iling ko yung ulo ko at bumalik nalang sa trabaho ko. Ako lang naman tong pasilip silip sakanya, Karlota itigil mo yang mata mo puro ka lingon hindi ka naman nililingon. Para ngang walang pake sayo yung tao tapos tingin kanang tingin.

Tumayo ako at lumapit sa bookshelve para kunin yung files ng students na gagamitin ko sa paggawa ng grades. Nasa pinakaitaas pala yung box kaya nakapamewang naman ako habang tinitingala yun.

"Need help?" Tanong ni Yuji.

"Nope. I can do it." Sagot ko habang kinukuha ko pa yung upuan at tumungtong dun habang nakaheels.

Gumegewang gewang pa ako kaya hinubad ko yung heels ko at tumungtong ulit habang nakakapit ako sa upuan.

Itinataas ko yung kamay ko pero 5 inch pa yung layo nito sa box na inaabot ko. Sinubukan kong talunin yun pero wala parin. Nakapamewang na naman akong nakatingala dun ng magsalita ulit si Yuji.

My Professor, My Love 2Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα