MPML Book 2 (12)

3.5K 92 4
                                    


"I love you Charlotte. Please take it back, hindi mo 'ko iiwan diba? Nangako ka, nangako tayo sa isa't isa. Magpapakasal pa tayo hindi ba?"

"I'm s-sorry Yuji, hindi ko na kaya. Mas kailangan ka nila, kaya ko magisa yung anak mo hindi. I'm letting you go."

"Charlotte no, I love you. Mahal na mahal kita please don't leave me."

"I'm sorry Yuji. You will always be the Professer that I love so much."

"No no no no Charlotte. Please don't go, please."

"Goodbye Yuj---"

"KARLOOOOTA!"

*BLAG!*

"O-ouch...What the--"

"Hep! Don't say that F-word inside my house. Hindi kita gustong gisingin pero kasi nagsasalita ka habang tulog. Nananaginip ka?"

Hawak hawak ko yung likod ko habang sinusubukan kong tumayo pabalik sa kama. Sa edad kong 'to nalalaglag padin ako sa kama pag ginugulat ako. Bumalik ako sa kama at tinabihan naman agad ako ni Penny.

"Ano na ano yung panaginip mo? Magical ba? Mala-fairytale? Ooooh! Was it a happy ending???"

Para syang batang nangungulit sakin.

"Worst. Worst NIGHTMARE. And could you please stop saying fairytale nor happy ending? You gotta live in reality and those things does NOT exist."

Tiningnan ko naman yung phone ko at nakita kong malalate na ko sa first class ko. Bumangon agad ako ng marinig ko namang bumulong si Penny.

"Bitter."

"I heard that." Sabi ko.

"Tss. Ngapala nauna ng pumasok si Ria so, pakibantay bantayan mo sya ah? And please ilayo mo sya kay Marcus. I really don't like him to be around with my kid."

Nagbibihis ako habang sinasabi nya lahat ng paalala nya.

"Fine. But uhh...have you ever thought to just let her be? I mean nasa stage si Ria ngayon kung san nadedevelop yung pagdedesire nya sa isang tao and that makes her happy. If you keep pulling her away from Marcus, lagi lang kayong magaaway."

Natigilan sya sa mga sinabi ko at lumapit sya sakin.

"Get. Her. Away. From. Marcus." She said as she gave me my bag. Seryoso yung mga mata nya gaya ng mata ng isang striktong magulang.

*SIGHED*

Kinuha ko yung bag ko sakanya at tumalikod na palabas ng kwarto.

"Charlotte."

"Oo na, ilalayo ko na yung anak mo sa estudyante ko. But if she refused---"

"Hindi mo sya susundin at ilalayo mo padin sya sa Marcus na yun. Please Char, guide my kid away from monsters."

Natigilan naman ako at humarap sakanya.

"Monster?"

"CHARLOTTE COULD YOU PLEASE JUST DO IT?!"

Nagulat naman ako sa pagsigaw nya kaya nagnod nalang ako at tuluyan ng lumabas ng kwarto diretso palabas ng bahay nila. I really don't get her, I mean kung ako ang nasa sitwasyon nya hindi ko pagbabawalan yung anak ko. Hahayaan ko syang ienjoy yung nararamdaman nya sa ibang tao at magiging supportive pa ko sakanya hindi tulad ng ginagawa ni Penny. Pag lalo mong pinaghihigpitan yung anak mo, lalo lang sila dudulas palayo sayo.

Umuwi ako sa bahay ko para magshower at dumiretso na ko ulit sa campus. Antok na antok akong naglakad papunta sa office ko habang hindi maialis alis sa isipan ko yung napanaginipan ko kanina. Yung pakiramdam, yung emosyon, yung sakit, lahat ng naramdaman ko nung araw na yun parang nararamdaman ko parin ng paulit ulit sa tuwing napapanaginipan ko sya.

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now