MPML Book 2 (46)

3.3K 85 7
                                    


Nasa unahan namin sila Andrea at Ria ng magkakasama kaming pumunta ng diciplinary office. Nasa likod nila kaming tatlo nila Yuji at Travis habang tinitingnan namin silang dalawa, irapan sila ng irapan sa isa't isa, kung hindi magdidikit magkakatinginan sila na para bang gusto pa nilang magsabunutan sa harapan namin. Pagdating sa tapat ng diciplinary office, si Yuji ang nagbukas ng pinto para saming lahat. Naunang pumasok sila Ria at Andrea ng magkagitgitan sila at nagtulakan pa.

"Wag mo kong dikitan!" Tulak ni Ria ng bumunggo sakanya si Andrea sa pagpasok nila sa pinto.

"Wag mo kong hawakan!" Tulak din ni Andrea kay Ria ng tulakin sya nito sa balikat.

Magsisimula na naman silang magkatinginan ng masama ng dumating ako sa harapan nila.

"GET INSIDE!" Kahit sila Yuji at Travis nasindak sa pagsigaw ko.

Hindi pa ko tapos sa dalawang 'to. Bukod sa sesermon ko sila ngayon as their Professor, magkaiba parin na sesermunan ko sila bilang nanay at ninang nilang dalawa.

Unang nang-irap si Ria kay Andrea at naunang pumasok sa loob at umupo sa upuan. Sumunod rin naman si Andrea na umupo sa tapat nya. Pareho silang nakacrossed arms habang nagtatarayan sa isa't isa. Sunod kaming pumasok nila Yuji at Travis at umupo sa sofa, magkakatabi kami habang inaantay yung dean na kakausap kila Ria at Andrea.

"Ano wala bang magsasalita kung  bakit kayo nagsasabunutan na dalawa?" Napapagitnaan ako nila Yuji ng kausapin ko sila Ria.

Hindi nila ko sinagot, sabay lang silang napakagat labi at tumingin sa ibang direksyon.

"At talagang wala kayong pinipiling lugar. Dito pa talaga kayo sa school gagawa ng gulo, ano gusto nyo talaga may mga audience pa?"

Sa tagal dumating nung dean, ako na nagmistulang tagasermon sakanilang dalawa.

"Sha, hayaan nalang nating si Dean Charles kumausap sakanila." Pigil ni Travis dahil alam nyang lumalabas na yung pagiging magulang ko pero hindi ko sya pinansin.

"Hindi na kayo mga bata, dapat alam nyo ng mas nakukuha sa mahinahong usapan kung ano man yang dahilan ng pag-aaway nyo."

"Sha--"

"Shut up, Travis." Hindi na ko napigilan ni Travis ng tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta sa harapan nila Ria at Andrea.

"Sige wag nyong sagutin ang mga tanong ko dahil kahit anong tikom ng bibig ang gawin nyo hanggang maghapon tayo dito." Parehas ko silang tinitingnan pero hindi nila ako matingnan sa mata.

"Ria, what will your mother say if she found out about this?" Unang tanong ko kay Ria.

Tumingala sya at tumingin sakin.

"She's won't." Maikling sagot nya.

"Really? Because I already texted her and she's on her way here." Sa sinabi kong yun, parang lalo pa syang nainis sa sitwasyon nilang dalawa ngayon.

Tingin nya siguro hindi ko ipapaalam kay Penny 'to. Unang away nila to ni Andrea, at kahit alam kong galit pa sakin si Penny dahil sa nagyari last time, alam kong hindi nya paiiralin yung galit nya sakin at pupunta sya agad dito gayong sinabi ko rin na nandito si Travis.

Alam kong naalarma yun kaya nagreply sya agad sa text ko na papunta na sya agad. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang nakatayo ako sa harapan nila ng mapansin kong kanina pa nakatitig si Yuji kay Andrea. Magkasalubong yung kilay nya at base sa porma ng upo at tingin nya kay Andrea, alam kong malalim ang iniisip nya.

Nakakahalata na ba sya? Napapansin na ba nya yung pagkakahalintulad nila ng anak nya? Haharapin na ba nya ko? Aamin na ba ko pag sakaling paglabas namin dito tatanungin na  nya sakin kung ano ba talaga yung totoo? Bumalik ako sa wisyo ko ng biglang bumukas yung pinto.

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now