MPML Book 2 (71)

2.9K 77 3
                                    


Andrea's POV

Saturday ngayon walang pasok, katext ko si Marcus dahil balak nyang pumunta dito sa bahay. Nasa kusina si Daddy kasama si Mommy na naghihintay sa niluluto niya. Maya't maya na kasi siyang nagugutom, maya't maya din nyang inaaway si Daddy dahil ang tagal daw magluto. Hindi ko pa sila nasasabihan na pupunta si Marcus kaya parehas silang nagtanong ng tumunog yung doorbell namin sa gate.

"May bisita ka ba?" Tanong ni Dad kay Mommy.

"Wala! Bilisan mo na magluto kanina pa kami nagugutom ng anak mo."

"Kumakain kana ng graham cake dyan, nagugutom ka parin?"

"Bibilisan mo magluto o manganganak ako ng di oras dito?"

Matatawa ka nalang sa kanila, araw araw ganyan sila. Kahit yung sigawan nila nakasanayan ko na dahil laging nanghihingi ng pagkain si Mommy.

Tumakbo ako palabas ng gate para pagbuksan at papasukin si Marcus. He's wearing pants and black sweater which made his broad shoulders noticeable. Muscles? Check ✔

"Am I late?" Tanong niya.

"You said 2pm."

"And?"

"It's 2:01, you're 1 min. late, I guess I can let that slide?" Biro ko habang pinagbubuksan siya ng gate.

Pagdaan niya sa harapan ko, amoy na amoy ko na agad ang pabango niya. He even wanted to give me a kiss but I didn't let him. Mahirap na baka makita kami ni Mommy.

Marcus and I are in a relationship for almost two months now. Actually, 2 months na kami bukas pero dahil sabado naman ngayon, pinayagan ko na siyang pumunta dahil nagpupumilit siya. Nanligaw siya pero hindi ko na pinatagal ang panliligaw niya. Relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw diba? Nilihim ko rin yun kila Dad dahil ayoko muna dumagdag sa mga issues nila nung mga nakaraang araw.

"Psst! Dito tayo!" Pagkasarado ko ng gate, hinila ko muna agad si Marcus sa garden para paalalahanan.

"Ok, si Mommy at Daddy nasa kusina. Wala silang alam na pupunta ka kaya ang balak ko wag kana magpakita, umakyat ka nalang agad ng hagdan papunta sa kwarto ko, okay?"

Tumaas ang magkabilang kilay niya sabay iling at labas niya sa pinagtataguan naming halaman pero hinila ko ulit siya patago.

"What are you doing?!"

"Babe, walang masama kung makikita nila ako. Sabihin mo bumisita ako masama ba yun?" Lalabas siya ulit pero hinila ko ulit siya.

"Magtataka sila! Ang alam nila magkaaway tayo tapos biglang bibisita ka dito." Tumaas na naman ang kilay niya sa sinabi ko.

"Magkaaway? Kailan pa tayo nagaway?" Napakagat labi ako sa tanong niya. Nga pala hindi ko sinabi sakanya yung palusot ko kila Mommy nung nakaraang araw para lang payagan akong lumabas manood ng sine kasama si Penny but the truth is siya kasama ko nun kaya medyo nagsinungaling ako.

"It's just a stupid reason para payagan nila ako nung nakaraang araw! Please sige na magtago ka muna ha?" Nakangiti akong nagpapacute sakanya ng marinig ko naman si Manang.

"Andrea? Iha, sinong kasama mo dyan?" May hawak siyang hose, magdidilig ata. Lagot.

"Too bad there's no turning back." Pinisil niya ang kabilang pisngi ko at nagpakita na kay Manang. Kahit kailan hindi siya nakikinig!

"Magandang araw po." Bati niya sabay bow pa nya.

"Sino ka?"

Nagmadali akong lumabas sa halamanan at nakangiting bumati rin kay manang. May mga sumabit pang dahon sa buhok ko kaya pinagtatanggal ko pa habang ngumingiti kay Manang.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon