IX. Bestfriend

68K 3.3K 357
                                    

Masakit man pero pinilit kong kalimutan ka.

Hinayaan ko ang sarili kong sumaya.

Hindi man ganun kasaya, pinilit ko pa din.

Hindi man ako sigurado sa nararamdaman ko.


Sinagot ko si Eos.

Hindi ako binigo ni Eos. Hindi niya ako binibigyan ng problema. Masaya siya kasama. Magaling siya mag alaga. Siya talaga 'yung tipo ng lalakeng maiinlove ka sa sobrang boyfriend material.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagluluto kami ng hapunan namin. Hindi ko maitatanggi na gwapo si Eos. Kung tutuusin, angat na angat ang kagwapuhan ni Eos. At sa totoo lang, mas gwapo pa talaga siya sa'yo.

Hindi na tayo nag uusap.

Hindi na tayo nagpapansinan.

Hindi na tayo magbestfriend.

Ganun lang 'yun. Oo ganun lang 'yun. Ganun lang talaga 'yun.

“Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” Nakangiting sabi sa akin ni Eos. Niyakap ko siya mula sa kanyang likod at pinatong ang ulo ko sa likod niya.


“Cute mo kasi” Tumawa kaming dalawa. Kahit papaano, si Eos ang nagbibigay sa akin ng ngiti. Hindi niya ako pinapabayaan kahit anong mangyari. Hindi niya ako hinahayaang mag isa. Hindi niya ako hinahayaang malungkot.

At hindi ko na maitatanggi.

Gusto ko na siya.


Araw. Buwan. Taon.

Oo, dumaan na ang tatlong taon.

Nawala ka na parang bula at kahit isang paalam galing sa'yo, wala akong nakuha. Mabilis ang panahon. Mabilis ang oras. Kami pa din ni Eos. And guess what?


Natutunan kong mahalin si Eos.

Natutunan ko kahit nung una ay parang pilit. Hindi kasi kita matanggal sa isip ko. Ewan, siguro kasi iba ang impact mo sa akin. Gusto ko si Eos pero ikaw mahal ko. Para bang ginamit ko lang si Eos, ewan. Pero ngayon, alam ko na sa sarili ko:


Mahal ko siya.

“Babe, uwi na ako” Hinalikan niya ako sa pisngi ko at tuluyan nang umalis na sa bahay. Gabi na din at para makapag pahinga na din siya. Nanood na lang muna ako ng tv—nagpapalipas ng oras nang may kumatok sa pintuan.

Pagbukas ko ng pinto.

Nagulat ako at para bang biglang tumigil ang oras.

Naghalo ang lungkot at saya.


“Long time…”



---x
Dedicated to AD:
"Bakit ganun? ang tagal tagal na ng nakaraan, 3 years, isang balik lang para *TOOGS* andiyan na naman si feeling na may butterfly sa tummw. ang dyahe talaga nun

sana naman kung gusto niya ng reunion with gal bestfriend ay mayroon siya super duper deep reason kung bakit niya ginawa yung mga kagaguhan niya dati. Kung hindi, naku. >:D
"

Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon