V. Bestfriend

78K 3.7K 335
  • Dedicated kay jantastic
                                    

At ngayon, college na tayo.

Walang pinagbago sa ating dalawa. Ikaw pa rin 'yan at ako pa din 'to. Hindi ko nga lang alam kung ikatutuwa ko ba o ikalulungkot ang lahat. Hanggang ngayon kasi…


Best friends pa din.

Hanggang dun lang. Pero bakit nga ba ako maghahangad ng mas mataas dun? Isa ng pribilehiyo para sa akin na ako ang nag iisang babae na pumasok sa buhay mo at hindi na lumabas. Kahit nanay mo, iniwan ka.


“Alam mo, thankful ako” Ayan ka na naman sa ngiti mong 'yan. Nakakainis ka alam mo ba 'yun? Hindi mo alam kung gaanong kilig ang nararamdaman ko sa tuwing nginingitian mo ako at minsan, nahihirapan na din akong pigilan ang kilig na 'yon.


“Bakit naman?” Ngumiti din ako.

Naisip ko na sana, behind your smiling face ay isang lalake na kinikilig din sa tuwing ngumingiti ako.

Pero hah, asa pa ako.


“Kasi—” Biglang naputol ang pag uusap natin dahil lumapit sa atin si Eos. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yun o talagang masama ang tingin niyo sa isa't isa.

“Uy, pwede ka ba sandali?” Hinatak ako ni Eos at napansin kong nagulat ka. Nagulat ako dahil sa tingin na tinanim mo kay Eos. Habang hawak ni Eos ang braso ko, asar na asar ako sa kanya dahil nilalayo niya ako sa'yo. Bwisit.


“Ano ba 'yun?” Asar na asar kong sabi.

“Hindi ko alam kung tama bang ngayon ko 'to sasabihin pero gusto ko lang malaman mo na mahal kita, higit pa sa pagiging kaibigan. P-pwede ba kitang ligawan?” Nanlaki ang mga mata ko, kinabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ni Eos. Naguluhan ako bigla. Biglang kang pumasok sa isip ko at ngumiti ka sa akin.


“Kung saan ka masaya, dun ako…best friend Para kang nang aasar nung sinabi mo ang katagang best friend. Para mo akong inaasar na mag best friend lang talaga tayo.

Nainis ako sa'yo.

Hindi man ikaw talaga ang nagsabi sa akin, isip ko na ang nagsabi na hanggang best friends lang talaga tayo at huwag na ako maghangad ng mas mataas pa.


“Pag iisipan ko” Nginitian ko si Eos at iniwan siyang nakatayo. Naglakad ako palayo pero laking gulat ko ng makita kitang nakatayo at nakasandal sa isang poste.


“Bakit mo pa pag iisipan?” Nahiya ako bigla. Sa dinami dami ng pwede mong marinig, 'yun pa.


“Gwapo naman si Eos di ba, matalino, mabait may pagkamaloko nga lang” Naiinis ako sa'yo, kung alam mo lang. Naiinis ako sa'yo.


“Wala ka bang gusto sa kanya? Bakit hindi mo siya itry? Nagtataka nga ako sa apat na taon nating magkaibigan ni wala ka pang pinapakilala sa aking lalake” Tumingin ka sa mga mata ko ng nakangiti, na parang ang saya saya mo dahil may nagkagusto sa akin.

Bakit ba hindi mo alam? Bakit ba hindi mo ramdam? Bakit? Bakit?!

Wala naman akong ibang gusto kundi ikaw lang.

Ikaw lang.



---x
Dedicated to Jen:
"Ang manhid ni bestfriend :( Parang pinagpipilitan ka sa ibang tao, pero hindi niya alam na siya lang naman gusto mo. Ang galing mo, author. :)"

Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon