XVII. Bestfriend

127K 7.1K 2K
                                    

*continue to play the audio/youtube video*

♪♫♬ ‘Take my heart and I'll hide behind to see you close. I'll be watching you’ ♪♫♬

“Ilang taon na ang nakakaraan nung ako ang nakaupo sa inuupuan mo ngayon. Umuulan ng malakas at wala akong dalang payong, naiiyak pa ako nun dahil nagalit siya sa akin nung araw na 'yun. Siya, siya 'yung crush ko simula ng pagtungtong ko ng highschool. Alam ko naaasar siya sa akin dahil mahangin ako, lagi ko kasing pinipisil 'yung pisngi niya”


♪♫♬ ‘Come into yourself and feel the touch I always do. Look into your mind and see that I'm next to you. Hear the voices that tells you there is someone. Who's over and watching you’ ♪♫♬

“Pero ang ikinagulat ko nung oras na 'yun ay may babaeng pumasok sa loob ng 7eleven. Siya. Nakita niya akong umiiyak dahil broken hearted ako dahil sa kanya."

♪♫♬ ‘But it feels like nothings gonna cross our ways. It’s alright, I'm never giving up on you again’ ♪♫♬

“Nagsinungaling ako sa kanya. Wala kasi akong lakas ng loob para sabihing crush ko siya at siya ang dahilan kung bakit ako umiyak. Naging close kami, naging magbestfriends kami”

Hindi ko mapigilan ang pagngilid ng mga luha sa mga mata ko.

♪♫♬ ‘Don't forget about the things we did and often do. Look into your mind and see that I'm next to you’ ♪♫♬

“3rd year kami nung tanungin ko siya kung pwede ko ba ligawan 'yung kaklase namin. Natuwa siya at umoo habang naasar ako. Siguro kasi masaya siyang may gusto akong ibang babae. Naging kami nung kaklase namin pero tuwing kasama ko 'yung babaeng 'yun, naiisip ko siya. Nagkunwari akong broken hearted para mayakap ko siya. Kunwari malungkot ako na naghiwalay kami nung kaklase namin, pero hindi. Malungkot ako kasi naisip ko, gusto ko na siya”

♪♫♬ ‘Hear the voices that tells you there is someone. Who's over and watching you’ ♪♫♬

Kaya pala, kaya pala may tissue.

“Ang tanga ko talaga. Bakit ako nagkagusto sa bestfriend ko? sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kanya? Maganda siya, mabait, matalino at masarap kasama. Ibang kilig 'yung nararamdaman ko sa tuwing nagkukulitan kami. Pinipilit kong kalimutan pagkagusto ko sa kanya kaya nung 4th year, niligawan ko 'yung babaeng sinasabi kong matagal ko nang crush. Tinulungan pa nga niya ako at naging tulay siya”

♪♫♬ ‘But it feels like nothings gonna cross our ways. It’s alright, I'm never giving up on you again’ ♪♫♬

“Nung sinagot na ako nung crush ko kunwari, niyakap ko siya. Pinakita ko sa kanyang masaya ako na naging kami ng kaibigan niya. Akala niya masaya ako, pero ang totoo n'yan, gusto ko na magpakamatay sa sobrang hirap ng sitwasyon ko”

Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon