Letters' -Chapter 28-

95 4 2
                                    

CHAPTER 028

"Si Jamie pala date mo dar!"

sabi sakin ni Jessa. Magkapitbahay pala sila. hehe. "oo" sabi ko.

"bagay kayo." sabi ulit ni Jessa. Napatingin ako kay Kimberly. Nakita kong nakatingin sya sa akin. umiwas sya ng tingin at kumapit sa braso ni Jomar. Si Paulo, dumating nadin. Yung boyfriend ni Jessa.

Pumila na kami para sa cotillon. Kasama yung mga fourth year sa pila. Yung maarte, girlfriend nanaman ata nung Justin, yung ex ni Kim. Nakita ko sila, kakarating palang.

Hindi ako kasali sa sayaw pero lahat pinapila. Dumiretso ang mga magsasayaw sa gitna, at syempre, umupo kaming mga hindi kasali

Si Jomar, Kim, Jamie at Paulo ang kasali. Kasali din yung ex ni kim at bagong girlfriend nito. Bukod na nagsayaw ang mga 3rd year at fourthyear.

Naupo kami ni Jessa sa isang table. "selos ka no." biglang sabi sakin ni Jessa.

"ha?" sabi ko. Paano nya nalaman? hehe... selos naman ako palagi kapag magkasama si jomar at kim e. lalo pa ngayon.. sila na.

"kunwari kapa silvestre." napahampas sya sa balikat ko.

"tss.." lumingon nalang ako sa ibang dako.

Pagkatapos magsayaw, nagkaron pa ng iba't ibang seremonya. nakakatamad.

Si Jamie, nakakapit sa akin. Gustong gusto kong tanggalin ang pagkakakapit nya sa braso ko kaya lang, nakakahiya naman. Napapapunas nalang ako ng pawis sa sobrang kaba.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ewan.

Pagkatapos ng sangkaterbang seremonya, naupo na kami. isang table lang kaming lahat. si Jessa, Paulo, Kim, Jomar, ako at si Jamie. Sina lei, cristoff at iba pang mga kaklase ni Kim, katabi lang namin ang table kaya kung minsan maingay sa table namin.

ako.. tahimik lang.

"tahimik mo ata dar?" sabi sakin ni Kim. Nakangiti sya. nanginginig ang mga kalamnan ko. isang upuan lang ang pagitan namin. Si Jamie lang ang naghihiwalay sa aming dalawa.

"oonga ang tahimik mo." sabi sakin ni Jam. napatawa lang ako ng konti. hindi na ako nagsalita.

Nagumpisa nang kumain. Tapos, sayaw. Tinugtog ang When The Sky Starts Falling ng Typecast. Paborito ko yun. Tungkol sa pag-ibig na walang hanggan kahit magunaw pa ang mundo.

Natawa nalang ako. 

pansin kong panay ang kausap sa akin ni Kim, kahit ang layo layo nya sa akin, talagang lalapit sya. Bakit? Bakit ganon sya?

"natatawa ka dyan Dar a!" sabi nya sa akin. Niyaya ng ibang lalaki si Jam na makipagsayaw kaya bakante ang upuan nya. umupo sa tabi ko si Kim.

"wala lang Kim. Nakakatawa kasi yung kanta."

"nakakaiyak nga eh."

Let it burn, let it burn us down to the ground

I will scream your name

Let it drown us, let the water fill up our lungs

I'll still be faithful

"sayaw tayo dar."

nagulat ako nung sinabi bigla yun ni Kim. Napatingin ako kay Jomar. may kausap syang ibang tropa nya.

"Tara Kimmie :)"

Hindi ko alam kung anong paruparo nanaman ang dumapo sa akin at nangyayari ito. Pero heto, magsasayaw kami ni Kimberly. sa kantang paborito ko. Pang end of the world nga lang.. hehehe. pero okay nadin. magkahawak kamay kami..

Nagulat ako nung sumandal sya sa dibdib ko, at ako.. napayakap nalang habang nagsasayaw padin.

"tangkad mo talaga dar..."

"makita tayo ni Jomar sige ka.."

"hayaan mo na Silvestre.. minsan lang naman kita makasama.."

♪♫ This will be painful but nothing can stop it from happening

I hope we survive

If we won't be able to hide from the tide

This life was worth living

With you by my side ♪♫

Letters [of a torpe guy] ♥Where stories live. Discover now