Letters' -Chapter 1-

575 14 3
                                    

CHAPTER 001

 Hindi pa ako tapos sa assignments ko!! ano banaman yan. 20 minutes nalang! nandito na si mam! hala nako po, pano to!! 

Sabi nila.. masaya ang high school, pero parang hindi naman? Daming gawain, daming chechebureche, daming ka-ek-ekan! huhuhuhu. pandalas na ako sa pagsusulat. paano ba ito, ipapasa pa naman to ngayon. bakit ba kasi, kailangang matuto ng calligraphy diba? tinuturo naman ang penmanship noong kinder pa. AAAAAAAAAAAAAH. yoko na!

Sampung letra nalang ang kulang sa isusulat ko. yes! malapit nadin .. pero, nako, dumating na yung teacher ko eh. hala..

 "let's pray."

habang silang lahat nagdadasal, ako itong si pandalas ng pagdedesign. maya maya, may bumato sakin ng papel. tumingin ako sa likod, wala naman akong napagsuspetsahan. sino kaya yung bumato? aaaayst! galing ata sa labas. nako naman oo. mga trip ng mga tao dito. kakayamot!

natapos silang lahat magdasal. ..

 "Miss Imperial, lumabas ka, dalhin mo yang assignment mo, at dun ka magklase mag-isa. nagdadasal kami dito, ikaw patuloy ka sa pagsusulat! wag mong ipapasa sakin yan dahil hindi ko tatanggapin. o sya! lakad!"

"pero mam .. "

nakatitig padin sakin yung teacher ko. aaaaaaaaaaaaah. gusto ko nang umiyak ! lumabas nalang ako ng classroom, bumaba ng first floor at doon ngumalngal. nung matapos kong mag-emote, inayos ko yung gamit ko sa bag. tinapon ko yung calligraphy na pinaghirapan ko.

nakakainis!

yung crumpled paper na binato sakin kanina tatapon ko din sana, pero tinignan ko muna kung anong nakasulat.

 "Kim, si mam nakatingin sayo!"

o_O shocks. sinong sumulat nito? hindi ko kilala ang sulat at parang hindi din naman sulat ng mga classmates ko? eh, sino kayang susulat ng ganito? ah, ewan, badtrip. tinapon ko nadin yun at naglakad na, umakyat ulit ako sa third floor. naghintay ako dun sa labas hanggang sa matapos ang Arts namin. ARG! dalawang buwan nalang naman eh. dalawang buwan nalang at hindi ko na titser yaaaan!

 nung tumayo ako, di ko napansing may dadaan pala kaya nagkabanggaan kami. hindi ko napansin kung sino sya. may nahulog syang portfolio. bumaba na sya ng hagdan kaya hindi ko na sya natawag pa. kinuha ko nalang yung portfolio at dinala hanggang sa pag-uwi ko.

YM: Papabear: BUZZ!!

: Bhe! di kita nahintay kanina sa gate ha! pasensya kana, nagkayayaan ang tropa eh. love you! text kita. ;)

Sus. lagi naman. magiisang linggo nadin akong hindi hinahatid pauwi nitong si Justin. Hindi ko nadin naman feel na magjowa kami. so, paano? break nalang kaya kami!? tsk. dami kong iniisip! kakainis. 

bigla kong naalala yung portfolio. ah, oonga pala, ano kayang laman?

mga sobre. sarado eh, tinignan ko yung likod, nakalagay,

To: Kimberly Jane Imperial, Science Class

From: 

HALA? nacurious ako. teka. sakin? baka naman ibang kimberly imperial? andaming sobre nito! sakin kaya talaga lahat to? hala,

 inisa isa ko, may pink na sobre, may blue, may white, iba iba! lahat To: Kimberly Jane Imperial ang nakalagay. pero lahat parang hindi pa nabubuksan. pwede ko kayang buksan at basahin? tutal, sakin naman nakapangalan eh.. ?

Letters [of a torpe guy] ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon