Letters' -Chapter 22-

119 3 1
                                    

CHAPTER 022

Mga kalahating oras din ako nagpalipas oras sa tindahan ni aling nelia. Ang tagal kasi ng labasan ng higher section kaya naghintay pa ako. May dagdag na subject kasi sila kaya eto, kailangang magtiis. Di bale, kung kapalit naman neto ay ang pagiging mas close ko kay Kim eh okay lang. Sulit na sulit ang paghihintay!

maya maya may kumalabit sakin. "Uyy, kmsta?"

Natulala ako. Syempre. Sino paba? Si Kim. HAHA! bakit sya pa ang pumunta rito? nako nahuli na ako, dapat sa gate ko sya iintayin eh. napapasarap ako ng kain ng cupcake. hehe

"paglabas ko ng gate ikaw agad nakita ko kaya tumawid ako. haha! antangkad naman kasi eh! :P"

"hehe. kaw talaga. akin na yang mga dala mong libro."

"ha?"

inabot naman sakin ni Kim yung libro nyang dala. good girl. hehe. Kinuha ko nadin yung shoulder bag nya. Buti nalang yung bag naming mga lalaki notebook lang ang laman kaya hindi kailangang sobrang laki na katulad ng sa mga babae. haha

"nasaan nga pala si jomar?"

naglalakad na kami nun nung nabanggit yun ni Kim. Ah.. Si Jomar. Hinahanap nya padin si Jomar. Nandito naman ako pero bakit si Jomar padin ang hanap nya? :/

"si Jomar ? nako ayun, naglakwatsa. kasama sina Andre. hehe. bakit? miss mo na no?"

"oy hindi ah?! natanong ko lang. hehe."

"ah.."

nagpatuloy kami ng paglalakad. tahimik lang papuntang terminal ng tricycle. biglang,

"Ay silvestre, punta tayong tuklong!"

"ha? anong gagawin natin dun?"

huminto sya ng lakad para sabihin yun. malapit lapit nadin kami ng terminal nung sinabi nya yun. Babalik pa tuloy kami. De bale, saglit lang naman eh, isang sakay lang ng jeep.

"sigeee naaa..."

bumalik kami ng daan at naghintay sa waiting shed. Hehe. to talagang si kim o.

maya maya may jeep na, sumakay kami at nakarating din ng tuklong. Tahimik lang sa tuklong kapag weekdays. walang masyadong nagsisimba. Meron doon wish box, susulat ka doon ng wishes mo tapos ipapagpray mo at ihuhulog dun sa box. Nagsulat si kim.

"dar, sulat ka din." pabulong nyang sabi.

Ibinaba ko muna mga gamit nya sa bench malapit samin at nagsulat din ako. Ano naman isusulat ko? 

Letters [of a torpe guy] ♥Where stories live. Discover now