Letter's -Chapter 23-

123 5 1
                                    

CHAPTER 023

"Huy dar, sulat kana! nakapagsulat na ako oh."

Pansin kong tinutupi na ni kim yung papel na sinulatan nya ng wishes nya. Pero ako, heto, nagiisip padin. Anuanong wish ba? anong wish ba ang kailangan? pampamilya? lovelife ? school? pwede bang lahat yun isulat ko?

"huy dar.."

"eh kim, anong wishes ba? hehehe"

napakamot ako ng ulo at syempre, isip isip padin. "Silvestre, wala kabang wishes??"

"meron." mabilis kong sagot.

"oh, ehdi yun ang isulat mo!"

"ilang wishes ba?"

"Kahit ilan! ano kaba. haha! ihuhulog ko natong akin a. hintayin nalang kita, upo muna ako dito sa bench."

Hmm.. lahat, okay. Sinulat ko mga gusto kong maganap sakin ngayong taon. Sana mapansin na ako ni Kim. Sana .. masabi ko na sa kanyang mahal ko sya. Sana, yumaman na kami ni ina. Sana maging malusog si ina pati na mga pamangkin ko at si ate. Sana.. makagraduate ako ng high school at kolehiyo. Sana maging successful akong tao. haaay..

tumingin ako kay kim matapos kong isulat lahat lahat ng wishes ko. Ngumiti sya sakin at tinanong kung tapos nadaw ba. Ngumiti lang din ako at tumango. tinupi ko na ito at inihulog dun sa box na hinulugan ni kimberly. 

Umupo ako sa tabi ni kim. Nung nakaupo na ako, biglang lumuhod si kimberly. Bigla kong napansin yung buhok nya na nakalugay. Ang ganda ng bagsak, parang ang bango bango tignan. parang gusto ko tong haplos haplusin kaso hindi ko magawa...

Napangiti ako. Lumuhod nadin para makita ko ang mukha ni Kim ng mas malapit. At syempre, para narin magdasal.

"Lord, ipaubaya nyo na sa akin si Kim.. sige na oh. minsan lang ako humiling.. pleasee.."

binuksan ko ang kanang mata ko at nahuli ko si kim, biglang lumingon sa kabilang dako. aha! siguro tinitignan ako nitong babaeng to nung nakapikit pako. ahihihihi. ewan, masama ang umasa darwin silvestre. tandaan mo yan. At..

bigla kong naalala yung sobre ni jomar.

Letters [of a torpe guy] ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon