50th Chapter

621K 12.7K 2.5K
                                    

Chapter 50

Ma? Pa?

Nandito ako sa bahay ngayon. Simula kasi nung nangyari yun, umuuwi ako tuwing weekends. Pag weekdays naman, pagkatapos ng school, diretso bahay lang ako. Pag wala naman akong pasok, nasa bahay lang ako, nagbabasa ng libro. Tapos ko na nga yung Twilight Saga, Vampire Diaries 1, 2, 3 and 4, Harry Potter Series, Series of Unfortunate Events, 39 Clues at lahat ng libro ni Nicolas Sparks at Paolo Coehlo. Lahat yan nagawa ko. Feeling ko nga ang dami ko ng alam eh

Simula din nun, tumaas lahat ng grades ko. Pero bagsak pa din ako dun sa isa kong major subject pero okay naman sa iba kaya naman okay na ulit kami ni Papa. Close na din kami dahil nga umuuwi ako dito linggo linggo kaya wala siyang choice kung makasama ako

Oh? Kadadating mo lang?

Hindi naman po, Papa. Bumili ba kayo ng bagong sasakyan?

Oo, eh. Ang kulit kasi ng mama mo

Ah. Nangongolekta na yata kayo, hindi na yan kasya sa garahe natin. Hahaha

Sinong nagsabing dito yan sa bahay?

What do you mean?

What i mean is, sa Manila yun magsstay dahil dadalin mo yun bukas pag uwi mo ng Manila

For real? Sakin na nga yun?

Ayaw mo ba? Babawiin ko.

Bigla akong napatalon at napayakap kay Papa

Salamat po.. Ayan tuloy, naiiyak na ko..

Sorry, Dana ha? Masyado lang akong nasaktan sa pagkawala ng ate mo kaya sa'yo ko nabunton

lahat ng sama ng loob ko. Ngayon pa lang ako babawi sa'yo..

Ano ka ba, Pa? Wala yun noh. Ang tagal tagal na nun kaya kalimutan na natin yun.

Oo nga. Ano? Di ba tinuruan ka naman ng ate Dannie mo kung pano mag drive? Natatandaan mo pa?

Opo naman. Test drive ko na?

Sige. Mag iingat ka ha? Dito ka lang sa loob ng subdivision

Opo

Tapos nagdrive na ako. Grabe, alam mo yung masaya? Ako yun eh!

Pagkatapos nun, nandun lang ako sa bahay at nung linggo na, lumuwas na ako papuntang Manila gamit yung sasakyan ko. Cool

Pagdating sa bahay, natulog muna ako. Grabe, nakakapagod ding magdrive mula Batangas hanggang Manila. Halos 2 hours din yun. Nagising ako ng magfo four na, since wala naman akong gagawin ngayon, napagpasyahan kong mag ikot ikot sa mall. Practice na rin sa pagda drive. Pagpasensyahan niyo na ako, masaya lang eh. Haha!

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon