26th Chapter

653K 14.3K 1.6K
                                    

Chapter 26

Saturday

Wala akong magawa. Tss. Eto yung ikinatatakot ko eh. Yung masanay na nandiyan yung isang tao. Yung masanay na palagi siyang nandiyan para sa iyo, para tulungan ka. Pero kung kailan sanay na sanay ka na na nandiyan sila, tsaka naman sila kukunin. Kaya ayokong napapalapit sa ibang tao eh.

Tulad na lang ngayon. Etong nararamdaman ko. Yung pangungulila kay Andy. Nasanay na kasi ako na palagi siyang nasa tabi ko. Nandiyan para patawanin ako, ipagtanggol ako at pasayahin ako. Hay. Ano ba naman?

Natapos ang buong Sabado ko na wala akong ginawa kundi pagpantasyahan si Nate Archibald At isipin ang mga kalokohan ni Andy.

Sunday

Since nagsawa na akong manood ng gossip girl pero hindi nagsawang pagpantasyahan si Nate Archibald Napagdesisyunan ko bisitahin na lang si Ate Danie.

Nagbihis na ako. Ngayon ko lang naalala, halos 1 week na akong hindi nakadalaw kay Ate. Hala, baka multuhin ako nun.

Nagmadali na ako. Nag cab na ako kahit namamahalan ako. Pagdating ko doon, binaba ko na yung rose na binili ko at sinindihan ko na yung candle.

"Ate Dannie, long time no see. Pasensya na kung hindi ako masyadong nakadalaw ha? Pasensya na din kung hindi ka na updated sa buhay ko. Kaya nga dumalaw na ako ngayon kasi alam kong miss na miss mo na ang little princess mo. Alam mo ba ate, wala na kami ni Jarred. Alam ko namang sinabi ko sa'yo noon na i'm sure na siya na yung lalaking para sa akin, yung habang buhay kong makakasama. Pero tama nga ang kasabihang, maraming namamatay sa maling akala. Nagbreak kami kasi pinagpalit niya ako. Tama na nga. Wala naman akong pinagsisisihan sa mga nangyari eh. Sabi nga nila, everything happens for a reason. And i guess, tama sila. Dahil sa mga pangyayaring yan, nakilala ko si Andy. Si Andy yung nagpapasaya ngayon sa akin Ate. Naku ha, baka iniisip mo na makire ang little princess mo. Nagkakamali ka ate, hindi naman kami ni Andy eh. We're just enjoying each other's company. No strings attached. Promise ate, kung may mangyayari man, ikaw ang una kong sasabihan. Alam mo namang mahal na mahal kita di ba? Sige na ate. Alis na ako ha? See you soon."

Umalis na ako. Inayos ko muna yung puntod ni Ate. You heard it right, patay na si Ate Danie. Actually, dalawa dapat kami eh. Kaya lang, 3 years ago, namatay siya, car accident. Simula nun, naging loner na ako. Until i met Sara, na bestfriend ko ngayon.

Ayokong mag emo ngayon Makaalis na nga. Makapag shopping na lang.

Teka— si Andy ba yun? Anong ginagawa niya dito sa sementeryo? Tsaka sino yung binibisita niya? Sus. Ano bang pakielam ko? Makaalis na nga...

Teka lang ulit.. Tama ba yung nakita ko? Nagpahid ng luha si Andy? Shet. Umandar na naman ang detective side ko

At nung makaalis na si Andy..

Pinuntahan ko yung puntod na iniiyakan niya kanina..

Lynne Trinidad

October 6, 1992- October 28, 2007

Sino si Lynne Trinidad? Malabo na kapatid siya ni Andy dahil Guzman ang last name niya at hindi Trinidad. Pinsan? Kaibigan? Kababata?

Fudge. Bahala na nga. Kung malalaman ko, malalaman ko pagdating ng panahon. Lynne Trinidad, makikilala din kita..

Monday

After 2 long days, papasok na din ako. Shemay, ngayon ko lang namiss ang school na ito. Takte naman, alam ko maganda na ako, pero bakit kailangan pa nilang pagtinginan ako? Bitch talaga.

"Yeah, malandi nga talaga," whispered someone.

"Ano ba yan. Hindi ba niya alam ang salitang makuntento?"

"May Andy na, may Jarred pa. Kawawa naman si Ynna."

Ano ba ang problema ng mga tao ngayon? Masama na bang maglakad sa hallway?!

"Sinong may kagagawan nito?!" sigaw ko nang makita ko iyong dahilan kung bakit ako pinagbubulungan. 

I looked at Ynna and she was grinning! 

"Ano'ng alam ko? Nakita ko lang din yan dito," she said that with a big smile on her face

"Shit nama! Hindi ako nakikipagbiruan. Sinong may gawa nito?!"

"Huwag mo nga akong sigawan. Besides, dapat nga thankful ka sa gumawa nito eh, dahil sa kanya, hindi mo na kailangang magpanggap na mabait. Lumabas na yung totoo mong ugali. Isa kang slut, whore, cheap—"

Sinampal ko siya. Wala siyang karapatang sabihin sa akin yun. Sinira ko na yung tarpaulin. Alam niyo ba kung ano yung nakita ko? Isang malaking taurpaulin na may dalawang picture. Yung isang picture, picture namin ni Andy nung birthday niya. Nung nasa couch kami. Yung isa naman, kami ni Jarred, kuha yun mula sa labas ng unit ko. May date pang nakalagay..10/29/10 at caption, Dana Kathryn Ferrer, kissing two different guys in one day. Wasn't that pathetic? You judge.

Damn it. Ang tanga ko.

"Huwag mo ng tanggalin yan. Madaming kopya niyan. You're busted! Wala ng maniniwala sa pagpapanggap mo."

"Gago ka. Kapag nalaman kong ikaw ang may kagagawan nito. Sinasabi ko sa'yo. You're one dead meat, Ynna!"

"Ooh. I'm scared!" she said, grinning.

Hindi ko na pinansin. Talo ako pag nagpaapekto ako sa kanya. But

"Oh my God— "

Agad akong napa-tingin sa pinanggalingan ng boses.

"Andy, wait!" I shouted, but he's long gone. 

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon