4th Chapter

1M 25.3K 3.7K
                                    

After the confrontation, iyak lang ako ng iyak. Nakakainis. Bakit ba hindi maubos ubos yung luha ko? Minsan na nga lang ako maiyak, dun pa sa mga taong walang ka kwenta kwenta.

Wala silang kwenta pero hindi ako matigil sa pag-iyak.

Kapag naiisip ko iyong mga sinabi nila sa akin, gusto kong magtago na lang. Pinamukha nila na wala talaga akong kwenta. Dahil lang ba hindi ako magaling humalik, hindi na dapat ako mahalin? Iyon na ba ang batayan ng pagiging worthy?

Kanina pa ako kumakain ng ice cream... pakiramdam ko malapit ng mamaga ang tonsil ko.

Bwisit ka talaga, Jarred! Sana hindi ka na magkaanak! Masama ka!

Nung naubusan na rin ako ng icecream, sinubukan ko na maghanap ng iba namang kakainin pero wala ng laman iyong ref ko...

Saan naman kaya ako pupunta?

Sa mga movies, ang napapanuod ko, pag nasasaktan yung mga bida, sa bar sila pumupunta. Umiinom sila para makalimutan yung problema nila. Kaya napagdesisyunan ko na pupunta ako sa bar ngayon.

I will drink my problems away...

Sana nga makalimutan ko... Kahit sandali lang... Kahit ilang minuto lang... Maramdaman ko lang yung pakiramdam ko dati, nung wala pang Jarred sa buhay ko.. .Nung ako lang si Dana, yung ang problema ko lang eh kung paano ako magiging topnotcher sa batch namin...

--

Pagpasok ko sa bar. MAINGAY. MAY NAGSASAYAW. MAY NAGHAHALIKAN SA GITNA NG DANCE FLOOR. MAY UMIINOM...

Pumunta ako dun sa counter? Counter nga ba ang tawag dun? First time ko lang kasi pumasok sa bar eh... Buti nakapasok ako kahit 16 lang ako... Alam ko masama pero ginamit ko iyong ID ng ate ko. Magkamukha naman kami kaya nakapasok ako.

Besides, I really needed this drink! Baka after hangover, mawala na rin iyong nararamdaman ko na galit at inis sa Bautista na 'yun!

"Alak nga."

Hindi ko talaga alam kung ano ang bibilhin ko. Heck, first time ko! So I pretended to be rude para hindi mahalata nung bartender na wala akong alam dito. Baka kasi insultuhin na naman ako dahil wala akong alam.

Mabait naman ako. Wala akong bisyo. Virgin ako sa halos lahat ng bagay. Pero bakit ako pinaparusahan?!

"Miss, do you have something specific in mind? Vodka? Rhum? Tequila?"

Kainis! Baka mabuko ako na underage, e! Malay ko ba sa mga alak, di ako interesado sa mga ganyan... Yung mga pinsan ko, pwede pa. Mga party animals palibasa kinukunsinte ng mga Auntie ko. Ako, walang ginawa kung hindi ang mag-aral. Kapag kasi hindi maganda ang grades ko, mas lalo ko lang mararamdaman na wala akong kwentang tao.

Haaay, ate ko. Miss na miss na kita.


"Isn't it your job to make your customers happy? Give me your best shot," sabi ko na lang para di ako mahalata.


"Pero, Miss..." sabi ni kuyang bartender. Ayoko talagang naninigaw sa ibang tao pero naiinis talaga ako ngayon! Sorry. Mabait ako pero hindi ngayon.


"Magbabayad naman ako so please, serve me! Nakakainis na!"

Mukhang shocked siya sa pagsigaw ko! Ako rin naman na-shock! "I didn't mean it that way, Miss..."

"Just give me my drink and let's call it even, okay?"

Nagkamot ng ulo 'yung lalaki. Ang kulit naman kasi, ang daming tanong.

"Por que ba naka salamin ako at mukha akong nerd e nawala na yung karapatan kong magpakalunod sa alak?" I murmured while waiting for my drink. Itinuon ko na lang iyong pansin ko sa lalaki na busy sa pagkuha nung mga bote ng alak sa drawer.

Teka, parang familiar yung mukha niya? Nagkita na ba kami dati? Ewan. Baka namalikmata lang ako. Lately kasi, feeling ko delusional na ako. Kung anu-ano naiisip ko.

Kapag ako talaga nasiraan ng ulo dahil sa Jarred na 'yan! Naku!

Pagbalik nung lalaki...

"Miss, here, tequila. That's the best I can offer since... mukhang di ka naman sanay uminom," sabi niya.

I disregarded his comment. Lahat naman ng bagay napag-aaralan. Matututo akong uminom kung gusto ko. At sisimulan ko na.

Kinuha ko na yung tequila... At muntik ko ng maibuga! Holy cow! Ang pait pala nito! May lemon pang binigay sa akin pati asin ba yun? Malay ko ba kung para san yun? So, piniga ko iyong lemon sa may inumin ko para mabawasan iyong pait. Tapos iyong asin... hindi ko pinansin.

Bigla namang tumawa yung lalaki..

"Anung tinatawa tawa mo? Nakakatawa ba ako?"

"First time mo talaga, no?" he asked, amusement written all over his face. Aba!

"Oo. Ano naman?" He shook his head at ngumiti. "Pasalamat ka tinatamad na akong sumigaw."

Bwisit na lalaki yun. Nakakaloko yung tawa niya ah. Ano bang nakakatawa sa ginawa ko? Anyway, hindi ko na pinansinyung lalaking yun. Nagconcentrate na lang ako dun sa best friend ko ngayong gabi.... SI TEQUILA

1st shot
2nd shot
3rd shot
4th shot
5th shot

...hanggang sa di ko na nabilang. Shit, bakit tatlo na yung lalaki sa harap ko?


"Hoy! Bakit nagsama*Hik* ka ng dalawa pa? Ano? Away ba? *Hik*"

"Miss, okay ka pa ba? Halos ubusin mo na yung bote ng tequila, e..."

"May *hik* pambayad ako.*Hik* Hindi poket *Hik* muka akong nerd eh *Hik* wala na akong pera. For your info *Hik* mayaman kami! *Hik* Kayang kaya kitang bilin. Hahahaha. Bibilin ko kayong lahat na mga lalaki! Tapos yung *Hik* mga manloloko gaya nung Jarred na yun *Hik* gagawin kong alipin *Hik* Hahaha. Papahirapan ko silang lahat hanggang pagsisihan nilang pinaglaruan nila yung mga babaeng kagaya ko. Hahaha!"

"Jarred? Niloko ka? Kaya ka siguro naglalasing ano?"

"Bakit ka nagtatanong? Close ba tayo? Hahaha. Ganto kasi yun... Break na kami. Hahaha. Nakakatawa di ba?"

The world looked so friendly in my drunken state. Parang kaya kong sabihin lahat. Nawala na lahat ng pumipigil sa akin! It felt so freaking liberating! Ganito pala ang feeling!

"Bakit naman kayo nagbreak?" tanong niya.

"Ayokong sabihin... pagtatawanan mo ko eh."

"Hindi, promise." Parang bata kung itrato niya ako.

Bigla na lang akong naiyak. May problema na talaga ang tearducts ko! Puro walang kwentang dahilan ang iniiyakan! Kasalanan ni Jarred to!

"Pangako! Puro kayo pangako! Mga lalaki kayo!"

"Miss, hindi lahat ng lalaki ganon... Nagkataon lang na manloloko yung napunta sa inyo..."

I rolled my eyes. "Blah. Blah. Blah. Pare-pareho lang kayo. Ang gusto niyo lang sa babae iisa. Katawan. Virginity. Lahat kayo. Pare-pareho ang standards niyo. Kailangan magaling humalik. Magaling sa kama. Bakit ba ang mamanyak ninyo?"

Bigla na naman siyang natawa! Comedian na ba ako ngayon?! Parang maiiyak na siya katatawa!

"Don't tell me iniwan ka nung boyfriend mo dahil hindi ka magaling humalik?"

"OO, BAKIT? Pagtatawanan mo din ako?" sabi ko. Nahihilo na ako pero susuntukin ko pa rin siya! Mamimili nga lang ako kung alin sa tatlong ulo sa harap ko!

"Hindi, Miss. Ito, may ibibigay ako sa'yo... Baka makatulong sa problema mo.."

Calling Card AGAIN? Bwisit naalala ko na naman yung manyak na nanghalik sa 'kin sa mall! Blurred na yung paningin ko.. Hindi ko mabasa yung nakasulat.

"Ano naman gagawin ko dito?"

"Tawagan niyo na lang pag maayos na isip niyo..."

Ang labo naman ng lalaking to. Yung totoo, kanina pa kami nag uusap. Kahit maingay nagkakaintindihan kami. Masaya siyang kausap... Pero hilo na talaga ako.

But Before I passed out, he muttered something..

"In case na kailangan mo ng magtuturo sa iyo para gumaling kang humalik... At para masakop mo na ang mundo at maging alipin ang mga lalaki, just call that number..."


For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon