45th Chapter

544K 15.6K 521
                                    

Chapter 45


January 2011 means a brand new start, a brand new life and a brand new love? Hopefully. Gusto ko na kasing magsimula ulit ngayon. Alam mo na, kalimutan ang lahat ng nangyari nung 2010. Medyo hindi kasi maganda ang kapalaran ko nun eh.. 

Nagsimula ng maganda ang taon ko ngayon. Nagkaayos na kami ni Andy at "parang" may something na sa amin ni Cyriel. Hindi naman sa feelingera ako ha pero yun talaga ang nafe feel ko eh. Or baka feelingera lang talaga ako? Whatever the cirmumstances are, masaya ako sa kung anong meron kami ngayon..

Nakita ko siyang nakatalikod. Wag niyo ng tanungin kung bakit. Ganun talaga. Kahit nakatalikod, nakatagilid, nakayuko o kung anu man ang pwesto niya, alam kong si Sara yun. Ganun katindi ang connection namin 

Sara!! 

Tumakbo ako kaya lang, nagulat ako O.O

What the fvck? First day of classes ngayong 2011, make out ang ginagawa niyo? Hindi na kayo nahiya, sa harap pa ng gate? My God! Akala ko ba pa hard to get ka, Sara? At ikaw naman Dave, akala ko gentleman ka? My God!

Bigla silang tumigil. My goodness, nag smudge na yung lipstick ni Sara kaya kumuha ako ng tissue wipes sa bag ko

Oh, ayusin mo nga yang sarili mo. Tss. Kayong dalawa talaga, hindi pwedeng iwanan. Gumagawa kayo ng monkey business.

Habang pinupunasan ni Sara yung lips niya

Sorry naman, Manang Dana kung nasusulasok ka sa PDA namin

Sulasok? What the heck. Ano yun?

Sulasok.. Hubby, paano ba idescribe yun?

Hubby? My God. Don't tell me ikaw naman si Wifey? Tatawa ako

Nagtinginan sila tapos sabi ni Sara--

Tawa na

For real? Kayo na talaga? Hindi nga?

Hindi naman kami eh. We're just enjoying each other's company, di ba Hubby?

Right. Besides, mahirap kung magiging kami ni Sara habang K.I ako. Mahihirapan siya..

What do you mean?

Mahirap in a way na may customer ako habang kami. Mahirap para sa kanya na isiping may hinahalikan ako habang committed ako. Ayoko namang maging unfaithful

Bigla siyang hinampas ni Sara. Fine, naiinggit ako sa kanila

Ang kapal mo. Ako kaya ang nakaisip nun 

Bigla siyang niyakap ni Dave from behind tapos kiniss yung buhok niya. Spell SWEET. T____T

Fine. Fine. Fine. Aalis na ako. Basta wag kayong gagawa ng kung anu ano dito sa school premises ha?

Fine. Fine. Kita na lang sa room ha? Baka may gawin kayo ni Cyriel, ingat ka. Ayoko pa talagang maging ninang

Gags ka talaga. Baka maunahan mo pa nga ako eh. Bye

Umalis na ako at pupunta ng room ni Prof Benito para makausap siya regarding sa grades ko. Kailangang makabawi ako ngayong sem para mapatunayan ko kay Dad na hindi pagkakamali ang ginawa niyang pag adopt sa akin..

Nung kakatok na sana ako kaya lang

Nakita kong naka bra lang si Ynna habang nakasampa sa table ni Prof tapos hawak hawak niya yung tie ni Prof..

What can you say, Grei? I know you have the hots for me. I'll let you have me all the way in one condition..

Tapos hinalikan niya si Prof sa labi yung smack lang pero hinabol ni Prof yung labi niya. Mukhang may gusto ni Prof kay Ynna. Sabagay, maganda talaga siya kung sa maganda. Mukha siyang barbie kaya lang, pang chaka doll yung ugali niya

A-ano?

Tapos gumapang yung kamay ni Prof sa legs ni Ynna habang mina massage yun. !@#$. Gross. T____T

Small favor lang naman. Bigyan mo lang ng 5 sa card si Dana. Dana Ferrer. Easy, right?

Paano ako makakasigurado na tutupad ka sa usapan?

Biglang kumuha ng papel si Ynna sa desk ni Prof tapos may sinulat siya

Plate number ko. Hindi ko pa naeexperience sa car eh, i wanna try it with you 

Biglang ngumiti ng nakakaloko si Prof. Fvck. Bakit may mga manyak na professor sa school ko?

Deal. I'll give her flat 5 and i'll have you later.

Tapos tumayo si Ynna at sinusot yung blouse niya

I'll be expecting na susunod ka sa usapan. I wanna see her cry so badly

Bakit ba ang laki ng galit mo sa kanya? She seems nice

It's none of your business, Grei. Gotta go.

Umalis na siya..

Bakit ba ang laki ng galit niya sa akin? Una gusto niya akong ipa rape, ngayon naman, gusto niyang sirain ang buhay ko. Ano ba ang napakalaking kasalanan na nagawa ko sa kanya at ganun siyang kagalit sa akin?

Sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa tapat ng abandoned building..

Ynna!

Lumingon siya tapos ngumiti

Well, hello, Dana Ferrer. Nice to see you. 

Ano ba ang problema mo?

What are you talking about? Are you insane?

Ako pa ang nababaliw ngayon? Ikaw nga pumapatol sa matandang huklubang professor natin tapos ako pa ang nababaliw? Seriously, ano ba ang nagawa ko sa'yo at kailangan nating umabot sa ganito?

Mukhang nagulat siya dahil alam ko yung tungkol sa pag uusap nila ni Prof. Pero lumapit siya sa akin tapos hinawakan niya yung mukha ko

Aray-- Nasasaktan ako..

Bigla siyang tumawa

Hahaha. Nasasaktan ka na niyan? Hindi mo alam na mas masakit pa diyan ang naramdaman ko dahil sa'yo punyeta kang babae ka!

Ano bang pinagsasabi mo? Di ba na sa'yo na si Jarred? Ano pa ba ang gusto mo?

Si Jarred? Wala akong pakielam dun. Si Cyriel ang gusto ko! SI Cyriel!

Si Cyriel?

Oo. Siya nga.. Dati pa, gusto ko na siya. Ginawa ko lahat para mapansin niya ako. Nagpaganda ako, nagpapayat. Lahat lahat na. Pero anong napala ko? Wala pa din..

Nung nalaman ko yung tungkol sa Kissing Corporation na kinabibilangan niya, sumali ako pero hindi nila ako tinanggap..

Alam mo yung---

Tumawa ulit siya

Hahaha. Ano ang akala mo? Ikaw lang ang nakakaalam dun? Mas una ko pang nalaman yung tungkol dun. Dati pa. Sumali ako pero hindi nila ako tinanggap dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Mga g ago sila. Pero ikaw? Ikaw na babae ka, tinanggap ka nila! 

Tapos hinigpitan niya yung hawak sa mukha ko.. Magmamarka to mamaya..

Ano bang meron ka na wala ako? Di hamak naman na mas maganda ako sa'yo. Lahat na ginawa ko para mapasaakin siya, pero sa huli, sa'yo pa rin siya bumalik. Ano ba talaga ang meron sa'yong punyeta ka?!

Sumisigaw na siya.. Natatakot na ako

Hi- hindi ko alam.. Bakit hindi si Cyriel ang tanungin mo?

Tumawa ulit siya. Srsly, takot na talaga ako sa kanya..

Nagpapatawa ka ba? Anong tingin mo sakin? Bobo? Tinanong ko na siya dati pero puro walang kwentang sagot ang nakukuha ko. Wala na daw akong pakielam dun. Alam mo yun? Sinabihan ka ng mahal mo ng ganun. Alam mo ba kung gaano kasakit yon ha?

Hindi ko alam..

Natural wala kang alam. Lagi ka namang walang alam eh. 

Hindi ba tayo pwedeng magkaayos?

Hindi. Hindi hanggat hindi napupunta sa akin si Cyriel. Hanggang ikaw ang gusto niya, gagawin ko lahat para maging impyerno ang buhay mo. Tandaan mo yan, sisirain ko ang buhay mo

Tapos binitawan na niya yung mukha ko..

Wag kang magkakamaling ipagkalat yung narinig mo kung hindi, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko

Tapos umalis na siya at naiwan akong nakatulala doon..

Bakit si Cyriel pa? Bakit sa lahat ng lalaki, siya pa?


Habang naglalakad ako papunta sa room ko, narinig kong pinagchichismisan ako ng mga babae

Grabe talaga siya noh? Nung una si Jarred tapos si Andrei, ngayon naman si Cyriel? Hindi na ako magugulat kung sa susunod si Travis naman ang lalandiin niya

Ang galing na lang niya kung pati si Travis makukuha niya. Mahilig siya sa senior sa kanya noh? Tss. Ang landi talaga

Alam mo ba yung tsismis?

Ano?

Na nabugbog daw si Jarred!

SI Jarred na player ng basketball?

Oo. Kawawa nga eh. Nasa ospital siya ngayon. Kawawa talaga, na frame up sya

Paanong na frame up? Bilis. Na excite naman ako sa kwento mo!

Paano, inakit daw niya si Jarred tapos syempre naakit naman si Jarred tapos nung may gagawin na sila, biglang dumating si Cyriel tapos sinabi niya na gusto siyang rapin ni Jarred. Ang kapal ng mukha no?

Oo nga. My God. Napaka imoral niya. Tss

Tama! Tara na nga. Baka mahawa tayo sa pagiging malandi niya!

Tapos umalis sila sa harapan ko.. Napaupo na lang ako sa isang sulok at umiyak..

Bakit ba sila ganun? Bakit naniniwala sila sa sabi sabi? Hindi naman nila alam yung totoong nangyari kaya bakit nila ako hinuhusgahan?

Umiiyak lang ako ng may nagbigay ng panyo sa akin

Oh, hindi bagay sa'yong umiyak. Mukha kang tanga

Ang sama talaga ng ugali mo. Nakita ng umiiyak yung tao eh

Tss. Ano gusto mong sabihin ko? Tahan na? Sorry pero hindi ako ganun

Bakit nag iba na naman siya?

Bakit ka pa nandito? Iwanan mo na lang kaya ako?!

Naiinis na talaga ako. Bigla siyang umupo sa tabi ko tapos yumuko

Alam mo, kung alam mong hindi naman totoo yung sinasabi nila, wag mo silang pansinin.. Ang mahalaga lang naman eh kung may naniniwala sa'yo..

Yun na nga eh! Walang naniniwala sa akin. Kahit ipaliwanag ko pa sa kanila, hindi naman sila maniniwala eh..

Mali ka diyan. Nandito kami. Si Sara, si Dave, si Andy at ako, naniniwala kami sa'yo..

Bigla ko siyang niyakap tapos umiyak lang ako sa kanya..

Oh. Mamaya mo na ako chansingan, may klase ka pa

Hahaha. Ang kapal na din ng mukha mo

Hindi ah. Sige, hatid na kita?

Wag na. Kaya ko na 'to..

Bahala ka

Tapos umalis na siya. Ano ba yan? Hindi niya ba alam yung signs ng babae? Pag sinabing ayaw, ibig sabihin, gusto.. Ang slow naman :|

Anyways, pagpunta ko sa room.. Nandun na yung manyak naming professor.. Ewan ko ba pero parang nawalan ako ng galang sa kanya matapos ng lahat ng nalaman ko, sino ba namang hindi di ba?

Ms. Ferrer, you're 10 mins. late, mind to explain yourself?

Bakit ganun? Hindi naman niya ako tinatanong pagnalate ako dati ah?

I'm sorry if i'm a bit late, i just did something important..

More important than studying? Oh come on, i won't buy that act. Do you want to have a record of habitual tardiness, Ms. Ferrer?

With all due respect, Professor Benitez, oh wait, i don't think you still deserve to be called professor, i think you should not hit on me just because "someone" told you so. 

Kinuha ko na yung gamit ko. Pero bago ako umalis..

Do you know that having sexual intercourse with a minor is considered Statutory Rape? Well, i'm just telling you in case you don't know..

At umalis ako habang naguguluhan yung mga kaklase ko kung anu ba yung tinutukoy ko..

 

-----------------

Vottteee! :)))

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon