Chapter 1

6.6K 43 2
                                    

"Good morning Xianshine!!!!!!" Bati ni Kim sa kanyang sarili the moment na nagising siya. Abot tenga ang kanyang ngiti at hindi maikakailang maganda ang simula ng kanyang araw. Sabado ngayon at makapagpapahinga na siya mula sa stress week.  What a way to wake up!

Pagbaba niya sa hagdanan ay naabutan niya si Ate Lakam na nagluluto ng agahan. Silang dalawa lang ni Kim ang naninirahan sa isang maliit na townhouse sa Marikina. Ang iba nilang kapatid ay nasa Cebu. 

"'te Kams, anong meron sa labas? Bakit ang daming tao?" tanong ni Kim habang umuupo sa hapag kainan.

"Ay ewan ko Kimberly, kagigising ko lang din. Hindi ko pa nauusisa." sagot naman ni Ate Lakam na tuloy pa din sa pagluluto.

Pag-upo ni Kim sa table ay pinatong niya ang kanyang muhka sa kanyang palad at pinagpatuloy ang tila'y bitin na panaginip niya noong nagdaang gabi. Nakatingin siya sa kisame at abot tenga pa din ang ngiti.

"Ahh ganon ba," absent-minded na sagot ni Kim.

"O ano yan? Bakit ganyan ngiti mo? May boyfriend ka na ba?" Pang-aasar ni ate Kams.

"Wala no!! Ano yun te, instant noodles?! Eh wala ngang nanliligaw, boyfriend pa kaya. ><" Sabi niya tapos nag-roll ng eyes. Pero tila masyadong matindi ang epekto ng panaginip niya kaya wala pang ilang sandali ay bumalik na agad ang ngiti niya.

"Eh malay ko kung ikaw ang desperada manligaw." Asar pa din ni ate Lakam. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang likuran upang hulihin ang mga reaksyon ng nakababatang kapatid.

"Ay nako ate!! Alam mo naman kung sinong gusto ko maging boyfriend." 

"Oo naman, alam ko. Eh araw araw yata wala kang kwento tungkol kay Xian Lim mo na yan eh."

"Ay ate!!!!!! Speaking of kwento!!!!! Napanaginipan ko siya!!!!!!" Kinikilig na sabi ni Kim. Tumayo siya sa kinauupuan at nilapitan ang kapatid sa kusina.

Napailing nalang si ate Lakam at bahagyang napangiti. Crush na crush na crush na crush ng kapatid niyang si Kim Chiu ang hearthrob na si Xian Lim. Halos araw araw eh ito ang bukambibig niya. Alam din ni Kim halos lahat ng bagay tungkol sa binata. Lahat ng balita kay Xian alam niya agad, mabilis pa sa isang kisapmata. Gabi gabi naman ay napupuyat siya kababasa ng mga kung anu ano sa internet basta tungkol kay Xian. Baliw na siya. At tumulo ang laway niya nung nanood sila ng Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo. Ginawa daw ng prof niyang si Ramon Bautista yung librong yon para sa kanya. PARA SA KANYA TALAGA. Pero siyempre joke lang yon.

"Ate!!!!!! Sa panaginip ko kilala niya daw ako!!!!! Tapos friends kami!!! Aaaaaahhhh!!!!" Hindi mapigilan ni Kim ang sarili niyang kilig. Sa tuwing si Xian ang usapan, walang preno ang lahat ng emosyon niya. Naiiyak siya pag nasosobrahan sa kilig. Walang preno din ang mga nasasabi niya out of the blue.

"Hay nako Kim, ewan ko sayo." Nakangiting pagbalewala ni ate Lakam sa kwento ni Kim. Hindi naman siya maka-comment kasi hindi niya crush si Xian at minsan na rin nilang pinag-awayan ni Kim ang tungkol dito.

Flashback.

"Kim, bakit gising ka pa?" agad na tanong ni ate Lakam pagpasok niya sa kwarto ni Kim. Dinatnan niya itong nakadapa sa kama at tila kilig na kilig na naman sa kung anong tinitingnan nito sa laptop niya. 

"Si Xian na naman?!! Dis oras na ng gabi nagwaWattpad ka pa din?!!!" Medyo inis na sabi ni ate Lakam.

"Wait lang ate, konting chapters nalang tong binabasa ko!" 

"Kimberly napupuno na ako sayo ha!!" Biglang pagtatagpo naman ng kilay ni ate.

Walang sagot si Kim. Hindi niya pinapansin ang ate.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon