Chapter 11: Friends

51 0 0
                                    

Sa starbucks napilit ni Kris na magkape si Joyce. At sa nakita ni Joyce, mukhang suki na si Kris sa lugar na iyon.

"Malapit lang ang bahay namin dito. One ride from school tapos maglalakad na lang ako. Buti na lang pala at doon ako bumaba kanina at nasalubong kita," sabi ni Kris.

"Bakit? Saan ka ba dapat bababa?" tanong ni Joyce.

"Tatlong kanto pa dapat bago ako bababa pero ewan ko, minsan kasi trip kong maglakad ng malayo eh," paliwanag ni Kris.

"Galing ah, trip mong maglakad kung kelan umuulan,"

"Actually, umaambon lang nung pagbaba ko. Pero ewan ko ba kung bakit naisipan kong bumaba. Pero ayos nga kasi ngayon magkausap na tayo," ngiting kay tamis ni Kris.

"Ganyan ka ba talagang makipag-usap sa mga babae?" tanong ni Joyce na feeling niya eh nakaka-intimate talaga ang dating ng pananalita ni Kris.

"Paanong way?"

"Ewan ko. Yun bang parang... ay ewan. 'Di ko ma-explain eh," sabi ni Joyce.

"Presko ba? Mayabang?" tanong ni Kris.

Hindi makaimik si Joyce at uminom na lang sa libreng kape ni Kris. sa kanya.

"Salamat dito sa kape. Sabi ko naman sa'yo, pwede namang hindi tayo dito nag-usap. Ang mahal ng kape dito. para kasing inconvenient gumastos ng ganun para lang sa kape,"

"Maingay sa ibang lugar. Okay na dito at saka sanay kasi akong dito nagpupunta," sabi ni Kris habang ina-assure niyang hindi dapat isipin ni Joyce ang nagastos niya.

Mga ilang minuto ang lumipas na tinitigan lang ni Kris habang nakangiti si Joyce. Napakagaan ng pakiramdam niya at 'di niya maintindihan kung bakit parang napakasaya niya ng mga sandaling iyon.

"Actually, ikaw pa lang ang nakakausap ko ng ganito," sabi ni Kris.

"Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Joyce.

"I mean, ikaw pa alng ang babaeng nakipagtalo sa'kin at nakausap ko ng ganito, solo at out of school ang pinag-uusapan nang hindi mabigat sa loob ko," paliwanag niya.

Natigilan si Joyce at hindi alam ang sasabihin. hindi niya alam kung maniniwala siya kay Kris.

"Eh, si trina? Best friend mo siya, 'di ba? Syempre nakakausap mo rin siya ng ganito,"

"Sa totoo lang, nakikisama  lang ako kay Trina kasi kaibigan ng tita ko ang mommy niya. Hindi ko alam pero hindi naman ako nakipag-usap sa kanya ng ganito," sabi ni Kris.

"Bakit hindi kayo makapag-usap? Lagi kayong magkausap, 'di ba? Ano bang ibig mong sabihing ganito?" tanong ni Joyce.

Tinignan ni kris si Joyce at napapaisip kung sasagutin ba niya ang tanong ni Joyce.

"Ganito, I mean eh, magaan kausap. Parang kahit ano kasi pwede kong ikwento sa'yo though may caution kasi parang naiintimidate kita minsan sa way of speaking ko," paliwanag ni Kris.

"Lagi kaming magkasama ni Trina pero kasi..."

"Pero?" pamimilit ni Joyce.

"baka kasi isipin mo na namang mayabang at presko ako pag sinabi ko sa'yo ang totoo," paliwanang ni Kris sabay lapit ng mukha niya sa mukha ni Joyce para basahin ang mga mata niya.

"May... may gusto ka ba sa kanya kaya nahihiya kang mag-open sa kanya?"

"Sasagot ako pero 'wag kang magagalit or walang violent reactions, ha?" paalala ni Kris.

Umupo ng tuwid si Joyce pahiwatig na makikinig siya at iintindihin ang sasabihin ni Kris.

"Okay, no violent reactions," sabi nito.

"Promise?"

"Promise!"

"Ewan ko if alam mo na pero kasi I'm all study muna. Gusto kong maabot ang goals ko and medyo nahihirapan ako kasi..." sabi ni Kris at tumigil sandali upang obserbahan ang magiging reaksiyon ni Joyce.

"'Wag kang tatawa or kahit ano, ha? No violent reactions as you promised?"

"Oo nga, promise!" sagot agad ni Joyce.

"napansin mo na rin naman siguro na maraming may gusto sa'kin?" halos pumiyok pa siya sa sinabi dahil kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ni Joyce.

Uminom na lang muli ng kape si Joyce.

"Tapos?" sabi ni Joyce para ituloy ni Kris ang sinasabi.

"Wow! No violent reactions nga," napatawa si Kris.

"Sabi ko naman sa'yo eh," pagsisiguro ni Joyce sa promise nya.

Ngumiti si Kris at naalis ang kaba sa dibdib niya dahil natatakot siyang madisappoint si Joyce.

"Dahil minsan sa kanila, nadi-distract ako. Minsan, hanggang sa bahay sinusundan ako - sa practices, sa mall at sa ibang lugar. Minsan naman nagfa-flood na yung phone ko sa nagtetext at nag-aattempt na magpakilala sa'kin. Pati sa FB at twitter, hindi ako bsta tumatanggap ng requests, yung classmates lang natin at mga talgang nakakasama ko lang. Minsan din tumatawag pa sila sa'kin. I have to make excuses pa para tigilan nila ako. I know it may sound rude pero I have much to do. I'm very busy with academics and extracurricular activities and I don't have time to entertain every one who tries to build a connection with me," sabi ni Kris saka siya huminga ng malalim.

Biglang nagmukha siyang pagod.

"Si Trina, isa na sa kanila. She follows me everywhere and hindi siya matigil sa pagtetext. hindi ko na nga sinasagot ang calls niya pati text. Ang hirap niyang takasan," reklamo ni Kris.

Tahimik lang si Joyce. iniisip niya ang dapat sabihin. Nagkamali siya sa pag-judge kay Kris tungkol sa pagre-reject at pagte-take for granted sa mga girls na may gusto sa kanya. Nahihirpan din pala siya. Usually, mayayabangan si joyce kapag ganito ang statement ng lalaki pero ngayon, she feels happy in a way na hindi niya maintindihan.

"And hindi mo siya basta matakasan dahil sa tita mo?" tanong na lang niya.

"Oo," pinilit ngumiti ni Kris.

"Eh 'di dapat pala walang makakita na magakasama tayo? Or makaalam?" pabirong tanong ni Joyce habang nakangiti siya.

"Hindi naman..." sabi ni Kris. itutuloy pa sana niya ag sasabihin niya at sasabihin niyang okay lang na may makaalam na magkasama sila pero nagsalitang muli si Joyce.

"Naiintindihan ko naman na, eh. Magiging hassle sa'yo yun kaya don't worry, wala naman akong balak sabihin kahit kanino na magkasama tayo ngayon," habang patuloy pa rin ang ngiti ni Joyce.

Nakita at naramdaman ni Kris ang sincerity ng babaeng lalo niyang nagugustuhan.

Ilang minuto ng katahimikan at sabay silang nagsalita bigla.

"Kumusta ang school work?" ani Joyce.

"Okay ba sa drama club?" tanong naman ni Kris.

Nagtawanan sila at sabay kumatok si Joyce sa mesa nila.

"Jinx! You owe me a soda dahil sabay tayong nagsalita!" sabi niya.

Ngumiti muli si Kris dahil alam niyang magiging okay na sila ni Joyce sa school.

First time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon