Chapter 2: Bagong Estudyante

81 0 0
                                    

Unang araw nang pagpasok ni Joyce sa nilipatang eskuwelahan. Kinailangan niyang lumipat dahil bagong lipat lang din sila ng tirahan.

Bagong bayan. Bagong bahay at bagong eskuwelahan. Ilan lang ang mga iyan sa nabago sa buhay niya.

Nag-iisang anak si Joyce at lumaki siya sa nanay at lola niya mula nang iwan sila ng kanyang ama at sumama sa ibang babae. Simula noon, ang nanay na lamang niya ang kumakayod para sa kanila. Matagal na ring panahon nung umalis ang kanyang ama - walong taon na. Nasanay na rin siya sa ganoong sitwasyon at pinilit niyang huwag ng hanapin pa ang ama. Itinuon niya ang pansin niya sa nanay at lola niyang nagpalaki at nagpuno ng pagmamahal sa buhay niya.

Nang sinabi ng kanyang nanay na lilipat sila ng tirahan dahil sa trabaho, pumayag agad si Joyce. Sa ganitong paraan lamang niya maipapakita ang suporta at appreciation sa kanya sa lahat ng efforts na ginawa ng nanay niya upang maibigay ang higit pa sa pangangailangan nila.

Sa eskuwelahan, nagmamadali siyang naglakad dahil na-late siya ng gising. Hindi siya nakatulog ng ayos dahil sa kaiisip kung paano siya magpapakilala at kung paano siya makaka-adjust muli sa bagong school at classmates na makikilala niya kinaumagahan.

Sa pagmamadali niya nang malapit na siya sa classroom 301 kung saan siya papunta, nabangga niya ang isang estudyante.

"Sorry, miss!" Sambit nito.

Nahulog ang mga librong dala-dala ni Joyce kaya nagmamadali niya itong pinulot. Tumulong ang lalaking nakabangga niya at nang sabay nilang pulutin ang huling librong nahulog niya, nagkatinginan sila.

Biglang bumagal ang oras para kay Joyce, bumilis ang tibok ng puso niya at naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi at alam niyang malamang ay namumula na siya.

"Okay ka lang ba? Sorry ha? Nagmamadali kasi ako, eh," bitaw ng nabangga niya sa libro at tumayo siya.

Inabot niya ang kamay niya kay Joyce upang tulungan siyang tumayo ngunit nagmamadali na lamang tumayo si Joyce at 'di na makatingin muli sa lalaki.

"Okay lang. Sige," sambit ni Joyce at dali-daling iniwan ang nabangga niya.

Nang makalayo na siya at nasigurado niyang wala na ang lalaki, huminto siya sandali habang hinihingal.

"Siya ang unang lalaking nakita ko dito sa school. Ang swerte ko naman, napakagwapo niya. Yun nga lang, mukhang presko pero okay lang. Ano kayang year nya? Siguro popular siya dito," bigla niyang naisip.

Pinakinggan niya ang puso niyang unti-unting kumakalma na. Pinilit niyang alisin ang ngiti niyang hindi niya mapigilan ngunit hindi niya magawa kaya naisipan niyang tumuloy na lang at pumasok na sa klase.

First time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon