Chapter 10: Ulan

46 0 0
                                    

Nagulat si Kris ng may biglang may lilim sa dinaraanan niya samntalang malakas ang ulan. Lumingon siya sa may hawak ng payong at nagulat nang makita niya si Joyce sa tabi niyang nakayuko habang hawak ang payong.

"Joyce?" tanong nito.

"Umulan kasi. Nakita kitang walang payong. Baka..." 

"Baka magkasakit ako?" tanong ni Kris.

Naramdaman ni Kris ang pagbilis ng tibok ng puso niya ngunit kailangang hindi niya ito maipahalata. Napangiti siya dahil sa lahat ng puwede niyang makasalubong, si Joyce pa.

Wala naman siyang galit kay Joyce. Hindi lamang niya ito pinansin ng mga nagdaang araw dahil natakot siyang baka lalo silang 'di magkaintindihan. Na baka lalong magalit si Joyce sa kanya. Hindi rin naman niya alam kung saan nanggaling ang 'di nila pagkakaunawaan nung una silang nag-usap.

"Nag-aalala ka ba sa'kin?" prangkang tanong ni Kris, umaasang nag-aalala nga si Joyce sa kanya.

"yan ka na naman, eh," biglang sabi ni Joyce. Ayaw niyang makipagtalo pero napreskuhan na naman siya sa mga ssumptions ni Kris.

"May nasabi na naman ba ako?" pagtataka ni Kris.

"talga bang tingin mo sa lahat ng babae may gusto sa'yo?" tanong ni Joyce na nag-uumpisa na namang umiral ang pride.

Nag-alala si Kris na baka magtalo na naman sila kaya hinawakan niya ang payong ni Joyce para hindi ito makapag-walkout. Gusto niyang magkaayos na sila.

"Yun ba ang pagkakakilala mo sa'kin?" tanong ni Kris habang sinubukan niyang hulihin ang tingin ni Joyce.

"Joyce," sambit nito at dun nagsalubong ang mga titig nila.

"Wala naman talga akong intensiyong yun ang maisip mo tungkol sa'kin eh. Sana magkaayos na tayo," pakiusap ni Kris.

"'Di kasi kita maintindihan," paliwanag ni Joyce.

"Ganito na lang. May time ka ba? Magkape muna tayo?" alok ni Kris.

"Ngayon na?" tanong naman ni Joyce.

"Bakit? Busy ka ba?" balik niya.

"Pupunta kasi ako sa grocery para tulungan ang mama ko sa mga bitbiting groceries mamaya," sagot ni Joyce.

"Ah..." mababakas ang disappointment sa mukha ni Kris.

"Hindi pala pwede," tuloy ni Kris.

"mauna na ako kung ganon. Salamat sa payong, pwede na akong maglakad ulit kasi wala ng ulan. Umaambon na lang," paalam nito.

Ngunit pagtalikod nito para umalis, na-guilty muli si Joyce. Feeling niya inaway na naman niya si Kris samantalang nakiusap na nga ito sa kanya.

"Teka," pigil ni Joyce kay Kris at 'di niya namalayang hawak na pala niya ang bag ni Kris upang pigilan ito. Binitiwan agad ni Joyce ito ng makita niya ang sariling kamay na nakahawak sa bag ni Kris.

Tumingin muli si Kris sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya.

"Kapapasok lang naman ni mama sa grocery. Pwede pa tyong magkape sandali...?" pag-aalangang sabi ni Joyce.

Muli na namang nagliwanag ang mukha ni Kris at gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Talaga?" 'di makapaniwala si Kris na pumayag si Joyce sa alok niya.

"Bakit? Binabawi mo na?" tanong ni Joyce.

"Hindi ah! lalo na't pumayag ka na," lalong tumamis ang ngiti ni Kris.

At sa wakas, nginitian na ni Joyce si Kris na siyang nagpalakas lalo ng kabog ng dibdib ng binata.

First time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon