Chapter 9: Payong

41 0 0
                                    

Nasa bahay na si Joyce ng biglang tumawag ang mama niya.

"Sa mall po? O sige ma. Pupunta na po agad ako," sabi ni Joyce sa cellphone bago niya en-end ang call.

"Si mama mo yun?" tanong ni Lola Mina, maternal grandmother niya.

"Opo, 'la. Mag-grocery daw po kami kaya pinapapunta niya ako sa mall," paalam niya sa lola niya habang patungo sa kuwarto niya upang magbihis.

"Mama mo talaga, o. Eh parang uulan. Napakadilim sa labas," sabi ni lola Mina.

Lumabas na si Joyce mula sa kwarto niya pagkatapos lang palitan ang shorts niya ng pantalon. Saka siya nagsalamin sa malaking antique na salamin na sa salas nila naka-display.

"Lola, kaya po madilim kasi maggagabi na," paliwanag ni Joyce.

"Naku! Hindi ah! Iba ang simoy ng hangin. Buti pa magdala ka ng payong," bilin ng lola.

"O, sige po, 'la. May payong na po ako, o? Heto sa bag ko," sabi ni Joyce habang pinapakita ang maliit na payong niya sa kanyang lola.

"Hindi! Hindi pupuwede," 'di pagsang-ayon ni Lola Mina at saka siya pumunta sa kwarto niya at may kinuha. Paglabas niya ay may dala siyang malaking payong.

"Heto ang dalhin mo,"sabi niya habang inaabot kay Joyce ang payong.

"Lola naman eh! pang-tatlong tao na ito, eh," protesta niya.

"Ay, hindi! Kung hindi mo rin lang dadalhin 'yan, 'wag ka nang pumunta sa mama mo," panakot niya bigla.

"Lola naman po eh!" patuloy ni Joyce pero alam niyang seryoso ang lola niya.

"Hay, opo... dadalhin na po. Pwede na akong umalis?" pagsang-ayon din niya sa huli.

At hinayaan na nga siyang makaalis. Isang sakay lang ng jeep ang kailangan upang makarating sa pupuntahan niyang mall.

Nang mga dalawang kanto na lang ang layo niya sa mall, biglang may nagbanggaang isang tricycle at taxi na nagdulot ng traffic kaya naisipan ni Joyce na bumaba at maglakad. Umaambon man, bumaba na siya habang napagpasyahan niyang gamitin na lamang ang payong na ipinabaon ng lola niya sakalin mang lumakas ang ulan.

"Si lola talaga, hindi maiisahan. talgang pinaiwan niya yung payong ko para ito ang gamitin ko. Hay, sobrang laki nito," reklamo niya habang naglalakad siya.

Ilang hakbang lang ay nag-umpisa nang lumakas ang ulan kaya binuksan na niya ang payong na dala niya. Pagbukas niya dito at pagbalik ng tingin niya sa daan, nakita niya si Kris. Naglalakad at walang payong. mukhang pagod ito at walang pakialam sa ulan. Bigla siyang nag-alala para dito na baka magkasakit ito dahil walang dalang payong.

"baka tanggihan din niya ako kapag nag-alok akong makisukob siya sa payong ko," naisip ni Joyce.

Tapos nakita niyang dala rin ni Kris ang gitara niya at unti-unting nababasa ito sa lalagyan.

"bahala na, kung ayaw niya, saka ako aalis," desisyon niya at nilapitan niya si Kris.

Napakalakas ng kabog ng dibdib niya at alam niyang baka namumula na naman ang mga pisngi niya gaya ng dati tuwing nakikita niya si Kris pero naisip niyang hindi naman siguro ito mapapansin ni Kris dahil sa ulan.

First time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon