Chapter 6: Question and Answer Portion

63 0 0
                                    

"Talaga? Ako rin, mahilig sa pizza!"

Patuloy ang pag-uusap ni Pau at Joyce. Hindi man lang namalayan ni Pau na umalis ang kaibigan.

"Pau!" tawag ni Trina.

Lumingon si Pau nang nakataas ang dalawang kilay sa pagkagulat ng may biglang tumawag sa pangalan niya.

"O, Trina! Bakit?"

"Hi!" pilit na ngiti ni Trina kay Joyce sandali bago nagtanong muli kay Pau.

"Bakit parang matamlay si Kris?"

Nilibot ni Pau ang tingin niya sa buong klasrum at hinanap si Kris ngunit wala ito.

"Lumabas siya. Gusto niya daw mapag-isa," paliwanag ni Trina.

"Ewan ko. Hay nako, if I know, marami lang yung iniisip. Tambak na naman ang assignments niya eh, hindi lang sa academics," sabi ni Pau.

"Yun bang katabi mo?" tanong ni Joyce.

"Oo siya nga. Super busy kasi ng taong 'yun eh," paliwanag ni Pau kay Joyce.

Tumingin sa Trina kay Joyce nang nakataas ang isang kilay. pahiwatig lang niyang hindi kasama si Joyce sa usapan nila ni Pau tungkol kay Kris. At ayaw rin kasi ni Trina na may ibang babaeng nakikisawsaw kapag pinag-uusapan ang mga bagay-bagay tungkol kay Kris maliban kung siya mismo ang nagtanong.

"Excuse me lang, Joyce, ha?" pataray nitong sabi.

"Pau, halika sa labas at dun tayo mag-usap," hila niya kay Pau na hindi na nagawang makatanggi.

Nang wala na sila, nagsalita na si Izzy na kanina pa andun at hinayaan lamang mag-usap si Joyce at Pau.

"Huwag ka na lang magsalita o magtanong tungkol kay Kris kahit kanino KAPAG andiyan si Trina," sabi nito kay Joyce.

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi nagseselos siya," sagot ni Izzy.

"Sila ba? Si Kris at Trina?" tanong niya habang pakiramdam niya nagkagusto siya sa maling tao.

"Hindi. Pero si Trina, may gusto kay Kris at best friends sila," sagot ni Izzy.

Tumingin sa labas si Joyce para silipin sila Pau pero wala sila.

"Tingin ko, maganda naman si Trina. Wala bang gusto sa kanya si Kris?"

"Ewan ko. Basta ang alam ko, wala pang panahon si Kris sa mga ganyang bagay. Focused kasi siya. Ayaw muna niyang makipagrelasyon or magkagusto sa kahit sinong babae kasi busy siya sa studies niya and extracurricular activities," paliwanag ni Izzy.

"Hindi ba siya bading?" sabay labas ng dila ni Joyce na halatang nagbibiro.

"Hindi ah!" depensa agad ni Izzy.

"Ayie! May gusto ka sa kanya 'no?" pang-aasar ni Joyce.

"Actually," luminga-linga siya siya sa paligid at saka inaming may gusto nga siya dito.

"Pero hindi na bago 'yun kasi lahat naman ng girls dito sa school ay may gusto sa kanya. May paghanga sa kanya in one way or another," bulalas ni Izzy na my pagsisigurado.

"Lahat? Wow!" sabi na lang ni Joyce.

"Bakit ikaw? 'Wag mong sabihing wala?" usisa naman ni Izzy sa kanya.

"Well, aminado ako gwapo siya. Nakikita naman ng lahat yun eh pero..." biglang napaisip si Joyce.

"Pero ano? Pero marami ng may gusto sa kanya kaya ayaw mo ng umasa pa?" pagtuloy ni Izzy sa sasabihin ni Joyce.

"Hindi naman 'yun. Ang totoo nyan, presko at mayabang ang tingin ko sa kanya. Ayun, " pagtanggi ni Joyce sa tanong ni Izzy.

"Mayabang? Presko? Naku Joyce ha?! Baka kainin mo rin ang sinasabi mo. Hindi mo pa lubusang kilala si Kris. Sabihin na nating umiiwas siya sa mga girls na humahabol sa kanya pero natural lang naman 'yun, di ba? lalo na't ayaw niyang may nakakasagabal sa pag-aaral niya," depensa muli ni Izzy para kay Kris.

Sa pananalita ng bagong kaibigan, alam niyang hindi papatalo si Izzy sakaling sabihin na naman niya ang dahilan kung bakit 'yun ang tingin niya kay Kris.

"Ewan ko. Siguro nga hindi ko pa siya talagang kilala. Anyway, unang araw ko pa nga lang dito," sabi na lang niya.

"Eh kung wala kang gusto kay Kris. Siguro si Paulo ang gusto mo!" kinikilig na sabi nito.

"Huwag kang maingay!" bulong ni Joyce.

"So gusto mo nga siya?" tanong muli nito ngunit sa mas mahinang boses.

"Gusto ko siya..." sabi ni Joyce.

Kinilig muli at na-excite si Izzy pero bago pa man ang kung ano, inexplain muna ni Joyce bago mamisunderstand ni Izzy ang sinabi niya.

"... bilang kaibigan. Sa totoo lang, naaalala ko kasi sa kanya yung pinsan na best friend ko na rin sa Bulacan," paliwanang niya.

Napatulala si Izzy. Parang na-disappoint kay Joyce. Hayun at mukhang may gusto sa kanya ang isa sa mga campus heartthrobs pero wala man lang siyang excitement factor na nakita kay Joyce dahil dito.

"Kaibigan lang? Eh mukha ngang may gusto siya sa'yo," di pagsang-ayon sa nasabi ni Joyce.

"Hindi yun. Siguro interesado lang siya ngayon. I mean parang you know... human nature - curiosity. Those things?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I mean gusto lang niya akong makilala. Bago pa kasi ako, eh kaya he's interested to know things about me. Hindi dahil may gusto siya mismo sa'kin. Ayokong bigyan ng malisya 'yung pakikipagkaibigan niya. Bagong kakilala ko pa nga lang tapos kung ano-ano na ang iisipin ko? Isa pa, gusto ko siyang maging kaibigan. 'Yun lang," diin at pagpapaliwanag ni Joyce.

"Ikaw ang bahala. Pero trust me, kilala ko yang si Pau. Alam ko if may gusto or wala siya sa mga girls. Just the way he looked and smiled at you? Ha! I knew na," sabi ni izzy with a tone of certainty.

"Wow. ha! You must be psychic. My 6th sense ka ba?" pigil na taw2a ni Joyce sa sinabi ni izzy.

"Hai basta, makikita mo," pilit ni Izzy.

First time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon