Chapter 25

31.1K 394 49
                                    

At dahil naka-100k reads na ang Virginity List plus nag- #1 pa siya sa Chicklit, mag-uupdate ko. XD

PS. May upcoming story po ako. Konting promotion lang XD Ang title ay "When SHE Courted HIM". Nasa right side po yung picture. :)

_________________________

CHAPTER 25

[Kier’s POV]

12:00 am na.

Matutulog na sana kami ulit kaso wala pa si Emi. Asan na kaya siya? Kanina ko pa siya hinahanap eh.

Tsaka kahit pilitin ko rin ang sarili ko na matulog na, hindi pa rin naman ako makaktulog lalo na’t alam kong wala pa si Emi ngayon sa Room nila Marvelous.

Ano ba naman to. Mukha akong tatay/nanay na nag-aalala sa anak niya -__-

Lumabas ako at nagsimulang maghanap kay Emi. Pumunta ako sa lobby ng hotel pero wala siya. Dun din sa swimming pool, wala siya. Nagtanong-tanong din ako sa mga staffs ng hotel kung may nakita silang babaeng matangkad na maputi mahaba medyo brownish ang buhk at may magandang mata. Magandang mata na minsan at iisipin mong naka-contact lens siya pero hindi pala.

Nag-aalala tuloy ako para kay Emi. Baka mapaamak ulit siya. Katulad nung nangyari kanina. Muntik na siyang malunod. Paano kung mangyari ulit yun? Argh.

“Stop being a pessimist, Kier!” sabi ko sa sarili ko.

Aakyat n asana ulit ako pabalik sa hotel nang Makita ko ang napakagandang tanawin ng beach. Nakaka-refresh. Maganda sanang tumambay dito, noh?

Ma-aamaze na sana ako sa magandang view ng beach nang may napansin ako.

Okay, found her.

I found Emi.

Andun sila sa beach nagpapahangin kasama ni Kean. You’re so stupid, Kier. Bakit hindi mo naisip na magkasama nga ngayon si Kean at Emi? Tss.

Medyo masakit lang. Magkasama yung bestfriend mo at yung babaeng mahal mo. Tapos yung nakikita mong masaya sila sa piling ng isa’t-isa.

‘Bat kasi bumalik pa si Kean eh. I mean, oo, medyo masaya ako kasi bumalik siya, finally. And afterall, bestfriend ko pa rin naman siya and we’ve been together for a long time. Pero…sila ni Emi…ugh.

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon