Chapter 07

43.9K 438 25
                                    

Emieleen

Oh no. Anong kamalasan nanaman ba 'to? Ajujuju. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Wala nang atrasan 'to. Nandito na kami sa upuan ng roller coaster, eh. Ano pang magagawa ko?

"Hoy Kean pag ako talaga hindi na nakababa ng buhay pagkatapos neto mumultuhin talaga kitang mokong ka!" pagbabanta ko.

"Sige multuhin mo ako, okay lang. Normal lang naman sa isang first timer ang kabahan sa unang sakay niya ng roller coaster eh. Lalo na kung 'yong first timer na yun eh takot sa heights."

Ay. Mukhang sanay na sanay na si Kean dito sa mga rides, ah. Hindi na siya natatakot eh. Hay, sana ganun nalang din ako. Sana sa iba nalang ako natakot.

Nilagay na sa amin yung dambuhalang seatbelt. Maryosep. Hindi pa ako kinabahan sa buong buhay ko ng ganito. First time lang 'to.

Inalog-alog ko pa yung seatbelt para maniguradona okay ito at hindi ako malalaglag kapag nasa ere na kami.

"Relax, matibay yan."

"Malay mo..."

"Just trust me okay? We'll be fine." Relax? Seiously? Sinong hindi matataranta kung first time mo lang sasakay ng Roller Coaster at NASA HARAPAN PA KAYO NG KASAMA MO? Sige nga, subukan mong mag-relax 'non.

Maya-maya pa, naramdaman kong unti-unti ko nang gumalaw ang sinasakyan namin.

"WAAAAAA!" napahawak ako sa kamay ni Kean ng biglaan sa sobrang kaba.

"Paumpisa palang takot na takot ka na." Ewan ko sayo! Porket kasi sanay ka na sa mga ganito eh ang babaw na ng tingin mo sakin!

At naramdaman ko na ang biglang pagbilis ng sinasakyan namin.

Lord, ikaw na po bahala samin.

***

"WAAAAAAAA! WOOOOHOOOO!"

Up. Down. Up. Down. Ikot. Liko. Ikot ulit. Up Down. Up Down. Yan ang kasalukuyang ginagawa ng Roller Coaster na sinasakyan namin ngayon.

"WAAAAAAAA ANG SAYAAAAA!" sigaw ko.

Oo, ako na ang nagsabi niyan. Ewan ko nga eh, na-enjoy ko ng sobra-sobra 'tong ride na 'to. Ewan ko lang si Kean. Di ko makita mukha niya kasi tuwing lilingon ako sa direksyon niya, nililipad itong buhok ko papunta sa mukha ko. Di ko tuloy makita. Pero malamang nag-eenjoy na rin siya.

"ANG HANGIN! WOOOOHOOO!"

Maya-maya pa, naramdaman kong bumabagal na. Ay. Patapos na siguro. Nabitin ako, ajujuju. Round 2 pa po, please! Bigla na lang na tumaas yung mga seatbelts namin kaya naman bumaba na kami ni Kean.

"Ang saya sa Roller Coaster 'no?" masaya kong tanong sa kanya pagkababa namin. Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko, bigla nalang niya akong nabunggo. "Oh? Okay ka lang?" pag-aalala ko.

Inangat ko 'yong ulo niya at nagulat ako kasi sobrang namu-mutla siya. 'Yong tipong pati 'yong mga labi niya halos kulay puti na rin.

"T-teka wag mo sabihing—" hindi ko na napatapos yung sasabihin ko kasi bigla nalang na lumobo ang bibig niya. Oh no, Kean ano ba?!

"SANDALI LANG, KEAN. PIGILAN MO YANG SUKA MO, UTANG NA LOOB."

 Pero hindi niya na napigilan, kasi sumuka na talaga siya. 

"Phew." bulong ko sa sarili ko. Buti nalang bago pa tuluyang sumuka 'tong si Kean eh nakuha ko na 'yong paperbag na brown dito sa bulsa ko. Sinadya kong kumuha 'non dahil sa pagkaka-akala ko, ako ang gagamit nun. Hindi pala.

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon