Chapter 12

40.4K 349 16
                                    

“Wow...” Yan nalang ang nasabi ko nang makarating na kami ni Kean sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Basta dinala nalang ako niya ako dito eh.

“Amazing, huh?”

 

“Sobraaaaa.”

Nasa tuktok kami ng isang mountain tapos ang ganda ng view. Kitang-kita ko dito yung mga bahay sa baba. Tapos ang laki pa ng moon. Parang pwede ko siyang hawakan? Ganun din yung stars! Ang dami-dami nila! Tapos nararamdaman ko rin na may mga flowers dito sa kinatatayuan ko. Kaso hindi ko lang maaninag ng maayos kasi madalim na. Pero nilagyan ni Kean ng lights sa paligid kaya kahit papaano ay visible ito.

“I knew about this place because of Ate Miracle, dinala niya ako dito eh. Sabi niya sa akin, dito ko daw dalhin ang special someone ko kapag malaki na ako. At ngayong malaki na ako...tada! Welcome!”

“So....ako yung special someone na yun?” Nahihiya pa akong magtanong sa kanya.

“No.” Ayyy. Sabi na nga ba, dapat hindi ako masyado mag-assume!

  

“Nakasulat kasi dito sa Virginity List #6 na 'Have a dinner date on very special and unique place'. Well, I counldn't think of any other special places kaya dito nalang kita nadala.”

Ay, oo nga pala. A simple reminder to myself.

Wag mag-assume masyado sa ka-sweetan ni Kean. Ginagawa niya lang ‘to para sa Virginity List ko. Plus, he's a playboy. He do this to alot of girls.

“Halika, may ipapakita ako sayo.” hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. “Ay sandali, may nakalimutan ako.”

“Ano yun?”

 

“Close your eyes.” Bakit? Para saan pa? Surprise ba to? Baka kung ano nanamang gawin sakin ni Kean? Pero sinunod ko naman yung sinabi niya. Pinikit ko yung mga mata ko, para may thrill. Naglakad ako, habang si Kean yung nag-guide sa akin para hindi ako madapa or mapunta sa kung saan.

Pagkatapos ng ilang steps, naramdaman kong tumgil na kami. “Pwede na ba kong dumilat?”

“Sige, pwede na.”

  

Dahan-dahan ko nang idinilat ang mga mata ko. Sa umpisa ay parang blured pa muna ang paningin ko, pero nang magtagal ay unti-unti na itong lumilinaw.

“Wow...” yun nalang ulit ang nasabi ko. Nakaka-speechless kasi.

Merong table na nakaready dun, with candles, flowers, and stuffs. May mga naka-ready din dung mga plates, pati spoon and fork. Parang sa restaurant talaga. Except lang kasi nandidito kami sa mountain.

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon