Chapter 10

42.4K 453 19
                                    

Emieleen


Sandali! Ipapakilala niya ako sa family niya? Ngayon? Teka, nag-aalangan ako. Gutom na kasi ako, eh. Pwede bang kumain muna?


"Pero bakit mo ba ko ipapakilala?!" tanong ko.

"Syempre kailangan nilang makilala kung sino ang humihingi ng Isang Daang Libong Piso 'no."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat, "Sinabi mo sa kanilang humihingi ako sayo ng pera?!" Hindi na siya sumagot at ngumiti nalang.

Bigla akong namula dahil sa sobrang kahihiyan. Nako po, Emieleen. Ano na naman ba itong gulo na napasok mo?

"Siya ba yung tinutukoy mo, Kean?" 


Dinala ako ni Kean sa harap ng isang napakagandang babae. Ang ganda ng buhok niya at ng kutis niya. Nang makita ko ang ngiti niya, pakiramdam ko, nasa harapan ako ng isang anghel. 


"Yes, Ate." Ate? So, malamang relative niya 'to? Baka Pinsan? Or baka naman Ate niya talaga?

"Hi," ngumiti siya sa akin. "Emieleen Kate, right?"

"O-opo."

"Can I call you Kate instead?" 

Balak ko sanang tanggihan siya pero hindi ko nagawa dahil talagang nakakabighani ang ganda niya kaya para bang automatic ko nang nasabi ang mga salitang, "Okay lang po."

 "Okay, tapos na!" singgit ni Kean. "Okay na ate, napakilala ko na siya. Pwede na kaming umalis, di'ba? Bye!" sabi ni Kean habang dahan-dahan akong hinihigit papalayo sa ate niya.

"Relax, Kean. We'll just have a small talk. Nothing to worry about."

Gusto pa sanang umangal ni Kean pero hindi niya na nagawa kaya umalis na lang siya at iniwan muna kaming dalawa doon.

Nagsimula nang maglakad ang ate ni Kean kaya naman sumunod nalang ako. Kinakabahan ako, baka kasi kung anong sabihin niya sa akin, eh. Tahimik lang ang atmosphere namin ngayon dahil wala pang gustong magsalita.

"So, Kate. I'm Miracle nga pala. I'm Kean's sister."

Kapatid niya si Kean? Di halata. Kasi naman kung titignan mo si Ate Miracle ang ganda, ang bait, ang calm. Para siyang Angel kumbaga. Anong nangyari kay Kean?

"Ah, hindi ko po alam na may kapatid pala siya." sabi ko.

"I'm guessing it's because you don't see me around? Well, I used to go here, before. Pero nung 2nd year college na ako, I stopped."

Umupo kami sa isang bench dun. "Bakit naman po? Sayang naman yun. 2 years nalang rin naman."

"Well, mahabang kwento." naka-ngiti niyang sagot. Hindi ko na siya kinulit pang i-kwento 'yun dahil sa tingin ko ay pang-personal na lang 'to. "Alam mo ba, ikaw palang ang unang babaeng pinakilala sa akin ni Kean?"

Akala ko sana nagbibiro lang si Ate Miraccle pero hindi eh, seryoso ang mukha niya.

"Unang babae?" ulit ko.

"Yes, why?" Natatawa niyang sagot.

"W-Wala naman po. Hindi lang po kasi ako makapaniwala. I mean, palagi kasi pong maraming nakapaligid na babae kay Kean tapos...oops." Napatigil ako. Hindi ko dapat sinabi 'yun. Hindi ko dapat sinabi yun. Hindi ko dapat sinabi yun. Baka ma-offend si Ate Miracle! Nako, Emieleen, nako! Ikaw talaga, hindi iniisip ng mabuti ang sasabihin!

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon