Part Nine 1: DNA

5.8K 40 9
                                    

PART 9: DNA

PINILIT niyang maka-uwi ng araw ding iyon matapos ang exam. Kumain, naligo, at kinuha niya lang ang gamit sa bahay ng tita niya bago lumulan ng bus pabalik ng Cavite. Dala ng traffic ay mag-aalas-dyes na siya dumating sa compound. Tahimik at madilim sa palagid.

                Mahina siyang napamura. Takot siya sa dilim at napaka-malas niya dahil nakalimutan pa niyang mag-load kaya wala siyang mai-text ni isa man sa mga tao sa bahay. Ang alam pa naman ng ina ay kinabukasan pa siya makakauwi.

                Binilisan niya ang paglalakad upang makarating agad sa tanging may ilaw na parte sa compound, ang kanilang bahay. Dangan kasi’t tatlong bahay pa lamang ang nakatayo roon kaya wala pang gaanong liwanag na tumatanglaw sa madilim na daan.

                Nasa kalagitnaan na siya ng daan ng may humablot sa kanya patungo sa parteng damohan. Nabitn sa ere ang tili niya ng matakpan ng malapad na palad ang kanyang bibig. “Shh… ako ito,” ani ng pamilyar na tinig. Doon lamang siya nakahinga ng maluwang, dagling nawala ang kaba sa kanyang dibdib. “Anong ginagawa mo rito?” anas niya.

                “Hinihintay talaga kita, na-feel ko kasing uuwi ka…” tiningala niya ang mukha nito’t hinaplos ng kung ano ang puso niya. Na-miss niya ang mukhang iyon… ang maiitim na mga mata na may pilantik na mga pilik-mata, ang matangos na ilong, ang malambot at masarap na halikang mga labi… “Matutunaw ako niyan,” he said in a playful tone when he noticed her studying his face. She just smiled. Nais niyang itatak sa utak at puso ang bawat aspetong iyon upang may konkreto siyang ala-ala sa paghihiwalay nila kung sakali.

                “Did Julie know about the results?” ungkat niya. Hindi man tumutuloy sa bahay ni Neil… occasionally ay tumutungo doon ang babae bitbit ang sanggol.

                “Hindi, sa iyo ko unang pina-alam dahil kapag nalaman noon ay pupunta iyon kaagad dito. I don’t wanna see her!” tiim bagang na anito. Mali yata na itanong pa niya rito ang dating asawa—Well, asawa pa rin hanggang ngayon sapagkat hindi naman na-annul ang dalawa… naghiwalay lamang.

                “Ah… are we going to open that right now? I’m tired…” reklamo niya. Kahit gaano naman kasi siya kasabik na makita ito’y di niya mapigil ang pagdapo ng antok at pagod sa kanyang pagal na katawan.

                Marahan nitong hinagod ang buhok niya (seems like nahawa rin ito sa hobby ni Rick na paghaplos-haplos sa buhok niya), “Sige bukas nalang… let’s have a date before we go to that part, agree?”

                “O-okay!”

Nang maihatid siya sa gate ng bahay ay ginawaran niya ito ng mabining halik sa labi bago nag-doorbell. Nakangiting kumaway ito sa kanya bago tuluyang naglaho ang pigura sa dilim.

PAGOD man mula sa aktibidades ng nagdaang araw ay maaga pa rin siyang nagising kinaumagahan. Marahil ay dahil sa date nila ng lihim na nobyo bago ang final judgement—ang pagtuklas sa tunay na pagkatao ng baby na si Warren.

                Isang text mula sa lalaki ang nag-confirm na tuloy ang date nila ng araw na iyon.

                “Saan ka pupunta?” tanong ng ina ng makitang nakagayak siya.

                “Hah? Ah, ano—diyan lang sa mall mamasyal. Alam mo na… maglalabas ng stress!” palusot niya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya magawang umamin dito. Hindi dahil sa nahihiya siya sa relasyong pinasok kung hindi natatakot siya sa maaring maging reaksyon nito.

                “Ah, okay! May pera ka pa?” tanong nitong kinapa-kapa ang bulsa.

                “Meron pa, mama… sige po bye!” labag man sa loob niya ang magsinungaling dito’y pinili niya pa ring itago mula rito ang kinasusuongan.

SA SAKAYAN ay matiyagang naghihintay sa kanya si Neil. Muling sumilay ang simpatikong ngiti sa mga labi nito ng mamataan siya. “Saan ba tayo?” agad na tanong niya rito ng makalapit.

                “Kahit saan mo gusto.”

                “Hmmm… saan kaya?” kunwa’y nag-isip siya subalit ang totoo’y hindi mahalaga sa kanya kung saan siya nito dalhin basta’t kasama niya lang ito. ‘Owss? Eh, paano kung dalhin ka sa motel?’

                ‘Yikes! Manahimik ka nga diyan!’ saway niya sa nagtatalong isip. Mukhang nasosobrahan na siya sa kakabasa at kakasulat ng romance novels na may halong sexual scenes. Pati utak niya ay na-popollute at kung anu-ano ang naiisip.

                “Arliza?” untag nito  sa kanya.

                “Hah?”

                “Sabi ko I know a place in Tagaytay…”

                “Tagaytay, then…” pagkasabi niya noon ay nagpara kaagad ito ng taxi.

__________________

AUTHOR's Note: Pasensya sa delay ng posting nito... I'm suffering a dreadful pain (you know what I mean) alam mo yun, I lost all the inspiration... I even don't know if I should continue writing this... but since I had come this far, I am finishing... Sorry again for the delay, but due to the condition mentioned above, I am posting Part Nine in 2 parts... So, basically this is Part 1 of Part Nine...

Enjoy...

Vote, Share, like, comment and Lotsa love... Please support! I dunno what to do anymore...

Author's mood: SAD! 

A Beautiful Affair [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon