Part Four: Confessions and Rejection

7.4K 55 26
  • Dedicated kay Jheidz VD
                                    

DEDICATION: to Sister Heideventura... Yes, ikaw nga sister... Hehe! Salamat sa pagbasa, pag-vote, pag-comment at pag-support! Love yah!

PART 4: Confessions and Rejection

OFFLINE SI RICK ng i-send niya ang mensahe kaya naman hindi siya umaasa ng ganoong kabilis na reply. Matapos na matapos ma-sent ang message ay agad siyang nag-logout sa social networking site.

                Tila lutang sa kawalan ng humiga siya sa kanyang kama. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi na rin siya nakakapag-aral. Hindi na siya magtataka kung hindi siya papasa sa exam sa darating na July.

                Nasa kalagitnaan siya ng pag-mumuni muni ng tawagin siya ng ina. “Lizzzzzzzzz, labas dyan sa lungga mo may bisita ka!” sigaw nito. Marahil ay nasa sala ito at iniistima ang ‘bisita’ niya raw kaya hindi na nag-abalang pumunta sa kwarto niya… sumigaw nalang.

                “Sinoooooo?” balik sigaw niya habang sinusuklay ang buhok. Dyahe namang makita ng bisita niya ang wasted state niya.

                “Akooooooo!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Tinakasan siya ng kulay, humiwalay pa yata ang kaluluwa niya sa katawan.

                “Anong ginagawa nun dito? Hindiiiii!” ekseheradong bulong niya. ‘Lalabas ba ako? Haharapin ko ba siya? Ano kaya kung kunyari bigla akog nakatulog… bagong sakit ko. Ah, dapat kunwari naputulan ako ng paa kaya di ako makalabas ng kwarto, balik nalang siya pag ‘di na kami nakatira rito. Eh, pwedeng himatayin?’ Tila baliw na kausap niya sa sarili.

                “ARLIZA, ano ba? Naghihintay si Rick dito, oh!” naki-sigaw na  rin ang step-dad niya. Hindi pa rin siya tumitinag sa kinatatayuan. Nabuhusan siguro yun ng Rugby.

                ‘Paano bang humarap sa isang taong pinadalhan mo ng ganoong mensahe? Poohtik naman oh!’

                Napatapik siya  sa ulo ng may marinig na tatlong katok sa pinto. Isa na namang pamilyar na katok. “Shemmay!” mahina niyang usal.

                “Liz?” tawag nito. Noon lamang siya tila natauhan. She had to blink several times to get over with the shock.

                “Hah? Ah, sandali lang ‘wag mo bubuksan, nagbibihis ako? Ah, oo tama nagbibihis ako. Sandali lang…” aniya. Halos mataranta na siya sa pag-aayos ng sarili.

                Inhale… exhale… Ilang ulit niyang ginawa iyon bago hinayaan ang sariling pagbuksan ang walang kainip-inip niyang bisita.

                “Pwede na?” naka-ngiting tanong nito. ‘Naku naman nag-smile pa… halikan kita dyan eh!’

                “Ay hindi… Nakabukas na nga ang pinto, oh!” kaswal niyang wika.

                “Taray nito!” inakbayan siya nito saka tuluyang pumasok sa loob ng kwarto niya. Ilang beses na itong nakapasok doon pero ngayon lang siya na-conscious ng ganoon. Para siyang makahiyang nayupi at sibuyas na pinitpit.

                Inalis niya an pagkaka-akbay nito sa kanya’t umupo sa kanyang swivel chair paharap sa kanyang study table. “Anong atin?”

                Nagkibit balikat ito’t umupo sa kama paharap sa kanya. Mataman siyang pinagmasdan nito. Tila ba hinihigop siya ng mga titig nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang makipagtitigan dito. Ilang sandali rin tumagal ang titigang iyon hanggang sa kumurap si Rick.

A Beautiful Affair [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon