Part Fifteen: Happily ever after-a cliché ending?

6.5K 48 19
                                    

PART 15: Happily ever after—a cliché ending?

GANOON pala talaga pagdating sa larangan ng pag-ibig. Hindi palaging masaya ang magsing-irog. Naroon pa rin ang lungkot at sakit. Tulad na lang ng nangyari sa kanila ni Neil. Akala niya may happy ending ang love story nilang dalawa, but sadly she was wrong to think so.

                Kapag tadhana ang nagtakda, kahit gaano pa siguro kadeterminado ang dalawang tao ay wala ring kahihinatnan ang pag-iibigan nila.

                Ah, marahil nga’y hindi ito ang one true love niya… ang destiny o soul mate niya. At kung sino man ang taong iyon, dalangin niyang natagpuan niya na nga.

                Metikulosang pinagmasdan niya ng sarili sa nakasabit na salamin sa kaniyang dresser. Bawat detalye hanggang sa kaliit-liitan ay binubusisi.

                ‘Masamang maging maganda para sa araw na ito?’ nakataas ang kilay na tanong niya sa sarili.

                ‘Wala, ‘te, walang masama at sana’y magpakaligaya ka…’

                She beamed at herself in the mirror. Ang suot niya’y isang all white Denim dress na tenernuhan ng abuhing wedge sandals. Ang buhok niyang noon ay hanggang baywang na’t sadyang pina-kulot ay hinayaan niyang nakalugay, framing her thin oval face. Ang tanging cosmetic product sa kaniyang mukha ay lip gloss lamang. Simple, pero pakiramdam niya’y ang ganda-ganda niya.

                Dapat lang naman na maging maganda siya, hindi ba? Para sa magiging date niya ng gabing iyon, na sa pangalawang pagkakataon ay bibigyan niya ng matamis na ‘Oo’… This time ay officially at hindi lamang buyo ng pagkakataon.

                Hindi naglipat saglit ay narinig niya ang pamilyar na busina ng kotse ng binata. Subalit pinawi ng dismaya ang ngiti sa mga labi niya ng isang estranghero ang sumalubong sa kaniya ng buksan niya ang pinto ng apartment na halos isang taon na rin niyang tinutuluyan.

                “Sino po sila?” ‘Bakit gamit nito ang kotse ng mokong na iyon?’

                “Ah, pinapasundo po kayo ni, Sir… Hinihintay na niya kayo sa inyong meeting place,” magalang na yumukod ito.

                “Ganoon ba? Sandali…” agad niyang kinuha ang purse at nagmamadali ng sumunod sa lalaki pasakay ng kotse ng kaniyang date.

                ‘Ano na naman kaya ang pakulo ng lalaki na iyon?’

NASAGOT ang tanong niya ng humimpil ang sasakyang kinalulunanan sa isang hindi pamilyar na lugar. Napaganda noon… ang paligid ay napapalibutan ng mumunting ilaw na parang mga alitap-tap sa gabi. Sa paligid ay nagkalat ang petals ng mga sari’t saring bulaklak. Habang pumapailanglang sa atmospera ang musikang tinutugtog ng pianist na natanaw niya ‘di kalayuan sa kinatatayuan niya.

                Sa gitna ng lahat ng iyon ay isang pangdalawahang mesa. Marahan siyang lumapit papalapit, mangha pa rin sa mga nasaksihan. Sa gitna ng mesa ay three red roses.

                Parang may bikig sa lalamunang napaluha siya. She never had felt special all her life—aside from her mother’s TLC. This is the first time a man was doing this for her sake. To the extent na halos malula na siya, sa isip niya’y binubulong na baka panaginip lamang ang lahat ng iyon.

                Paanong hindi magiging panaginip iyon? Gayung parang sa pelikula’t mga nobela lamang nangyayari ang mga ganoon…

                Napalis ang agam-agam niya ng mula sa kung saan ay lumitaw ang pigura ng may pakana ng lahat ng iyon. Sa kanang kamay nito’y tangan ang pinaka-maganda na yatang bouquet na nakita niya—no, she isn’t exaggerating. Sa kaliwa’y isang furry animal na akala niya kahit kailan man ay hindi na siya magkakaroon.

                Mula sa pagluha ay marahan siyang natawa. Nakataas ang kilay na kumunot ang noo nito. Humihingi ng eksplenasyon sa kaniyang biglang pagtawa. Imbes na umusal ng paliwanag ay tinaasan niya lang rin ito ng kilay.

                How ironic? Ang stuff toy na ibinalik niya noon kay Neil—na ibinalik nito sa Love’s stuff—ay heto’t tanggan-tangan ni Christian. Is it a sign? Is it telling her something?

                “Hi!” simpatikong bati nito ng makalapit sa kaniya.

                “Hello!” ibinigay nito sa kaniya ang bouquet. “Thanks!” she whispered.

                Inalalayan siya nitong umupo, making sure everything goes right the way he wanted it to be.

                “This is for you!” kinuha nito ang bouquet at inilapag sa bakanteng silya upang maipatong nito sa kandungan niya ang Teddy Bear. “Like it?”

                “Ahm, this stuff toy…  kailan mo ito binili?” hindi nakatiis na tanong niya.

                “Kailan? Mga mag-iisang taon na rin ang nakakaraan, bago tayo pumasok sa Center. Na-Kyutan kasi ako, eh, kaya binili ko. Sabi ko sa sarili ko ibibigay ko ‘yan sa magiging girlfriend ko…” he winked at her and she felt her cheeks blushed.

                Sinasabi na nga ba niya… para sa kaniya ang stuff toy na iyon, at nakatakdang magkakilala sila ni Chris, nakatakdang maging girlfriend siya nito.

                Lalo siyang naging sigurado sa naging desisyon niya, sa sagot niya. “Oo na…” aniya saktong maka-upo ito paharap sa kaniya.

                “Huh?”

                “Sinasagot na kita…” she smiled sweetly yet shyly.

                “Finally!” mula sa kung saan ay narinig niya ang boses ni Krizza. May pagtatakang nilingon niya ito. Subalit hindi lang ito ang naroon, maging si Doc Maureen at ang kaniyang Best friend ay naroon.

                “Anong ginagawa ninyo rito?”

                Inginuso ni Krizza si Chris na nakatitig lamang sa kaniya. “Ginawa akong photographer niyang boyfriend mo. Dapat daw kasi every moment ng first ever official date niyo e ay captured para may memories siya. If I know, gusto niya lang magkaroon ng panakot sa daga,” tawa-tawang paliwanag nito.

                “Okay… eh, ikaw po Miss Maureen? Bezzie?”

                “Ako, ginawa akong waiter niyang BF mo…” naka-ngusong anito pero halata namang kinikilig.

                “At ako’y stand by dito dahil baka raw batuhin mo na naman siya ng kung anu-ano kapag nangulit siya ng matamis mong Oo,” nakangiting ani ng Doctor na naging saksi rin ng mahirap na pangliligaw ng makulit na lalaki.

                “Chris?” muli niyang binalingan ang binata.

                “H-ha?”

                “Sabi ko sinasagot na kita,” ulit niya sa naunang pahayag. Tila noon lamang iyon naging malinaw sa binata. Sumisigaw na parang tanga na nagpa-ikot-ikot ito sa kaniya.

                “O.A. mo, Baliw!”

                “Babes, ako na ang pinaka-maligayang lalaki sa mundo ngayong gabi na ‘to!” dumukwang ito’t hinalikan ang kaniyang noo. A sweet gesture that made her heart swells with joy.

                This… this is love; she had found a new love. Yung pagmamahal na walang pressure…

                “I love you…” mahina niyang usal. Sukat sa sinabi niyang iyon ay binuhat siya nito’t sinama sa tila batang pag-ikot-ikot nito sa ere. Good thing na magaan lamang siya…

                “I love you too…” pagkadaka’y anito, and they sealed their lips with a kiss.

                “And they live happily ever after!” panabay na turan ng tatlong audience nila. Napuno ng tawanan ang paligid ng romantic place na iyon.

                Ang unang saksi sa nagsisimula pa lang na love story nilang dalawa.

WAKAS

A Beautiful Affair [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon