Part Five: The nearly NAKED Prince

8.1K 69 34
  • Dedicated kay Tinz Case
                                    

DEDICATION: Ate tinz case, para sa iyo ang Kapitulong ito... Gapangan ever... Ay, masarap kayang ma-rape noon? Hehe *Winks*

PART 5: The nearly NAKED Prince

“SILA si Kuya Zeus, Kuya Reign, at Kuya Jeorge ninyo. Dyan sila tumutuloy sa bahay-bahay dyan sa likod, sa may garden habang hindi pa tapos yung exterior ng bahay.

                “Hello po,” panabay nilang bating magkakapatid maliban sa bunso na si Angie na nagtago sa likuran ng papa nito. ‘Marunong din pala matakot sa stranger ang batang ito…’

                “Ma, samahan mo ako sa room ko, inaantok pa ako eh,” ungot niya sa ina.

                “Sige Reign, tuloy niyo lang yang ginagawa ninyo,” baling nito sa mga trabahador bago muling ibalik ang pansin sa kanya. “Mga bata halina kayo sa loob para maayos ninyo na ang mga kwarto ninyo,” yakag nito sa iba pa niyang kapatid.

                Magkakabuntot silang pumasok sa loob ng bagong bahay.

NASA kalagitnaan siya ng mahimbing niyang tulog ng maalimpungatan. May narinig siyang kaluskos mula sa kung saang bahagi ng kanyang kwarto.

                Nang imulat niya ang mga mata’y una niyang nakita ang bintana. Madilim na sa labas kaya mahaba-haba rin ang naging  tulog niya kahit na medyo mainit dahil hindi pa nakakabit ang aircon niya. Sa kanilang magkakapatid ay siya lang ang naka-aircon dahil siya lang naman ang maarte pagdating sa temperature.

                Pinihit niya ang katawan paharap sa pinto at halos lumuwa ang eyeballs niya palabas ng kanyang eye socket ng mamataan ang isang pigura ng estranghero.

                “Ahhhhhhhhhhhhhhhh…” isang nakatutulilig at mahabang tili ang kumuwala sa lalamunan niya.

                Sino ba naman ang hindi magugulat sa itsura nito? Wala lang naman itong suot na pang-itaas bukod pa doon ay nakamaikling maong short lamang ito na mukha pang gutay-gutay. Naglakbay ang tingin niya sa katawan nito papunta sa mukha, ‘Gwapo!’ Ito ang tipo ng lalaking pagpapantasyahan ng mga bading at… niya!

                Muli siyang napatili sa naisip.

                ‘Rapist ba ito? Maisusuko na ko na ba ang bataan? Whaaaa… Nakakabaliw naman ang Abs nito.’

                “Hey… hey… ang ingay mo pwede ba tumigil ka na kakatili dyan,” maangas na bulaslas nito. Napangiwe siya ng magsalita ito, wala na ang Godly greek illusion niya napalitan ng mala-bruskong tambay sa kantong aura ang estranghero sa harapan niya.

                “W-who are you?” nginisihan lamang siya nito. “Hey, I’m talking to you, sino ka ba? Lumabas ka nga ng kwarto ko, rapist!” lalo niyang ibinalot sa kumot ang katawan.

                O.A. kung tutuosin dahil fully cloathed naman siya’t wala namang dapat na itago pero gusto niyang makasigurado. ‘Masamang maging sure?’

                Mula sa kung saan ay biglang sumulpot ang mama niya. “Oh, bakit ka tumitili dyan?” walang ka-concern concern na tanong nito.

                Bulag ba ito? Hindi ba nito nakitang may isang macho stranger sa kwarto niyang ang get up ay parang yagit gayung mukha namang anghel?

                Inginuso niya rito ang greek god na nakatayo pa rin sa pwesto nito simula kanina. “Ah, pasensya ka na sa kaingayan ng anak ko, Neil hah?” nginitian pa nito ang lalaki.

A Beautiful Affair [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon