Chapter 32: Promise

39.1K 1K 43
                                    

Promise is declaration or assurance that one will do a particular thing or that a particular thing will happen.

*****

Chapter 32

"I will always catch you everytime you fall from heaven my Angel."

Hinihingal akong napamulat mula sa pagkakatulog. Napapaginipan ko na naman ang dalawang tao na nasa lilim ng kahoy sa ibabaw ng burol.

Kaibahan lang ngayon ay hindi na malabo ang mga mukha ng dalawa. It was me and Rave at nakakasigurado akong isa iyon sa mga nawawala kong memorya.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina at uminom ng isang basong gatas baka sakali ay makatulog ako ulit.

Pero lumipas na lang ang isang oras ay pabaling-baling lang ako sa kama. Mag-aalas kwatro na ng umaga kaya bumangon na lang ako ng tuluyan.

Nagpasya akong magluto na lang ng agahan. Namiss ko rin kasi ang magluto dahil hindi naman ako nakakapagluto sa mansyon. Hanggang linis, timpla ng kape at pag-aayos sa hardin lang ang ginagawa ko.

Pagka-alala sa mansyon ay naalala ko rin tuloy ang mga naging kaibigan ko roon. Kamusta na kaya sila? May nag-aasikaso kaya sa hardin?

Sana lang, meron.

Nagtimpla ako ng kape at lumabas sa mini garden namin. Ang mama ko ang gumawa nito at nung mawala siya ay ako na ang nag-aasikaso.

Nagliliwanag na ang buong kalangitan ng magising ang papa ko. "Krish? Ang aga mo yata nagising?"

"Nanaginip kasi ako pa at hindi na ulit ako makatulog," sagot ko.

Bumakas naman bigla ang pag-aalala sa mukha ng aking papa. "Sumakit ba ulit ang ulo mo?"

Umiling ako. "Huwag na po kayong mag-alala. Okey, lang po ako. Sa katunayan nga po ay nagluto pa ako ng agahan."

"Hmmm... kaya pala nakaamoy ako ng mabango. Sa wakas ay makakain na rin ako ulit ng mga niluto mo. Baka malason na talaga ako ng tuluyan sa mga luto ng kapatid mo na kung hindi pagod ay hilaw naman." Nagtawanan kaming dalawa.

Ilang minuto ay gumising na rin ang kapatid ko kaya sabay-sabay na kaming nag-agahan.

"Krish, may ibibigay pala ako sayo mamaya," saad ng papa ko.

"Ano naman po?"

"Mga iniingitan mong gamit noon," sagot ng papa ko na ikinalito ko. Wala kasi akong matandaan na may mga gamit pa pala akong nakatago bukod sa mga gamit ko na nasa kwarto.

Pagkatapos ng agahan ay tumungo ng kanyang kwarto ang papa ko at kukunin daw niya ang ibibigay niya sa akin. Paglabas niya ay may dala-dala na siyang malaking kahon.

"A-ano po yan?"

"It's yours. Lagayan mo ng mga importanteng bagay noon bago ka nagka-amnesia," sagot niya at iniabot sa akin ang kahon.

May nakalagay na "Priceless Possession" ang takip ng kahon. "Sa kwarto lang po ako pa," paalam ko.

Pagkapasok ay agad ko itong binuksan. Puno ng kung anu-anong gamit ang loob na hindi ko matandaan kung saan ko nakuha. May libro, stuffed toys, wrapper ng cocolate at kung anu-ano pa.

Napansin ko ang isang album kaya yun ang kinuha ko at binuksan. Puno ng mga litrato ko ang loob. Kagaya ito sa mga litratong nakita ko sa penthouse ni Rave.

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon