Chapter 25: Crazy

63.7K 1.6K 71
                                    

Crazy is mentally deranged, especially as manifested in a wild or aggressive way.

*****

Chapter 25

"You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are grey. You never know, dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away," rinig kong kanta ng isang malamyos na tinig. Napatigil ako sa paglalakad ko ng makita ko ito na naka-upo sa lilim ng kahoy sa sekretong lugar namin at nakatanaw sa kapaligiran.

Ang akala ko ay may klase ito ng ganitong oras, kaya nga ngayong oras ako nagpunta. Oo, tama kayo. Iniiwasan ko siya mag-iisang linggo na, just like what I said. Tatalikod na sana ako para umalis na lang ng lumingon naman ito at nakita ako.

"Rave!" tawag nito. Isang tango lang ang sinagot ko at pinilit kong maging seryoso ang pagmumukha ko. Tumayo ito at lumapit sa akin na nakangiti. Mas nagliwanag tuloy ang buong paligid at mas tumibok ng mabilis ang puso ko. That's how her smile affected me.

"Ang tagal mo nang hindi pumupunta rito ha," saad nito.

"Just busy," malamig na sagot ko. Tumango lang ito. "Ah sige, aalis na ako. Nakalimutan kong may pupuntahan pa pala ako," pagsisinungaling ko.

Magsasalita pa sana ito pero inunahan ko na ng pagtalikod. Ikinuyom ko ng mahigpit ang kamao ko para mapilit ang mga paa kong humakbang papalayo rito. I felt her stares in my back. Kaya ng nakakalayo na ako ay hindi ko maiwasang lumingon.

Parang piniga ang puso ko sa nakikitang kalungkutan sa mga mata nito. Gusto kong tumakbo pabalik rito at pawiin ang lungkot nito at palitan ng ngiti. Pero bumalik sa isip ko ang sinabi ni Akari sa akin na nagpamulat sa akin sa realidad.

"Alam kong lage kayong nagkikita ni Krish. Hindi man niya sinasabi sa akin pero nakikita ko naman sa kilos at mukha niya. At sa nakikita ko sayo, malapit ka na sa bagay na yun. Alam kong wala akong karapatan na sabihin ito dahil buhay niya ito pero matalik ko siyang kaibigan kaya please Adrian, layuan mo si Krish. Alam mo naman kung ano tayo diba at lalong-lalo ka na. You will be the next Primo kaya malapit ang kapahamakan sayo. And for goodness sake you had a fiancee. Ayaw ko lang mapahamak ang kaibigan ko. Her goodness and purity doesn't belong in our world."

And she's right. Kaya mas nakumbinsi akong tama itong ginagawa ko ngayon. Kahit naman hindi nito sabihin ay gagawin ko parin ang pag-iwas rito.

*****

"Ikaw na bahala sa mga investors. Make sure you will close the deal," saad ko sa representative ko sa kompanya. Kahit kailan ay hindi ako nagpapakita sa mga empleyado at mga ka-business partner ko. May representative lang akong pinapadala. They just know my name but they don't know me.

It's the rule of the Primo to keep low profile to the public. Mahirap na malaman ng maraming tao kung anong klase ang pamilya namin. I'm using my mother's maiden name here in WU. Kahit naman doon sa London, kaya kahit isa sa mga kaklase ko ay hindi alam na isa akong Silvestri.

Patuloy lang ako sa paglalakad sa hallway habang nakikipag-usap sa cellphone kaya hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako. "Aray!" daing ng pamilyar na tinig. Nagkalat rin sa sahig ang dala-dala nitong libro.

"Are you okay mi...," hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng mag-angat ito ng mukha. "Krish," bulong ko sa sarili.

"Oh Rave, ikaw pala," masiglang saad nito. "Pasensya na hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko," sabay yuko at pulot sa mga librong nagkalat. Habang ako ay nakatayo lang doon at tinitingnan itong nagpupulot.

Oh fuck! I miss her so much.

Mag-iisang buwan na kasi na hindi ko ito nakikita pero lage ko naman ito nakikita sa isip ko. Tumayo na ito pagkatapos na hindi ko man lang natulungan.

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon