Chapter 30: Forgotten

52.1K 1.2K 139
                                    

Forgotten is to cease or fail to remember; be unable to recall.

*****

Chapter 30

Binuksan ko ang kahetang inilapag ni Nate sa office desk ko. Napangiti ako sa perpektong pagkagawa ng kwentas.

It's a white gold necklace with an angel wing pendant. It's perfect for my Angel. She will be celebrating her debut this saturday and I want it to be perfect for her.

Kahit sabihin pa niya na ayaw niyang magagarbong selebrason ay gusto ko parin maging espesyal ang kanyang magiging kaarawan.

"Okey na ba ang lahat?" tanong ko kay Nate.

"Huwag kang mag-alala, okey na okey na ang lahat. Sigurado akong magiging perpekto at espesyal ang araw ng debut niya."

Kinuntyaba ko na rin ang mga magulang niya para sa gagawin kong birthday surprise. I will make sure that this will be her happiest birthday.

*****

Bakas sa mukha niya ang saya at gulat. "A-ano ito? Diba sabi ko naman na ayaw ko ng magarbong celebration," tanong niya sa kanyang mga magulang.

"Itanong mo yan sa boyfriend mo," nakangiting sagot ng kanyang ama.

Nagtatanong mga mata siyang lumingon sa akin. "Rave?"

Ngumiti ako at inilahad ang aking mga braso sa kanya. "Surprise!"

Tumakbo siya sa akin na agad ko namang niyakap. "You like it?" tanong ko.

Naramdaman ko ang kanyang pagtango. "Hindi lang gusto, gustong-gusto."

"Happy birthday, Angel," bati ko ulit.

Kumalas siya ng bahagya at tiningnan ako sa mga mata. "Salamat," taos pusong saad niya sa akin at saka ako hinalikan sa mga labi na agad ko naman tinugon.

Tumigil lang kami ng makarinig kami ng tikhim. Nilingon namin ang ama niyang masamang nakatingin sa akin. Napatawa na lang kami pareho.

Matapos ang inihanda kong party para sa kanya ay binigyan kami ng oras para sa isa't isa ng kanyang pamilya. Naka-upo kami ngayon sa lilim ng kahoy sa itaas ng burol.

Nasa gitna ko siya naka-upo, nakasandal sa aking dibdib. Nakayakap rin ang mga braso sa kanya habang pinagmamasdan namin ang mga bituin sa langit.

"Hindi ko pa pala nabibigay ang regalo ko sayo," saad ko.

Nilingon niya ako. "Rave, sobra-sobra na na regalo ang ibinigay mo ngayon."

"But I want to give this to you," sabay bigay ko sa kanya ng itim na kaheta. Binuksan niya ito at napasinghap.

"Rave, hindi ko ito matatanggap."

Isang white gold necklace na may angel wing ang aking niregalo sa kanya. Pinasadya ko pang ipagawa ito sa isa sa pinakasikat na jewelry store sa mundo.

"Angel, it's my gift for you and I take no for answer."

"But..."

"No buts, okey. I want you to wear this always because it is my sign to you are mine." Kinuha ko ang kwentas at sinuot sa kanya.

"Ang ganda. Saan mo ito nabili?"

Ngumiti lang ako. Ayaw kong sagutin ang kanyang tanong dahil baka lalong hindi niya ito tatanggapin. "Huwag mo ng itanong. Just give me my thank you kiss," sabay kindat ko.

"Hay naku Mr. Silvestri, hindi mo na ako kailangan pang regaluhan para makakuha ka nga halik sa akin," naka-pout na saad niya.

Tumawa ako pero bigla rin nagulat ng kabigin niya ako st siniil ng halik. "Thank you," bulong niya sa labi ko.

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon