Chapter 23: Smile

66.8K 1.6K 70
                                    

Smile is to make the corners of your mouth turn up in an expression that shows happiness, amusement, pleasure and affection.

*****

Chapter 23

Ito na naman ang puso ko, tumitibok ng mabilis. Hindi ko alam kung may sakit ba ako sa puso o wala. Kailangan ko na nga sigurong magpatingin sa private doctor namin.

"Akari, kung makahila ka naman kay Krishna parang tanggalan mo na ng kamay ha," biro ni Sachihiro sa kapatid. Napabaling agad ang tingin ko kay Sachihiro ng banggitin niya ang pangalan ni Krishna.

So, kilala niya si Krishna.

Hindi ko alam pero parang may panibugho akong naramdaman sa nalaman. "Okey lang kuya Sachi. Hindi naman malakas," nakangiting saad ni Krishna.

Oh fuck! She has an angelic sexy voice.

Hindi ko tuloy matanggal-tanggal ang tingin ko sa kanya na nakangiting kinakausap si Sachihiro.

What a lucky bastard!

"Adrian-kun? Ano naman ang ginagawa mo rito at kasama mo itong chickboy kong oniisan?" baling sa akin ni Akari ng mapansin ako. Bigla tuloy nabaling rin sa akin ang tingin ni Krishna. Dumoble yata ang epekto ng magkatagpo ang aming mga mata sa pangalawang pagkakataon. Mas kita ko ngayon ang kulay tsokolateng mga mata niya. Nakakunot rin ang kanyang noo, siguro namumukhaan ako.

"Ano ka ba Akari, mas chickboy nga itong si Adrian kaysa sa akin. Ang daming kayang babae nito," tanggol ni Sachihiro sa sarili.

"Hay oniisan, iba ang chikboy kaysa nilalapitan ng babae," pairap niyang saad kanyang kapatid. "Ay Krish, I want you to meet the grandson of one of my father's friend, si Rave Adrian. And Adrian, this is Krishna Lane De Silva, my bessy."

"Hi!" nakangiting bati niya sa akin at saka inilahad ang kanyang palad. Bigla tuloy lumiwanag ang buong paligid sa kanyang ngiti.

Damn Adrian! Ano bang nangyayari sayo? You look like a dumb fool.

Parang tanga lang kasi akong nakatitig lang sa nakalahad na kamay niya, nag-iisip kung gaano kalambot ang kanyang palad at balat. "Ang snob mo parin kahit kailan Adrian. Pagpasensyahan mo na siya Krish, hindi lang talaga yan palakaibigan," saad ni Akari sabay hila sa kamay ni Krishna na nakalahad.

"A-ano ka ba Akari, okey lang," saway niya sa kabigan.

Magsasalita na sana ako para itama ang inaakala niya ng unahan ako ni Akari. "Oniisan, hatid mo na kami sa mall. Baka mahuli kami sa movie."

"Oh siya, siya. Mauna na kami sayo Adrian. Ihahatid ko muna itong dalawang ito," paalam ni Sachihiro sa akin.

"Gusto mong sumama?" tanong ng isang mala-anghel na tinig. Gulat akong tumingin ulit sa kanya. Nakamata at napatigil naman ang dalawang magkapatid sa kanyang sinabi. "Ahmm... K-kung gusto mo lang naman."

Tumahimik ng ilang segundo bago umalingawngaw ang tawa ni Akari habang si Sachihiro naman ay nagkangiti at napapa-iling. Pinaningkitan siya ng kaibigan. "May nakakatawa ba sa sinabi ko Akari?"

"Hindi ko lang kasi maimagine si Adrian na nanonood ng sine at love story pa yung palabas. Alam mo Krish, hindi pumupunta sa mga ganyan si A..."

"I'll go," putol ko sa sinasabi ni Akari. Nakangangang napabaling siya sa akin at nanlalaki ang mga mata. "I just use my car. Susundan ko na lang kayo," dagdag ko bago tumalikod pero dinaanan ko muna ng tingin ang unang babaeng mukhang hindi na-iintimidate sa akin.

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon