Chapter 6: Faint

74.6K 1.8K 59
                                    

Faint is a condition of temporary loss of consciousness as a result of an inadequate flow of blood to the brain.

*****

Chapter 6

Nag-uunat ako ng katawan mula sa mahaba-habang pagpuputol ng mga damo. Malapit ng mag-dilim, hindi ko man lang namalayan ang oras. Napadako ang tingin ko sa paparating na tao. May bitbit itong dalawang basket na puno ng mga gulay. Lumiwanag ang mukha ko ng makilala ang paparating. "Ka Esther!" sigaw ko sabay kaway sa kanya.

Tumingin sita at isang tango lang isinagot bago nagtuloy sa likod ng mansyon. Napangiti ako. "Okey na rin kaysa hindi ako pansinin," kausap ko sa aking sarili. Nagpasya na akong pumasok sa loob. Naabutan ko pa si Ka Esther na ibinibigay ang dalawang basket sa isang lalaking katulong.

Nang gabi iyon ay inatasan akong maghintay sa front door para salubungin ang Primo. Wala pang limang minuto ay nakita ko na ang papalapit na sasakyan. "Okey Krish! Huwag kang nerbyusin dapat kalma lang," pagpapa-gaan ko sa kinakabahan kong sarili. Napaka-intimidating naman kasi ng dating ng Primo.

Mas lalo pa akong kinabahan ng huminto na ang limousine at lumabas  ang butler niyang si Nate at pinagbuksan agad ang Primo. Pinagtakpan ko na lang ang nerbyos ko ng isang ngiti habang papalapit na siya sa akin. "Magandang gabi po Primo!" sabay yuko. Nilagpasan niya lang ako na hindi ako sinusulyapan.

Ano bang problema ng mga tao rito, hindi man lang marunong bumati pabalik.

Pag-angat ko ay nagulat pa ako na nasa harapan ko pa ang kanyang butler. "Magandang gabi," bati ko rin sa kanya at hindi na naghintay pa ng balik na pagbati. Kaya laking gulat ko ng siya ay magsalita.

"Same to you too," saad niya. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Kumurap-kurap pa ang aking mga mata sa nakitang kunting ngiti sa kanyang mga labi. "Mukha ka yatang nakakita ng multo ha," amused pa niyang dagdag.

"Oh heaven! Am I dreaming?" naibulalas ko.

Tumawa lang siya ng mahina. "Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan. Akala mo siguro lahat ng mga tao rito hindi mo makikitaan ng emosyon noh?" Tumango lang ako. "They had emotions, they are just good in hiding it. But unfortunately for me, I suck on it. Nung bigla mo nga lang akong ngitian kaninang umaga ay natibag mo na agad-agad."

"Bakit ganun? Isa rin ba yun sa batas rito sa mansyon. Eh bakit wala naman akong nabasa?"

Nagkibit balikat siya. "Hindi mo na kailangang malaman pa. Pansamantala lang ang paninilbihan mo rito, hindi katulad sa amin," makahulugang niyang sagot na ikinakunot ng noo ko. "And it's really refreshing to see someone smile."

Maraming mga katanungan ang gusto kong itanong pa sa kanya pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Diba Nate ang pangalan mo?"

Tumango siya. "I'm Nathaniel, Nate for short Miss Krishna Lane De Silva. Am I right?"

Napasinghap ako ng alam pala niya ang buong pangalan ko. "P-paano mo alam ang pangalan ko?" Isang kindat lang ang isinagot niya. Mas lalo tuloy siyang naging gwapo.

"Kailangan ko nang sundan ang Primo baka mas lalong iinit ang ulo nun. Pakibigay mo na lang ito kay Mila at siya na ang maglalagay rito sa opisina ng Primo," sabay bigay niya sa attaché case sa akin. "Mauna na ako sayo," paalam niya bago pumasok. Kahit papaano ay gumaan ng konti ang bigat na nararamdaman ko.

Pagkatapos kong maibigay kay Mila ang gamit ay umakyat na ako sa aking silid. Tapos na rin naman ang trabaho ko sa araw na ito dahil nakapag-hapunan na daw ang Primo sa labas. May pagkain na rin sa labas ng kwarto ko. Pagkatapos kumain at maglinis ng katawan ay nagsuot na ako ng pantulog. Mabuti na lang at dinala ko ang paborito kong pajama, mas komportabling kasing matulog kapag suot ko ito.

Malalim na ang gabi ay hindi parin ako dalawin ng antok. Namamahay siguro ako, nakatulog lang naman ako kagabi dahil sa pagod. Napagdesisyunan ko na lang tumayo, kanina pa kasi ako pabaling-baling sa aking higaan. "Magpapahangin na lang siguro ako."

Binuksan ko ang bintana at ninamnam ang malamig na hangin, napakatahimik ng paligid. Tumingala ako sa langit at natuwa sa nakitang napakaraming bituin kaya lang hindi ko makita ng buo ang buwan. Sayang at full moon pa naman ngayon. Napapitik ako sa aking daliri ng maisip ko ang malawak na balkonahe na nakita ko kanina ng nasa hardin ako. Doon nakakasigurado akong makikita ko ng maayos ang kalangitan at buwan.

Dahan -dahan akong lumabas ng kwarto at tinahak ang daan patungo roon. Mabuti na lang at may lampara akong nakita sa loob ng kwarto. Ilang liko ang ginawa ko bago ko marating ang balkonahe. "Wala naman siguro makakakita sa akin rito. Mukhang tulog na yata ang lahat," bulong ko.

Dahil may pagkanipis ang suot kong pantulog ay hindi ko maiwasang manginig ng umihip ang hangin. Niyakap ko na lang ang aking sarili at tiningala ang napakalawak na kalangitan na mas maliwanag ngayon dahil sa buwan. Naisip ko tuloy yung mama ko, lage kasi kaming tumitingin sa buwan at mga bituin sa langit noong bata pa ako bago ako nito pinapatulog. Minsan nga pag may dumaang bulalakaw ay nag-wiwish kami ng sabay. Nagpakawala ako ng mahabang hininga.

Mga ilang minuto ang lumipas ay medyo humahamog na kaya nagdesisyon akong bumalik na sa kwarto. Pero bigla na lang tumaas ang balahibo ko sa batok ng maramdaman kong hindi lang ako nag-iisa.

Dahan-dahan kong pinihit ang katawan ko para mas lalong lang kabahan. In front of me, standing on his glory under the moonlight, is the owner of the coldest eyes I ever seen. At ikinapanganga ko pa ng mapagtanto na hubad ang kanyang pang-itaas at hindi man lang alintana ang malamig na hangin.

He looks like a god descending from Mt. Olympus. Hindi na maikapagtataka na maganda rin ang hubog ng kanyang katawan. Those hard muscles and abs that makes him look more attractive and the same time dangerous.

"What are you doing here?" matigas niyang tanong na ikinatigil ko mula sa pagsusuri sa kabuoan niya. Bigla yatang uminit ang pisngi ko ng mapagtanto na matagal pala akong nakatitig sa kanya.

Lumunok muna ako ng maka-ilang ulit para makapagsalita ng maayos pero walang namutawi sa bibig ko. As if like I was hypnotize by his beauty.

He started to walk slowly to me like a predator who had trap his prey. Napaatras tuloy ako. And for the first time, I saw him smirk. Kahit na ba wala paring mababakas na emosyon sa kanyang mukha.

Napapitlag pa ako ng maramdaman ko ang pasimano ng balkonahe. Wala na pala akong kaka-atrasan pa. Namalayan ko na lang ang sarili ko sa gitna ng kanyang mga braso na ngayon ay nakatukod na sa pasimano. At sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto kong himatayin.

*****

-LG-

03-03-15

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon