Chapter XXII

28.2K 668 58
                                    

Chapter XXII

Annette's POV

Halos dalawang linggo ang mabilis na lumipas, walang Gordon na nanghaharas sa akin. Mabuti naman.

Mabuti nga ba?

Napasimangot ako sa isiping baka naman may bago na itong kinakalantari ngayon.

Tumpak! Pana panahon lang talaga yan girl. Lipas ka na.

Bwiset. Pati naman sarili kong konsensya kinakalaban ako.

"Hoy babae, dadating ang fafa ko mamaya, maglamyerda ka muna sa bayan, tatawagan na lang kita pag tapos na kami. Ayyy! I can't wait!"

Eeww!

"Ok mamita. Kailangan ko rin puntahan si bell may bagong design akong ipapagawa." Linggo ngayon at wala akong work.
Buti pa si baklita may love life.
I decided to move here with mamita na nga pala. Nagkasundo kami na magbabayad ako ng renta sa kanya.
Bukod sa nakiusap sa akin yun landlady sa apartment ko na kailangan ko nang umalis dahil nga sa walang titirhan yun junakis nyang nagtanan at nakabuntis.
My God mga bagets talaga ngayon!

Nag ring ang cellphone ko at napangiti ako kung sino iyon.
Si attorney Anton.
Sa maikling panahon na pagkakakilala ko dito nakapag open up ako dito tungkol sa buhay ko. Siguro nga ay dahil sa abogado ito ay mabilis nitong napag aralan ang pagkatao ko. Na tuwing nagkakausap kami ay para akong laging nakasalang Sa isang crossed examination.

"Hello Anton?"
"Miss Agustin, are you free today for lunch? May gusto lang i-discuss sayo."
"Sure."
"Ok I'll meet u up at the hotel's restaurant."
Tut tut..

Seriously? Binabaan nya ako. Napapailing na napatingin na lang ako sa cellphone ko.

Okay na rin naman na hindi ito nagpapakita ng malicious interest sa akin. Bussiness lang talaga kumbaga.
Tiningnan ko ang oras, It reads 10:30.
Tumayo na ako para makapag handa sa lunch meeting ko. Maaga naman akong nag shower kanina so make up and change outfit lang ang kailangan kong gawin.
In the end I decided not to put any make-up. Naii-stress na ang feslak ko sa make up. I just wore a maong damage short and a white tank top. Inilugay ko ang wavy kong buhok at nagsuot din ako ng specs. Kailangan ko pa ring mag ingat.

"Bongga talaga ang mga arrive mo Annette kahit anong isuot, bruha! Bilisan mo, lumayas ka na bago pa dumating ang jowa ko. Baka maakit pa yun sayo."
Ipinagtulakan ako ni mamita sa pinto.

Bruhang bakla na to! Muntik na akong matapilok sa ginawa nito. Suot ko pa naman ang pamatay kong red high heels.

"Oo na, tawagan mo ako pag tapos ka nang gawin yan milagro mo ha." Pabiro ko pa dito bago tuluyang lumabas ng bahay..

Nagulat ako sa dinatnan ko sa restaurant ng hotel.

"Happy Birthday miss Agustin." Nakangiting bati ni Anton sa akin sabay abot ng isang magandang flower bouquet.

"Oh my God! Thank you Anton. How did you know?" Hindi ko mapigilan hindi mapa luha. Ilang taon na ba akong hindi nagse celebrate ng birthday ko? Kahit ako sa sarili ko ay nakalimutan kong birthday ko pala.
Nagkibit ito ng balikat at ipinaghila ako ng upuan.

"Nabanggit mo sa akin, nakalimutan mo na ba?" Natatawa pa nitong wika.

Umiling ako. Wala akong maalalang binanggit ko sa kanya ang birthday ko, pero nagpapasalamat ako ng sobra.

Naging masaya naman ang birthday surprise sa akin ni Anton. He even ordered a birthday cake for me.
Kung may ibang makakakita sa amin ay mapagkakamalan kaming couple.

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon