Chapter V

62.7K 903 23
                                    

Chapter V

Gordon's POV

Inihatid ko si Annette sa apartment nito pagkatapos naming mag lunch sa resto ni allan bago ako nag diretso sa bahay.
Hindi pa talaga kumpleto ang tulog ko at Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

"Gudo dude balita ko kasama mong nag lunch yun friend ni Inday na GRO?" Pang aasar ni Rod.

Itinaas ko ang middle finger ko dito.
Alam kong si Allan ang nag chismis ng tungkol doon.
Ano bang ginagawa nito dito?
Naabutan ko ito dito at naka prenteng nakahiga sa sofa ko kanina ng dumating ako.
Sa sofang kanina lang ay nakahiga pa at mahimbing na natutulog si Annette.

Masyado talagang feel at home ang gago. May spare key ito ng bahay ko kaya nakakapasok ito kahit kailan nito gustuhin sa bahay ko.
Sa aming magkakaibigan ay masasabing mas close kami ni Rod. Parang si Allan at Caloy sila ang mas malapit pero ngayon wala si caloy ay kay inday ito napalapit.

"It was nothing, tinulungan ko lang yun tao, that's all." Walang anumang sabi ko dito.
Siguro ay uulanin ako dito ng tukso kapag nalaman pa nito ang pagpapatuloy ko kay Annette dito sa bahay ko..
Naisip ko na naman yun pagma maria'ng palad ko..

"Eh anong iniisip mo ngayon at hanggang tenga mo namumula?"

"Lul! Ano bang ginagawa mo dito, wala ka bang duty?" Pag iiba ko ng usapan. Napahawak din ako sa tenga ko, at totoo ang init lang nito.

"Wala, pang night shift ako." Tumingin ito sa hawak kong paper bag at hinablot iyon.

Bago ko pa ito napigilan ay nailabas na nito ang t-shirt kong ipinahiram kay Annette.

"Akala ko makakain damit mo lang pala."
Nakalagay kasi iyon sa paper bag ng isa sa sikat na pastries sa bayan.

Her scent filled my nostril nang ibato ni Rod iyon at tumama sa mukha ko.

Napangiti ako. Buti na lang pala at hindi ko ito pinalabhan sa kanya.

"Lumayas ka na nga Rod, matutulog ako." Naglakad na ako papunta sa kwarto ko na bitbit yun shirt ko.

"Langya, himala ng himala! Hindi ka ba mambabae ngayon?" Sumunod pa rin ito hanggang sa kwarto ko.

"Tsk, pagod ako Rod wala pa akong tulog, napalaban ako kaninang madaling araw."

"Bago pa ba yun, eh araw araw ka naman napapalaban ah." Natatawang nitong wika.

"Rod sa lalake ako napalaban." Irita kong sagot dito.

Huli na bago ko na realize na iba pala ang dating dito ng sinabi ko.

"Gudo pati ba naman lalaki tinitira mo na ngayon?" Tumawa ito nang malakas.

"Fvck you ka Rod, hindi yun ang ibig kong sabihin gago!" T*ngnang to pagkamalan pa akong bakla.

"Napa away ako dahil dun sa kaibigan ni Inday." Naghubad ako ng damit at ibinagsak ang katawan ko sa kama.
Hawak hawak ko pa rin yun shirt at hindi ko napigilang amuyin ulit iyon ng wala sa sarili.

"Anung koneksyon ng shirt na yan kung napaaway ka?" Umupo na ito sa may gilid ng kama.

"Huh?"
Naguluhan ako sa tanong nito.

"Tangna dude, kanina mo pa inaamoy yan t-shirt mo."

"Tsk. Ganito kasi..."
So nagkwento na ako tungkol sa nangyari. Lahat lahat pwera lang yun pagse selfie ko syempre.

Tawa ito nang tawa matapos kong sabihin kung gaano ako tinigasan sa babaeng iyon.

"Langya ka Gudo, bilib ako sayo pare, first time mong nagtiis sa babae at take note, GRO yun! Kung gugustuhin mo walang kapalag palag yun."

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon