Chapter XX

28.4K 605 82
                                    

Chapter XX

ANNETTE'S POV

Nagising akong may parang mabigat na bagay na nakadagan sa akin.
Si Gordon. Nakapatong Ang maskulado nitong braso sa may ibabaw ng aking dibdib habang nakasisiksik ang mukha nito sa aking leeg.

Muli nanariwa sa akin ang mga nangyari kagabi. I lost count kung ilang beses ako nitong inangkin. Parang wala itong kapaguran na halos hindi ako tinigilan.

Napasulyap ako sa wall clock at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong higit alas dos na ng hapon.

Maingat kong inangat ang mabigat nitong braso para bumangon.

Nasan na ba yun mga damit ko?

"Hephep! Saan ka pupunta?"
Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marining ko ang boses nito.

Damn.

"Uuwi na malamang. Masyado ka naman jackpot kung iniisip mong makaka isang round ka na naman." Humarap akong inismiran ito.

Ngumisi ito at kinagat ang pang ibabang labi na hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Shit! Sa mga oras na ito ay gusto kong lumubog na lang sa kinatatyuan ko.
Naramdaman ko ang pag iinit ng buong katawan ko sa paraan ng pagtingin nito. Init sa sobrang kahihiyan.

"Why not? Tutal parehas pa naman tayong wala pang saplot."

"Bastos!" Mabilis akong tumalikod at dali daling binuksan ang pinto ng kwarto para lamang magulat nang may lalaking magsalita mula sa sala.

"Oy Gudo! Seryoso? Kala ko ko ba pare sagrado itong bahay mo sa mga babae, eh kaninong damit ito?"

"Fuck!" Bago pa man ako makakilos ay nahaklit na ako ni Gordon pabalik sa loob. Isinandal ako nito sa likod ng pinto habang nakatakip ang isa nitong kamay sa aking bibig para mapigilan ang mapasigaw.

"Shhh... Si Rod lang yon." Bulong nito bago unti unting tinanggal ang kamay sa aking bibig. Napapikit ako sa sobrang lapit ng mukha namin. Konting galaw na lang at maglalapit na ang labi namin.

"Hmmm" Wala sa sariling kumawala ang mahinang ungol mula sa akin.

Nagdilat lang ako ng mata nang marinig ko ang mahina nito tawa kasunod ang mabilis na halik sa labi ko.
Shit!

"Wait here." Binitawan ako nito bago naglakad papunta sa mini closet nito upang kumuha ng pangtakip sa kahubaran nito.

Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kama.

My gosh.. Kung wala siguro ang kaibigan nito ay pihadong mauulit na naman yun ginawa namin kagabi.

"Fuck you dude, anung ginagawa mo dito?" Dinig ang malakas na boses ni Gordon na binigyan lamang ni Rod ng malakas na halakhak.

Nakarinig ako ng mga yabag papunta sa kwarto kaya madali akong nagtungo sa closet at isiniksik ang sarili ko sa loob. Isinuot ko ang unang T-shirt at sweat pants na nahagilap ko. Mahirap na at baka makita pa ako ng kaibigan nitong walang saplot.

Ilang sandali pa akong nasa loob ng closet. Anu kayang pinaguusapan ng mga yun?

Naglakad ako sa may pinto para i-lock iyon ng marinig ko boses ng mga ito na parang nasa tapat lang sa labas ng kwarto.

GORDON'S POV

Inabutan ko si Rod na hawak sa dalawang kamay ang mga damit ni annette. Kaninang madaling araw ay nakita ko iyon sa shower room na basa kaya dinala ko ito sa sala at isinampay sa may tapat ng pintana para patuyuin.

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon