Chapter XI

63.7K 927 24
                                    

Chapter XI

Annette's POV

Naiilang akong magtrabaho dito sa restaurant. Paano ba naman itong si Gordon, pag bukas pa lang nang resto ay nandito na. Hindi naman nang-aabala, katunayan ay nakaka pitong order na ito ng coffee mula kaninang alas dyes, at dito na rin ito nag lunch.

Hindi ko alam kung ano ang relasyon namin, pero pagkatapos ng may mangyari sa amin dun sa resthouse nya ay parang sariling pag aari ako nito kung makaasta.
Aaminin kong sobrang mabilis, pero gusto ko ang ginagawa at ipinararamdam nito sa akin.
May takot din syempre pero iniisip ko, minsan lang ako makaramdam ng ganito katinding atraksyon sa isang lalaki at sasamantalahin ko ang pagkakataon dahil alam kong ganun din ang nararamdaman nya para sa akin.

"Annette." Siniko ako ni Archie na kasamahan ko dito at ngumuso sa direksyon ng haliparot na si Gordon.
And yes, nakataas ang kamay nito sa ere na nagtatawag na naman ng staff!

I rolled my eyes na naglakad papunta sa table nito. Isa pa ito sa kinaiilang ko. Kapag ibang staff or waitress/waiter ang lumapit sa kanya ay pinababalik nya ang mga ito at ako ang ipapatawag.

Nakakahiya sa mga kasamahan ko.

Saka naisip ko hindi ba syamagtatrabaho para tumambay lang dito?
Adik!

"Yes sir, ano pong order nila?"
Nakatungo ako sa hawak kong ballpen at notepad hindi ko ito tinitingnan.

"I want a take out." Wika nito.

Doon biglang naagaw ang pansin ko na nag -angat ng tingin dito.
Uuwi na ba sya?

"Take out?" Hindi ko alam pero parang bigla akong nakaramdam ng lungkot sa kaalamang uuwi na sya.

"Yes, a take out for two." Ngumisi itong kumindat pa sa akin.

Ang hayup na to! At kanino o sino naman ang pagdadalhan nya ng take?
Sa babae ba?

Umingos akong inirapan ito.

"..and you." Pagkatapos ng ilang sandali ay dagdag nito."

Anu daw?

"Ahm sir?" Naguguluhan kong tanong dito.

Sa halip na sumagot ay tumayo ito at hinawakan ako sa kamay bago ako kinaladkad papunta sa may locker room.

"Anu ba Gordon?" Pabulong kong sigaw dito. Hindi na nahiya sa ibang costumer.

"Sabi ko ite-take out kita dahil out kana diba? Bilis, magbihis ka na." Napatingin ako sa orasang nakasabit sa wall.
Teka, bakit alam nya ang schedule ko?

"Kaibigan ko si Allan, Annette kaya wag ka nang magtaka." Sagot nito sa unspoken question ko bago binuksan ang pinto ng locker room at itinulak na ako papasok.

Nagulat ako nang pumasok din ito at ini lock iyon.
"Now, Give me a kiss." Utos nitong lumapit sa akin.

"Bakit mo ini-lock?" Iniharang ko ang kamay ko sa labi ko nang akma nitong ilalapit ang sariling labi sa akin.
Bakit ako ang manghahalik, diba dapat sya dahil sya ang lalake?

"Come on Annette, buong araw akong naghintay." Kinuha nito ang dalawang kamay ko bago iyon at inilagay sa likod ko at hinawakan iyon ng mahigpit gamit ang isang kamay. Tumaas ang isa pa nitong kamay na dumako sa leeg ko at hinaplos iyon.

Halos hindi ako humihinga habang ginagawa nya iyon at kusang pumikit ang mata ko nang kabigin ako nito sa batok at paglapatin ang labi namin.

Oh God, paano nya nagagawang pag initin ang pakiramdam ko sa simpleng haplos at halik?

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon