Chapter XIII

57K 941 29
                                    

Chapter XIII

Annette's POV

"Marunong ka palang magluto? Wow nahiya naman ako." Nakauwi na kami ni Gordon dito sa house nya after nun eksena nun babaeng linta at sa pamimili namin.
Talagang nakakahiya dahil kahit mga pangalan ng ibang ingredients ay hindi ko alam ang pangalan. Seafood pasta daw ang lulutuin nya dahil favorite nya iyon.
Gusto kong matawa kasi diba dapat kung ipagluluto nya ako ay yun favorite ko dapat ang lutuin nya?

"Yeah, my mom taught me how to. I can also bake." Natatawa nitong pahayag habang nagcho-chop ng onion bago ako nitong nilingon at kumindat.

Is he for real! Wow.

Nakaramdam ako ng inggit sa sinabi nito. Siguro kung nakasama ko si mama ay marunong din akong magluto. Nasabi sa akin ni Allan na Sa tiya nya ito na inspired kaya sya nag open ng restaurant. Dati ay karinderia lang iyon at ang mama ko nagluluto doon. Masipag din si Allan kaya na rin siguro ito sinuwerte isama pa talaga na sobra itong mabait.

"Natulala ka na dyan? Ini-imagine mo ba kung gaano ako ka sexy kung wala akong suot kundi itong apron lang?"

"Huh?" Kumurap ako at tiningnan ito.

"Are you okay?" Binitawan nito ang knife na hawak at lumapit sa kinauupuan ko bago ikinulong ang mukha ko sa dalawang palad nito.

Nag iwas ako ng tingin. Ayokong ipakita dito ang nararamdaman kong kahungkagan. "Wala medyo kinakabahan lang ako sa dinner bukas." Pagsisinungaling ko.

"Kasama mo ako Annette, kahit ako kinakabahan dahil ngayon pa lang ako magdadala ng girlfriend sa bahay ng parents ko pero mabait naman sila so you don't need to worry, ok? I like you so much Annette." Nag angat ako nang mukha sa sinabi nito at sinalubong ang tingin nito.
Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin at parang gusto kong matunaw sa paraan ng pagtitig nito.

"I like you too Gordon.. So much.." Nahihiya kong pag amin.

"Good." Ngumiti ito sa sinabi ko at mabilis akong hinalikan sa lips bago muling bumalik sa ginagawa.

Marami akong naririnig tungkol sa kanya kung paano ito magtrato ng babae, pero iba ang ipinakikita nito sa akin. Yes, minsan may pagkabastos ito, pero isa iyon sa gusto ko sa kanya. Yun walang pretension at sinasabi kung anong iniisip at ginagawa kung anong nararamdaman nya.

"Need help?" Tumayo ako at lumapit dito. Marunong naman akong maggayat kahit papaano.

"Sure, pakitingnan yun pasta kung ok na." Ngumuso ito sa stove na may nakasalang na malaking pot.

Tiningnan ko nga iyon.
"The water is boiling na." Wika ko dito.

Naramdaman kong lumapit na pala ito sa akin na may hawak na tongs at pot pads sa kabilang kamay. Pinatabi ako nito bago kumuha ng pasta sa loob ng pot. Inilagay nito iyon sa palad niya bago dinala sa sariling bibig.

"Hmm.. Al dente." Wika nito na sa akin nakatingin habang nginunguya yun noodle.
Lintek, bat ang sexy nya?

"Anung alam mo sa kusina Annette, magpakulo ng tubig?" Pagbibiro nito na ini-off yun stove at hinawi ako sa isang tabi bago nito kunin ang pot at dalhin iyon sa may sink. "Pakiabot ng olive oil." Itinuro nito ang table at mabilis ko naman agad nakita ang bottle nito.

Nakatingin lang ako sa bawat galaw nito at hindi ko maiwasang mas lalong lumalim ang paghanga sa kanya.

Perpekto yata ang lalaking ito. Lahat na lang nasa kanya. Looks, brain, talents at lahat ng magagandang katangian ng isang lalake.

"Thanks Gordon, I enjoyed the food so much. Swerte ng magiging asawa mo." Pabiro kong wika dito. Kakatapos lang naming magdinner at nag aya itong magkwentuhan muna kami dito sa living room nya bago daw ako ihahatid sa apartment ko.

The Heiress GRO (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon