VIII

34 1 0
                                    

Good news is. He actually helped me. I was an orphan, I don't know who my real parents are. And a family took care of me surprising part is I remembered that when I came across my Father's name.  Dahil siya yung nagsign up noon dun sa orphanage. For 7 years I was with them pero wala na din sila nagmigrate na sa ibang bansa for years they have been trying to fix my papers but since hindi nila ako tunay na anak hindi naging madali hanggang sa gumive up nalang sila and binalik ako sa orphanage by the time I was 18 I moved out gusto ko kasi talagang magcollege.

Jes is actually my childhood bestfriend magkasama kami sa orphanage until we were 10 years old dahil naunang inampon si Jes. Nung nalaman niya na nasa orphanage ulit ako she came back and asked her parents if they could help me. And they did.

I'm a working student. I do not work at #EdiSaPusoMo I work part time at a fastfoodchain. Parang ampon na din ako ng parents ni Jes dahil sila ang nagbabayad ng rent namin sa dorm pati ang supplies. So ang binabayaran ko lang is kalahati ng tuition fee dahil sa Student Assistance Program ng school.

Siguro ito din yung reason kung bakit pinili kong makalimot. Kung bakit pinili kong wag nalang alalahanin.  Sometimes to stay alive you have to kill your pasts.

Pagkatapos kong malaman ang lahat ng kailangan kong malaman pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko as if asking if I'm okay. I gave him a nod at inakay na niya ako palabas at Umupo kami sa corridor sa tapat ng registrar

"Are you okay?" He said after a long moment of silence.

"This whole time umasa ako na may magaalala sakin na may uuwian ako. Mas maganda pa palang hindi ko nalang nalaman" Hindi madali ang buhay ko. I did not know na kinaya ko ang ganitong buhay na walang kahit sinong sumusuporta sakin. Hindi pala ako kulang. Kasi I was alone all my life.

"Tama sila Life is not unfair. It is infact fair. Because it is unfair to everybody. You know. OFW ang mom ko naiwan kami ni ate kay dad we were once a happy family pero nung umalis si mom nagbisyo na ang dad namin he used to beat me up tapos pagtatanggol ako ni ate and he ends up beating her too. Iniwan namin siya. Yung mom ko may iba ng pamilya. Kami nalang din dalawa ni ate. At hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sakanya. She's the only family I had left"

"Have you tried talking to your father? Alam kong hindi madali ang pinagdaanan mo sakanya pero atleast you have a father right? Ate mo lang ang kasama mo? Bakit wala ka bang girlfriend?" May bakas ng lungkot sa mata niya. Pero ngumiti pa rin siya

"Hindi na. Hindi niya din naman siguro kami kilala. Girlfriend? Meron. Dati"

"Edi Ex?"

"No. Girlfriend ko pa rin. Wala lang siya dito physically pero Girlfriend ko pa rin siya"

"Nasan ba siya?" He did not answer. He looked up and pointed the sky

"Anong nangyari?"

"Car Accident. Na Comatose siya for 3 months then ayun na. " I saw the painful look in his eyes. Like he was longing for her. Sino man siya She's very luck to have someone like Mark. Kahit sandali ko pa lang siyang kilala I know mabuti siyang tao.

"I'm sorry"

"It's ok. I'm healing. Anyway it's almost 6pm. Hatid na kita?"

"No I'm fine. Masyado na kitang naabala"

"Since mukha namang hindi ka busy lagi do you mind if kukunin ko number mo pag wala akong kasama?" Bibigay ko ba? Ok naman siyang kasama e tska part ata siya ng mission ko technically kailangan ko din siya right?
"You know you could just say no. No hard feelings"

"Since tinulungan mo ko today maybe I can return the favor. So ok"

100 Days to LifeWhere stories live. Discover now