V

50 2 0
                                    

Day 2

"Des bisitahin ko lang si Rico ikaw na muna bahala dito ha? Promise pag balik ko dadalhan kita ng ice cream ok?" She then headed towards the door at bumalik sa akin

"Oh. Eto nga pala duplicate key mo. Baka kasi sa kalye nanaman ako pulutin pag di ako nakapasok kakatulog mo so tig isa na tayong key from now on" inabot niya sa kamay ko ang susi. Napahawak ako sa kamay niya..

"Des.. Listen to me. Wag na wag kang sasama sakanila" Isang lumuluhang Jes ang nakita ko. Habang naglalakad ako palayo kasama ng isang grupo ng mga babae.

What happened?

"Huy! Aalis na ko!" Naweweirduhan na siguro sakin to
"Oh. Ok. Ingat ka" at tuluyan na nga siya umalis

Humiga ako sa kama ko. Still trying to figure out kung bakit ganun ang nakita ko sa vision ko. What did I do that made her cry like that?

"Confusing huh?"

"Faith!!" Nakakagulat naman kasi. Bigla nalang sumusulpot

"I'm sorry to burst your bubble. Pero you need answers in this one."

"Go ahead. I'm listening"

"What you saw is something from your past, part of your mission is not only help the others. You need to help yourself too." She looked at me as if I did a huge mistake.

"You did made a huge mistake Des." Tinignan ko ang litrato naming dalawa ni Jess what could possibly go wrong in our friendship?

"A lot could happen Des. Di mo alam kung ano ang nababago sa bawat choices mo. I am warning you Des. Keep an eye out" Faith disappeared. Bakit lagi nalang hindi nasasagot ang tanong ko? And then I remembered she said "Someday the answers will be right infront of you" so ok di na ko magtatanong maybe when that time comes maiintindihan ko din.

Ayoko munang isipin ang mga bagay bagay. I went out to familiarize myself in this place. Hindi pa ako nakakapasyal since I got here. Di naman siguro masama na gawin ko to since part of my mission is to experience life once again.

Pumunta ako sa mall kung saan napakaraming tao. Tinitignan ko ang buong paligid habang naglalakad. May batang kumakain ng ice cream teka Parang gusto ko din ng ice crea--

"Aray!" Napaupo ako sa sahig. Sino ba naman kasi tong bumangga sakin?!

"Sorry miss. Di mo kasi tinitignan dinadaanan mo e" teka parang pamilyar siya?

"Ah. Ok lang. Sorry din 1st time ko kasi dito sa lugar na to" ngumiti siya at inabot niya ang kamay niya sakin para itayo ako.

"Anong ginawa niyo sakanya! Mga hayop kayo!" Nakikipagsuntukan siya sa grupo ng kalalakihan. Kahit halos matumba na siya suntok pa rin siya ng suntok. Nilabas ng isang lalaki ang baril niya.

"Please tama na!!" Isang babae ang sumulpot sa likod niya ngunit di ko makita ang itsura. Mukhang nanghihina na rin ang babae. Sa isang iglap pumutok ang baril at tumama ito sa babae tinanggap niya ang bala na para sa lalaking ito.

"Miss ok ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?" Napatingin ako sakanya at agad binitawan ang kamay niya.

"Ayos lang ako. Sorry ulit" dali dali na akong lumakad palayo pero hinila niya ako

"Teka. Ako nga pala si Mark. Anong pangalan mo?"

"Destiny". At tuluyan na akong umalis. Umuwi ako matapos ang nangyari. Parang nawalan ako ng gana mamasyal sa nakita ko. Ang hirap pala ng ganito. Alam ko ang mangyayari at the same time hindi ko alam kung paano nangyari. Kaya siguro hindi binigyan ni God ng ganitong powers ang mga tao dahil gusto niyang maging masaya sa kasalukuyan. Nasan na kaya si Faith? Ano ba naman yun kung kailan ko siya kailangan makita dun hindi sumusulpot.

100 Days to LifeWhere stories live. Discover now