VI

60 2 1
                                    

Day 3

"Kailan mo balak ipakilala sakin si Rico?" I asked the moment Jes got home. kokonti lang ang oras ko and I'm sure hindi kya ng isang araw ang bawat mission ko.

"Oh bakit? may lakad ka?! bat ka nagmamadali?" pumunta siya sa kitchen at nagsimula ng magprepare ng mga pagkain for Rico for sure babalik to sa Hospital. I heard binalik ulit si Rico dahil sumama ang pakiramdam

"Curious lang ako dahil ilang days na ko nabuburo dito wala pa rin ako ibang kilala"tumigil siya sa pagbabalat ng luya and she gave me a confused look

"Bakit di ka makipagkita dun sa mga friends mong maldita?!"

"What? Sino?!"

"Alam mo di ko alam kung pinagtritripan mo ko o nagtatangatangahan ka o talagang nagkabuhol buhol utak mo. Yung Grupo nila Michelle na walang ibang ginawa kundi manira ng buhay ng ibang tao" tinaasan ko nalang siya ng kilay. naninira ng buhay tapos kinaibigan ko? ano yun joke?

"Seryoso ka jan?"

"Hayy ewan ko sayo! tulungan mo nalang ako maghiwa dito pagkatapos ko magluto magpapalit lang ako ng damit tapos punta na tayo dun para wala ka ng kinakatak jan" after few hours umalis na rin kami.

On our way parang hindi siya mapakali. kaya nung nasa labas na kami ng kwarto ni Rico I decided to ask her

"Jes, ok ka lang?"

"Actually No, hanggang ngayon kasi ayaw niya pa rin ako pakinggan. Des I need your help on this tulungan mo kong kumbinsihin siya" Maluha luhang sinabi niya.

"I'll do what I can Jes" binuksan na niya ang pinto.

I saw rico ang daming doctor ang nakapalibot sakanya at makikita mong nanghihina na talaga siya. Inihanda ni Jes ang mga pagkain ni Rico habang ako naman nagmamasid masid lang nakita ako ni Rico and he gave me a faint smile.

matapos ang ilang sandali lumabas ang mga doctor at nurses kasama si Jes at ang nanay ni Rico. naiwan kaming dalawa ni Rico sa loob ng kwarto.

"Gutom ka na ba? ang dami nilang sinaksak sayo for sure nagutom ka"

"Destiny, mamatay na rin naman ako sayang lang ang kakainin ko" alam kong nahihirapan siya pero alam kong somewhere in his heart gusto niyang lumaban

kahit ayaw niyang kumain inilapit ko pa rin sakanya yung mga pagkain na niluto kanina ni Jes.

"Sweet ng bestfriend ko no? niresearch pa niya kung ano yung mga food na dapat mo kainin. tapos sa sobrang dami ng niluto niya sinama pa ako para tulungan siya magbuhat"

"Hindi sweet yung bestfriend mo. Ang kulit nga e sabi ko naman sakanya hayaan na ko ewan ko ba kung ano pumasok sa isip nun haha"

"Sweet siya dahil kahit tinutulak mo na siya palayo bumabalik pa rin siya. Hindi ka pa niya sinusukuan Rico, wag kang sumuko sa sarili mo. ginagawa niya yun kasi mahal ka niya di ko alam kung bakit hindi mo gets yun. nga pala aalis na ako ililigpit ko pa kalat niya sa kusina" hinawakan ko ang kamay niya

"Thank you Jessica, you are my miracle, Thank you for not giving up on me  let me return the favor by taking care of you for the rest of my life" alam ko sa sarili ko na kung ano man ang nakita kohindi yun ang nakaraan. eto ang mangyayari sa future

"Kaya mo yan Rico maniwala ka lang maraming naghihintay sayo. o pano ba yan aalis na rin ako bibisitahin nalang kita next time ha?" isang ngiti ang binigay niya sa akin. at umalis na ako sa room.

nadatnan ko si Jes sa labas habang kausap pa rin ng nanay ni Rico ang doctor.

"Alis ka na? kain ka muna ang dami ko kayang niluto"

"Hindi na alam ko naman na para ka Rico talaga yun. ano daw sabi ng doctor?"

"May chance pa Des. kung willing talaga si Rico" may bahid ng kalungkutan sa mukha ni Jessie kaya naman lumapit ako at tinapik siya sa likod at nginitian hindi ko alam kung ano dapat kong sabihin para mapagaan ang loob niya.

naglakad na ako palabas ng may nakita akong pamilyar na mukha

"Mark?"

100 Days to LifeWhere stories live. Discover now